Chapter 3

1147 Words
Chapter three "Maghanap ka ng bakanteng upuan. Kukunin ko lang yung libro" masungit na utos ni Kevin sakanya ng makarating sila sa loob ng Library kanina pa matamis ang ngiti ni Chacha dahil kasama niya si Kevin. Eto na ata ang pinakamasayang araw niya simula pa nung makilala niya si Kevin "Okay sweetheart. Ingat ka ha?" Nagpapacute pa siya habang nakatingala siya kay Kevin. Bakit ba kase ang tangkad nito? He just gave her a death look at lumakad n ito papunta sa mga book shelf Nakakita naman agad ng Vacant seat si Chacha sa bandang dulo. Tahimik lang ang buong library at lahat halos ng babae napapatingin sa kanya dahil kasama niya ngayon ang pinakagwapong student ng Campus nila Napapangiti siya lalo dahil kinikilig siya Pasimple niyang sinulyapan si Kevin. Seryoso itong naghahanap ng libro. Kaya dahan dahan niya kinuha ng compact powder at liptint niya Nag retouch siya ng kanyang mukha Napangiti siya dahil ang ganda niya sa salamin. Mabuti nalang at nag mana siya sa Mommy niya. Makinis ang balat niya dahil inaalagaan niyang mabuti ang kanyang balat. Halos maubos na nga niya ang isang buong papaya soap sa sobrang tagal niya maligo araw araw eh. Ngunit Ordinaryo lang daw ang kanyang Ganda sabi ng kuya larry niya. "Hindi restroom ang library. Nagpunta tayo dito para mag review ka" Agad na pinasok ni Chacha sa loob ng kanyang pink Bag ang kanyang liptintat compact powder Nang marinig niya ang boses ni Kevin sa likuran niya "Ah..Eh. Sorry sweetheart" Inipit niya pa sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng kanyang buhok Umupo sa tabi niya si Kevin Parang gusto niyang mapapikit dahil ang bango bango nito! Pinigilan nalang niya ang sarili dahil baka isipin nito nababaliw na siya nababaliw naman nako talaga sayo kevin hihi Napatingin siya sa tatlong librong hawak hawak ni Kevin at inilapag sa harapan niya Panay English Books ang nilagay nito sa kanyang harapan Napalunok siya at napangiwi "Napakadali lang ng subject na to bakit mo hinayaan na bumagsak ka dito?" Tanong ni Kevin sakanya Ang lakas ng t***k ng kanyang puso ng marealize niya ang lapit lapit ng katawan nila sa isat isa oh my God ganito pala ang pakiramdam kapag katabi mo ang crush mo "Are you listening to me?" Maya maya tanong nito Tumango nalang siya kahit wala siyang naiintindihan sa tinuturo nito about english "Hindi ka naman ata nakikinig sakin. Sayang lang ang pagtuturo ko sayo" Napakagat labi siya. Dahil nakatingin ito sakanya naramdaman niyang napatitig ito sa kanyang labi. Gumalaw ang adams apple nito Parang slow motion naman ang mundo ni Charlene dahil sa napakagwapong mukha ni Kevin "Kevin? Nandito ka lang pala" Tila nagising agad ito sa pagkakatulala sa kanyang mukha nang may babaeng tumawag dito. Nataranta ito at niligpit agad ang libro "This is a bad idea.." bulong ni kevin sa sarili ngunit hindi narinig ni Chacha "Kevin kanina ka pa namin hinahanap may group meeting tayo" sabi nung babae. Mukhang kaklase ito ni Kevin. Mataba ito at mukhang matalino "Sorry nakalimutan ko" Sagot ni Kevin sa babaeng kaklase. Nakatingin lang si Charlene kay Kevin habang nililigpit nito ang mga libro "S..Sa susunod nalang kit tuturuan. Aralin mo muna ang mga naituro ko sayo" Anito Hindi siya tinitignan ni Kevin kaya napangiti si Charlene Uyyy siguro nagandahan sakin si Kevin hihi Mas lalo pa siyang nagpa-cute "Okay lang sweetheart sa susunod nalang" Sabi niya kay kevin Napangiti naman ang babaeng mataba "May girlfriend kana pala kevin? Naks naman" Tukso ng babae kay kevin Nginitian ni Charlene ang babae dahil nagustuhan niya ang pagtukso nito "Tara na.." Pagbabaliwala ni kevin sa panunukso ng kaklase "Bye sweetheart!" Aniya kaya napangiti ng todo ung kaklase nito "Uy Bye daw kevin oh?" tukso pa din ng babae Lumingon si Kevin sakanya Bumilis tuloy bigla ang t***k ng kanyang puso parang may nagrarambulan na mga daga sa loob ng puso niya "Bye. Mag aral ka" hindi ito ngumiti pero sapat na dahil nag paalam ito sakanya. Tumalikod na din agad ito at nauna na lumabas ng library Napahawak siya sa tapat ng kanyang puso Jusko.. Nag babye siya sakin.... Totoo ba ito?! Sobrang kilig ang kanyang nararamdaman. Lalo na nung tumingin pa muli si Kevin sakanya bago ito lumabas ng Library. Nag iwas agad ito ng tingin Napangiti siya ng todo dahil doble doble ang kilig na nararamdaman niya Kinagat niya ang kanyang labi sa sobrang kilig OH M GEEE ang swerte ko!!! Napatingin siya sa mga librong iniwanan ni Kevin sa Table niya. Mag aaral nakong mabuti ngayon sweet heart! Mahaba pa ang vacant period niya kaya naman sinubukan niyang aralin ang mg isinulat ni Kevin sa notebook niya Ang ganda ng penmanship ni Kevin grabe mas maganda pa sa sulat ko eh Lalo tuloy siya ginanahan mag aral Maya maya pa sumakit na ang ulo niya kakareview. At kumulo na din ang kanyang tiyan dahil nagugutom na siya Pag tingin niya sa kulay pink na relong pambisig niya mag aalas tres na pala ng hapon. "Makapag miryenda nga muna.." Niligpit niya ang mga libro at isinoli sa book shelf Mamaya pa naman Alas kwatro ang klase niya kaya may isang oras pa siya para mag miryenda Nag punta muna siya sa restroom upang umihi at mag retouch Habang nasa cubicle siya narinig niya ang pinag uusapan ng dalawang babae sa loob ng restroom "Hindi girlfriend ni Kevin yon. Kapatid yun ni Larry" Nabosesan niya ang isang babae. Si Freya yun. Ang Gf ng kuya niya "Sure ka? Bakit sila magkasama sa Library kanina? Grrrr ang panget naman ng babae" "Oo sure ako. Pero alam ko may gusto yung kapatid ni larry kay Kevin matagal na. Don't worry sis hindi naman papatulan ni Kevin yung ganon klaseng babae eh. Pandak siya eh hahaha" Napasimangot si Charlene habang nakikinig sa pag uusap nila freya at kaibigan nito Nagtawanan pa ang mga ito Grrrr ang kakapal ng Face ng mga ito ah?! Ako pandak?! 5'2 ang height ko! Katamtaman naman yon ah?! Palibhasa mukha silang mga poste.! Pwe! "Oo nga napansin ko pandak siya. Hindi sila bagay ni Kevin dahil ang tangkad ni Kevin" Grrr kailan pa naging basehan ang height para malaman kung bagay o hindi aber?! "Hayaan mo sis magiging boyfriend mo din si kevin. Akong bahala" Doon napataas ng todo ang kilay ni Chacha. Ang kapal talaga ng mukha? Akin lang si Kevin!!!! "I know he likes me sis.. Hinihintay niya lang sigurong ako ang lumapit sakanya. Torpe kasi siya eh." Wow hiyang hiya naman sayo ung sweetheart ko! "Oo nga sobrang gwapo pa naman ni kevin bagay kayo" Ani freya "Correct! Karen and kevin forever!" Nagtawanan pa ang mga ito bago lumabas ng restroom Inis na inis naman si Chacha sa kanyang narinig. Sinabihan siyang pandak ng mga ito! Mga bruha! At higit sa lahat may balak umagaw sa kanyang sweetheart! Hindi ako papayag!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD