bc

The Hidden God

book_age12+
8.5K
FOLLOW
31.2K
READ
adventure
possessive
others
reincarnation/transmigration
badboy
royalty/noble
superhero
twisted
mystery
magical world
like
intro-logo
Blurb

[TAGALOG]

Gaia Moraitis, a human with an ability who doesn't like to have an ability. For her, having an ability is a big responsibility and a big factor of world's changing hierachy that made the world at worst.

Pero paano kung mas may malaki pa siyang responsibilidad? Mas komplikado at napakahirap? Makakayanan niya kaya?

Book cover by: @eurybia- (w*****d)

chap-preview
Free preview
Loufnorths Academy
PROLOGUE NASA harap ng isang gintong puno ang limang makapangyarihang nilalang, lahat sila'y nakapalibot dito at magkakahawak ang mga kamay habang pare-parehong nakapikit at umuusal ng salita ng mahika.   At may isa pang katauhan na nasa gitna, may hawak itong isang bagay na siyang makakapagbigay buhay sa bagong Diyos.   "Gamit ang inilaan niyong kapangyarihan Ang gintong puno ay magbubunga Isang panibagong Diyos laban sa kaniya Ngunit may kapalit ang paggawa Bawal siyang umibig kanino man Kailangan niyang gampanan ang nakalaan Sa aking gabay at kapangyarihan Siya ay iluluwal na."   Makapangyarihang ani ng lalaking nasa gitna kasabay ng paghagis nito ng isang bagay sa gintong puno.   At mula sa araw na 'yun, naisilang ang bagong Diyos. Ang Diyos na siyang makapagpapabago ng lahat. Chapter 1 ANOTHER normal morning in unordinary Academy. Mga estudyanteng papasok pa lang, mga estudyanteng nag-uusap sa hallway, mga estudyanteng nag-aaway, at mga estudyanteng hindi ordinaryo.   Ang akademya ng Loufnorths ang may pinakamaraming estudyanteng malalakas. Ito ay ang akademya para lamang sa mga taong may abilidad.   Nahahati ang populasyon ng bansang Theós sa mga taong nakatira dito; ang mga ordinaryo at hindi ordinaryo. Ganoon na rin sa buong mundo.   Naniniwala silang isang regalo mula sa bathala ang kanilang abilidad, hindi nga lang lahat ang nakakakuha nito. Posibleng magkaroon ng abilidad ang isang bata kahit na ang mga magulang nito ay isang ordinaryo. At isa si Gaia sa mga batang hindi pinalad na mabigyan ng abilidad, and she like it that way— or she intends it to be that way.   Ngunit ito siya ngayon, papasok sa akademya. Kung saan hindi siya nababagay. Ang akademya para sa mga may abilidad.   Yakap-yakap nito ang dala dala nitong libro habang ini-ignora ang mga tingin na ibinabato sa kaniya ng bawat nadadaanan niya. Ngunit bumilis ang lakad niya ng marinig niya ang usapan ng isang grupo ng mga babae. Binabalak ng mga ito na komprontahin siya.   Ang plano ni Gaia na makaiwas sa g**o ay nabali. Nang ilang sandali lang ay naramdaman na lamang niya ang sakit sa kaniyang likuran nang bigla na lamang siyang naitulak ng kung anong pwersa sa dingding. Napakagat si Gaia sa kaniyang labi ng maramdaman ang sakit sa kaniyang likuran.   "Hey newbie! What tier are you in?" napatingin si Gaia sa babaeng nasa harapan niya. Umiilaw ang mga mata nito ng kulay asul— isang elite tier.   “I-i don't have an ability...” napasinghap ang mga nakarinig sa naging sagot ni Gaia. Hindi makapaniwala sa narinig.   "Stop that bullshit newbie! Loufnorths Academy is for the unordinary people, kaya huwag ka nang magsinungaling diyan. Oh maybe you're on freshman tier, c'mon show us your ability!" Nakangising sambit ng babae rito, ganoon na rin ang dalawang babaeng kasama nito. Waring naghihintay ng magandang palabas.   "W-wala talaga akong abilidad..." na-u-utal na sagot ni Gaia, pinipigilang huwag palalain ang g**o. Tinaasan lang siya ng kilay ng babae tsaka mas naramdaman ni Gaia ang pagkakadiin niya sa dingding. Isang force manipulation ang abilidad ng babae.   "Di mo tala-" naputol ang sasabihin ng babaeng may force manipulation ability ng biglang dumating ang isang babaeng may kulay abong buhok.   "What's the commotion over there?” nabaling ang atensiyon nilang lahat dito. Bakas ang otoridad at mataas na katayuan nito sa akademya base sa tindig at awra nito.   "Q-queen," sabay sabay na sambit nang mga estudyante na nakapaligid sa kanila. At para bang may dadaang Diyos dahil nahawi ang nakapalibot na mga estudyante habang papunta ito sa direksiyon nila Gaia. Agad napunta ang tingin nito kay Gaia, tinapunan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.   "Ikaw ba 'yung walang kwentang transferee?" na-ikuyom ni Gaia ang kaniyang mga kamao tsaka nagpakawala ng malalim na hininga— pinapakalma ang sarili.   "Oo, ako 'yung transferee," binigyan siya nito ng nanunuring tingin bago binalingan ang mga estudyanteng nakikiusyoso sa nangyayari.   "Go back to your businesses!" bakas ang otoridad sa boses nito kaya agad nagsi-alisan ang mga estudyante. Tsaka naman nito binalingan ang tatlong estudyanteng kumompronta kay Gaia.   "Oh? Ano pang hinihintay niyo?" agad naman nagsi-alisan ang mga ito, takot na maparusahan ng babaeng tinawag nilang Queen. At naiwan si Gaia kasama ang babae, "Ikaw, sumunod ka sa akin."   Hindi na nito hinayaang makasagot si Gaia kasi agad na itong tumalikod at nagsimulang maglakad. Kaya sumunod na lang si Gaia rito. Tahimik lang silang naglalakad hanggang sa huminto sila sa harap ng isang pintuan ba may nakalagay sa gilid nito— Headmaster’s Room.   Pumasok ang babae sa loob at narinig ni Gaia na may kinausap ito na kung sinong nasa loob. At ilang saglit lang ay pinapapasok na siya ng babae. Pagkapasok niya ay nakita niya roon ang isang lalaki na naka-upo sa swivel chair at seryosong nakatingin agad sa kaniya. Dumapo ang tingin ni Gaia sa pangalan na naka-ukit sa wooden name plate na nasa ibabaw ng lamesa— EZTOR KRAIG.   "Take a seat Miss Moraitis, and Miss Lintor kindly accompany Miss Moraitis into her dorm room later,” muling naibaling ni Gaia ang kaniyang tingin dito nang marinig ang sinabi nito.   “D-dorm? S-sir pwede ba na s bahay ako uuwi? Mala—” naputol ang dapat sasabihin ni Gaia ng muling magsalita ang lalaki. "No buts Miss Moraitis, that's one of the Academy's rule. Here's a handbook for you to familiarize the academy's rules and regulations." Nanginginig na inabot ni Gaia ang manipis na handbook mula sa kamay nito. Napapalunok naman siya sa klase ng tingin nito sa kaniya.   "That's for now, you two may go.” Dali dali namang inayos ni Gaia ang kaniyang sarili at hinarap ang babaeng sinamahan niya kanina. Nauna na itong lumabas kaya agad sumunod si Gaia, ngunit napahinto siya sa may pintuan nang magsalita ang lalaki sa kaniyang likuran.   "Aalahanin mo kung bakit ka narito Miss Moraitis. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo na naman sa huli. You've done enough and you've ki-" Gaia shut the door before he can continue on what he’s going to say. ‘Not now,’ Gaia whispered to herself.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

A Night With My Professor

read
495.5K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.0K
bc

NINONG III

read
362.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook