Chapter 2

1476 Words
As usual hinihintay nanaman ni Chacha si Kevin sa Gate ng Campus nila Napapakanta pa siya habang hawak hawak ang chocolate cookies na ginawa niya para kay Kevin bilang pasasalamat sa pag hatid nito sakanya Hindi kasi ako makatulog kagabi kakaisip kay Kevin. Malungkot kasi sinabi niya sakin na hindi niya ako gusto pero hinatid niya ako sa bahay namin kagabi kaya nagkaroon uli ako ng pag asa ahaha Wala naman masama umasa diba? Buong gabi niya pinag pagudan gawin ang chocolate cookies para dito. Nilagyan niya pa ng Box at red ribbon ang kanyang munting pasasalamat maya maya pa natanaw na niya si Kevin. Cleanliness and Freshness ang nag susumigaw sa Aura nito. Ang puti puti ng Uniform nito. Malinis sa Gamit at higit sa lahat sobrang pogi talaga niya Madaming mga babae ang napapalingon at kinikilig kapag nakikita ito. At isa na si Chacha sa mga babaeng yun Ako yata ang number one fan niya Napasimangot agad si Kevin ng makita siya. Ngumiti siya ng matamis at binalewala ang pag susungit nito. Sanay naman siya palagi nagsusungit si Kevin sakanya "Good Morning sweetheart!" Lumapit siya kay Kevin at sinabayan itong maglakad As usual Hindi siya pinansin nito "Mas lalo ka gumagwapo pag nag susungit ka.. Hihi" Hindi padin ito kumibo at tahimik lang na lumalakad. Dedma ang beauty ko ha? Nag Paganda pa naman ng husto si Chacha para lang kay Kevin. Ngunit hindi pa din siya nito pinapansin "Para sayo nga pala to sweetheart" Napatigil ito sa pag lalakad at tumingin sa inaabot niyang Red Box with Red ribbon Ngumiti siya ng matamis kaya lalong napakunot ang nuo nito "Ano yan?" Masungit na tanong nito "Para sayo ito sweetheart. Chocolate cookies, ako nagbake nito bilang pasasalamat ko sayo sa paghatid mo sakin kagabi--" "No need. Hindi ako mahilig sa matamis" Basag nito sa kanyang sinasabi at lumakad na uli ito Napabuntong hininga si Chacha pero sinundan niya padin si Kevin "Sige na. Sweetheart tangapin mo na please?" "Ayoko" Hinawakan niya ang braso ni kevin at parang napaso ito sa kanyang kamay. Napaatras ito at namula ang pisngi "D..Don't touch me and stay away from me. Di ba sabi ko sayo kagabi tigilan mo na ang pag sunod sunod sakin? mag-aral ka nalang mabuti, hindi kung ano anong ginagawa mo" Napangiti si Chacha dahil ang haba ng sinabi ni Kevin. Parang gusto niyang irecord muli ang sasabihin nito "Sorry. Gusto ko lang naman tangapin mo na to. Nagpuyat ako kagabi ara dito at Pinaghirapan ko tong gawin--" Napatigil siya sa pagsasalita ng kunin ni Kevin sakanya ang kanyang regalo at inilagay ni kevin sa Bag nito "I'll accept this but this will be the first and last thing na tatangapin ko from you dahil sa susunod hindi ko na tatangapin pa" seryosong sabi nito at tumalikod na sakanya "Yehey!" Napatalon sa tuwa si Chacha dahil tinangap ni Kevin ang munting regalo niya Masarap yan kevin! Kasing sarap ng pagmamahal ko sayo Sinundan niya padin ng pasimple si Kevin hangang sa classroom nito. Nanlaki ang mata ni Chacha ng makitang magkausap si Kuya larry niya at si Hazel Aba nauna pa sakin si hazel ah. hahAha Bagay sila ng kuya ko Nang mag ring ang Bell nagpasukan na lahat ng mga students sa loob ng classroom kaya silang dalawa nalang ni hazel ang natira sa corridor "Hoy bruha!" hinila niya si Hazel payuko sa ilalim ng bintana "Sister!" Todo ngiti si Hazel at niyakap siya "Mukhang masaya ka ah?" "Oo naman. Tinext ako kagabi ng kuya mo sabi niya hiningi niya daw sayo ang number ko. Tapos sabi niya magkita daw kami ngayong umaga kaya nandito ako. hihi" Napangiti siya "Kakilig naman hazel. haha Magiging kapatid na kita in the future" Nag high five silang dalawa "Ano naman sinabi sayo ni Kuya larry?" "Nagpapatulong siya sakin sa thesis project nila. Nalaman niya kaseng magaling daw ako sa Computer--" "Ano?!" Lintik talaga tong kapatid ko mukhang gagamitin pa si Hazel para sa nanganganib na thesis niya! unti unti nawala ngiti ni Chacha. Pero si Hazel nakangiti pa din at kinikilig "Wag mong gawin yung inuutos sayo ng bugok na yon. Bwisit talaga yon" "Ano ka ba chacha. Ayos lang naman sakin. Wala naman akong gagawin this week kaya maisisingit ko yung thesis ng kuya mo" Hay pag ibig talaga nakakaloka! Sabagay ako din nga kay Kevin kung ano ano ginagawa ko eh "Fine whatever." Lunch Time. Nasa loob ng Canteen si Paulo, Hazel at Charlene. Nakapila sila para bumili ng pag kain. May hawak silang black tray "Chacha ililibre na kita." bulong ni Hazel sakanya "Bruha! Di mo naman kailangan magpalakas sakin eh. Pero sige gusto ko yan hihi" Natawa din si Paulo sakanilang dalawa "Paano naman ako Hazel?" Tanong ni paulo "Lakas talaga ng pandinig mo paulo! Grrr sige lilibre na din kita tutal malapit nako magkaboyfriend hihi" Nilibre sila ni Hazel ng Lunch. Maya maya pa habang kumakain na silang tatlo nakita ni Chacha si Kevin na papasok sa loob ng Canteen. kasama nito ang kuya Larry niya at si Freya ang maarteng girlfriend ng kuya niya Nanlaki ang mata niya lalo na si hazel dahil nakita din nito ang magkaholding hands na mag kasintahan "B...Bayaran niyo sakin yang lunch niyo" Mangiyak ngiyak pa ito Napangiwi nalang si Paulo at Chacha at hinaplos nila ang likod ni Hazel dahil parang iiyak ito Napalingon si Kevin sakanya kaya nginitian niya ito ng matamis at kinawayan niya pa ito Nag iwas agad ito ng tingin. "Hmm Pakipot naman palagi ang sweet heart ko" napayuko nalang si Charlene at tahimik na kumain "Pwede ba charlene at Hazel umayos nga kayong dalawa. Magkakacrush nalang kase kayong dalawa doon pa sa mga heartthrob ng school natin. Talagang masasaktan lang kayong dalawa" Nakasimangot na sita sakanila ni Paulo "Palibhasa kase wala kang crush kaya hindi mo nararamdaman ang nararamdaman namin ni Hazel" Napatingin ng seryoso sakanya si Paulo "Kung alam mo lang" Tumayo na ito at nag walk out "Problema nun?" Napasimangot siya dahil sa naging asal ni Paulo. "Huy paulo! Hindi ka pa tapos kumain" Hinabol niya si paulo. Sakto naman napatigil sila sa tapat ng Table nila Kevin kaya napatingin ang mga ito sakanila Nakahawak siya sa braso ni Paulo Napasimangot naman si Kevin sa nakikita nito "Nawalan nako ng gana charlene. Bumalik kana kay hazel wala siyang kasama." "Sure ka?" Concern na tanong niya kay paulo habang hawak padin niya ang braso nito Alam ni Charlene naririnig nila Kevin ang pag uusap nila ni Paulo "Hoy chikiting ano yan lovers quarrel?" lumapit naman ang kuya niya sakanila ni Paulo at nang aasar nanaman ito. Inakbayan siya ng kuya larry niya Sinimangutan niya ang kanyang kuya "Ikaw paulo matagal na kayong magkaibigan ng kapatid ko ha. Baka kayo magkatuluyan sa bandang huli--" Napatingin sila kay Kevin dahil nalaglag ang kutsara nito At lumikha iyon ng ingay Nakasimangot itong pinulot ng kutsara "Larry. Tama ka sana sa bandang huli kami ang magkatuluyan ni Charlene. Gusto ko si Charlene matagal na pero bata pa kami at gusto kong hintayin siya" Matapang at balewalang pag amin ni Paulo sa nararamdaman nito Lalong napasimangot si Kevin Napanganga naman si Charlene dahil sa sinabi ni Paulo. Napasipol naman ang kuya niya "Naks Naman may nagkakagusto pa pala sa tamad kong kapatid haha. Sige tama ka bata pa kayo at mag aral muna" "Tss nagsalita ka nanaman kuya! Ikaw nga nag gigirlfriend ka na bata ka pa din naman ah? 19 ka palang no!" "Aba bakit ka nagrereklamo Chacha? gusto mo na ba mag boyfriend?" "Oo naman! Ikaw lang ba pwedeng magkaroon ng girlfriend ha?" Napatayo si Kevin sa upuan nito at lumapit ito sakanya "Kung ano anong pinag gagawa mo" Nanlaki ang mata ni Charlene ng hawakan ni kevin ang kanyang kamay at hilahin siya palayo kay Paulo at kuya larry niya "S..San mo siya dadalhin?" Hinawakan naman agad ni Paulo ang kabilang kamay ni Chacha Napahinto si Kevin at tinignan lang ng masama si Paulo "Sa library" Sagot ng kuya larry niya habang nakangiti Kumunot naman nuo ni Paulo "Anong gagawin nila s Library?" "I'm her tutor. May problema ba?" Masungit nitong sabi kay paulo. Halatang naiinis na si Kevin kay Paulo dahil daig pa nito kung umasta ang pagiging boyfriend Inalis naman agad ni Charlene ang kamay ni Paulo sa braso niya "Shoo wag ka na madaming tanong paulo" Bulong niya kay paulo. Halatang nasaktan ito "Tara na sweetheart? hihi pumayag ka na palang maging tutor ko ah?" masayang tanong niya kay Kevin Kumunot lang ang nuo nito at hinila na siya palabas ng Canteen Napapatingin ang mga studyante sa magkahawak nilang kamay. Kaya doon palang napansin ni Kevin na magkaholding hands pala sila. Agad nitong binitawan ang kanyang kamay "Sundan mo nalang ako.." nahihiya nitong sabi sakanya Napapangiti naman siya dahil kinikilig siya. Panigurado ang daming naiingit sakin ngayon hihihi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD