CHAPTER 3 - RETIREMENT

1368 Words
        "Good morning, Miss Xandra!" bati sa kin ng guard ng Syjuco Shipping.         Nginitian ko lang ito. Nagmamadali na akong naglakad papasok. Muntik na naman akong ma-late. Sinusumpong na naman kasi kanina si Xander at ako lang ang gustong maghatid sa kanya sa school nila.         Agad kong binuksan ang kuwarto ng boss ko. Pagkatapos ay isinunod ko ang pag-on ng aircon. Nagsalang na din ako ng kape sa coffee maker. Pagkatapos ay binanlawan ko ang gagamitin kong tasa at kutsarita.         "Good morning, Xandra!"         Napalingon ako sa bagong dating.         "Good morning, boss." bahagya pa akong yumukod at saka ko kinuha ang insulated bag na may lamang pananghalian nito.         Pinagbabaon kasi ito ng asawa niya para siguradong healthy ang kakainin niya.         "Mukhang tinanghali ka ng pasok ah. Naglambing na naman ba ang anak mo?" nakangiti nitong sabi.         "Opo, boss. Ayaw pumasok sa school nang hindi ako ang maghahatid." nahihiya kong sabi.         "Ganyan talaga pag lalaki, malambing sa nanay..." mahina pa itong natawa.         Inilapag ko na sa mesa nito ang kapeng tinimpla ko at saka lumabas na sa kuwarto ni Alexander Syjuco, ang presidente ng Syjuco Shipping.         Halos dalawang taon na din ako sa opisinang ito. Idinilat ko ang mata ko. Nagulat ako nang ma-realize kong nasa kuwarto ako ng isang hospital. Ang mas nakakagulat ay sa isang private room na kuwarto ako nakahiga. Pilit kong inalala kung ano ang nangyari nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. "Mabuti at gising ka na!" malapad ang ngiting bungad ni Mr. Syjuco habang nasa likuran niya ang asawa niya. Bigla kong naalala kung anong nangyari. Wala sa loob kong napahawak ako sa tiyan ko sabay tingin dito. Napanatag naman ang loob ko nang makita ko ang umbok ko pa ring tiyan. "Okay naman kayo ng baby mo. Iha, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom sa kondisyon mong yan." sabi ni Mr. Syjuco. "Pasensiya na po sa abala. Gusto ko lang po talagang iabot ng personal sa inyo yung dokumento. Alam ko pong kung gaano kaimportante iyun sa inyo at baka po hindi makarating sa inyo kung iiwanan ko lang kung kanino." nahihiya kong sabi. Napansin ko si Mrs. Syjuco na nakayuko lang sa likuran ni Mr. Syjuco at ayaw akong tingnan. "Oo nga. Noong Saturday pa ako hindi mapakali. Buong akala ko ay nawala na yung kontrata ko with Japan Shipping. Kaya medyo ilang araw nang mainit ang ulo ko. Anyway, maraming salamat sa iyo, iha." "Naku...Wala po iyon. Nagkataon lang din po na day off ko ngayon kaya sinadya ko na po sa opisina ninyo." Kumilos ako para bumaba na sa kama. "Oh! Teka. Saan ka pupunta?" tanong ni Mr. Syjuco sa akin. "Uuwi na po ako. Wala po akong ibabayad sa kuwartong to." medyo nahihiya kong sagot. Pinigilan ako nito. "Hey! Magpahinga ka lang muna. The bill is on me. Makabayad man lang ako sa kabutihang ginawa mo para sa akin at sa kumpanya ko." "Ginawa ko lang po ang tama, Sir." kiming ngiti ko. "And...my wife wants to say sorry to you, iha..." saka ito tumingin sa asawa niya na naiwan pa rin sa kinatatayuan niya kanina. Alanganing naglakad papunta sa amin ang ginang. "O-okay lang po. Naiintindihan ko po. Hindi nio na po kailangan mag sorry..." agad kong sabi.  Alam kong mahihirapan itong mag-sorry sa akin. Nagulat na lang ako ka nang bigla ako nitong niyakap. "Pasensiya ka na sa kin iha..." mahinang sabi nito. Bigla ay na-miss ko ang yakap ng isang ina kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na mapayakap dito. "Ibigay mo sa kin ang number ng asawa mo para mapasundo ko sa driver namin." nakangiti nang sabi nito nang bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Yumuko lang ako. "W-Wala po akong asawa..." "G-ganun ba? Wala ka bang kasama man lang sa bahay?" "Ako lang pong mag isa..." "Ha? Asan ang mga magulang mo?" Umiling lang ako habang nakayuko pa rin. "Yung bestfriend ko lang po ang kasa-kasama ko. Pero ngayon po nasa Manila siya. Nag-aaral kasi siya. Baka po sa sem-break pa siya pumunta dito." Hinagod nito ang likod ko. "Mabuti pa magpahinga ka na muna."a t saka ako iginiya nito na humiga uli sa hospital bed. GABI na nang magising ako. Nagtataka din akong ang haba ng naitulog ko. Wala na ding nakakabit na suwero sa kamay ko. "Kumusta ang lagay mo iha?" Napalingon ako sa nagsalita. Andito pa din ang mag asawa. Nakarandam naman ako ng hiya. Malaking abala na ko sa mag asawang ito. "Okay na po ako. Uuwi na po ako. Masyado na po akong nakakaabala sa inyo." sabi ko sa kanila. "Sigurado ka ba, iha? Kahit bukas ka na umuwi...." si Mrs. Syjuco. Tumango ako at saka kiming ngumiti. "May pasok pa po ako bukas." Lumapit na din sa amin si Mr. Syjuco. "Tumawag na ko sa restaurant kung saan ka nagtatrabaho. I told the manager na hindi ka na papasok simula bukas?" "Po? Naku! Hindi po maaari! Kulang pa po ang naipon ko para sa panganganak ko." natataranta kong sabi. Naku naman! Ano naman ang naisipan ni Mr.Syjuco para magdesisyon para sa akin? "Hey! Hey! Don't panic..." naiiling ito habang natatawa. Nakita kong ngumiti din ang ginang. "Umpisa bukas, sa Syjuco Shipping ka na papasok. Okay lang ba sa yong Receptionist?" nakangiti nitong sabi. Hindi ko napigilang mapangiti. "Talaga po?"excited kong tanong. Tumango ito. "Utang ko sa yo ang future ng Syjuco Shipping." Biglang napalis ang ngiti ko nang maalala ko yung babae sa reception area. "Receptionist po? Iyong dun po sa pwesto nung kausap ko sa lobby nio?" Nakangiting tumango si Mr. Syjuco. "At least doon naka-upo ka lang. Magkikilos ka man pero hindi naman gaano," paliwanag pa nito. "Pero paano po yung Receptionist nio ngayon? Ayoko naman pong may mawalan ng trabaho ng dahil sa akin." "Don't worry, iha. Lilipat si Agnes bilang secretary ng mister ko. Wala na si Carina. Pinatanggal ko na. Dahil sa kanya, kaya kita napag-isipan ng masama. Saka nalaman namin na umaga palang pala nakausap ka na niya. Pero wala siyang binanggit sa asawa ko na hinahanap mo siya." si Mrs. Syjuco. "Dahil sa paghihintay mo sa kin ng matagal kaya tuloy nag-collapse ka. Ako na ang humihingi ng sorry sa inakto ng tao ko." sabi ni Mr. Syjuco. "Sorry din po. Nawalan kayo ng tao nang dahil sa akin." hinging paumanhin ko. "I don't need employees like that. Nakakasira sa image ng kumpanya. So, okay na ba sa yo? " tanong ni Mr. Syjuco. Nahihiyang tumango ako sa mag asawa. "Maraming salamat po, Mam...Sir."         ISANG oras bago mag uwian ay ipinatawag ako ng boss ko.         "Xandra, sa iyo ko na unang sasabihin ito bago ko i-announce sa  buong kumpanya." nakangiti nitong sabi.         "A-Ano po yun, Sir?" medyo kinakabahan kong tanong.         "Two weeks mo na lang akong magiging boss."         "Po???" nagtataka kong tanong.         "Paano naman po mangyayari iyon? Binenta nio po ba ang SS?" nagpapanic kong tanong.          "I will be retiring two weeks from now." nakangiti nitong sagot.         "S-sir?" halos mangiyak-ngiyak na ko.         "Relax...hindi naman ibang tao ang papalit sa akin. Iyong panganay na anak ko ang papalit sa akin. Don't worry. Kung nag-aalala ka na mawawala ka sa posisyon mo ngayon, hindi mangyayari yun. Hindi ka niya pwedeng palitan sa puwesto mo." nakangiti nitong sabi.         Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko.         "Hey!" napatayo ito sa mesa niya at saka lumapit sa akin.         Hinawakan ako nito sa magkabilang balikat.         "Stop crying. Aawayin ako ng asawa ko pag nalamang pinaiyak kita." at saka ito mahinang tumawa.         "Napakabuti po ninyo sa akin, Sir. Hindi ko po alam kung paano ko iyon maibabalik sa inyo." sabi ko dito.         "Just stay with my company, yun lang. And extend your support to my son. Okay?" sabay tapik nito sa akin.         Tumango lang ako.         "Sir, masungit po ba yung anak nio?" maya-maya ay naisipan kong itanong.         "Mana sa akin yun kaya mabait!" nakangiti nitong sabi.         "Sinong mabait, Alexander?"         Kapwa kami napalingon ni Sir Alex sa pintuan. Nakatayo doon ang nakapameywang na si Mrs. Syjuco. Ibinuka pa nito ang hawak na abaniko niya at saka nagpaypay na tila init na init eh ang lakas naman ng aircon dito sa opisina ni Sir Alex.         "Sabi ko dito kay Xandra nagmana sa yo yung anak natin kaya mabait..." ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD