SYNOPSIS

1000 Words
Brayden Jackson. Iyon na yata ang pinakasikat na pangalan sa Pritil. Kilala ng lahat at talagang pinagkakaguluhan ng mga babae at mga binabae sa kanilang lugar. Saan mang sulok ng Pritil, matunog ang pangalan ng Fil-Am na crush ng madla. Wala yatang kaedaran nila ang walang gusto sa binata. Lahat ay gustong makipaglapit dito, kahit pa mga lalaki; sa pag-asang magiging habulin din ng mga kababaihan. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa pamangkin na iyon na Aling Marina? Guwapo na, may pinag-aralan, at tila hulog pa ng langit sa kabaitan. In short, perfect. Parang walang kapintasan. Kaya naman madalas din kaiinggitan. Sinong nagsabi na walang taong perpekto? Meron. Si Brayden. At alam na alam iyon ni Aymee Aguilar. Paano ba namang hindi? Gayung ang bahay ni Aling Marina, kung saan kasalukuyang nakikituloy ang binata, ay katapat lamang ng tindahan ng kaniyang tiyahin kung saan naman siya kasakukuyang naninirahan. Pinatira siya roon ng kaniyang Tiya Baby habang tinatapos niya ang pag-aaral, at bilang kapalit ay binabantayan naman niya ang bagong tayo nitong tindahan. Kaya naman halos araw-araw din niyang nakikita ang mga may gusto sa binatilyo na nag-iiwan ng regalo sa tapat ng gate ng bahay ni Aling Marina. Kumbaga sa mûrder, siya ang witness; ang nakakita sa lahat ng ebidensya-s***h-regalo na iniiwan ng mga taong may gusto rito. Maging ang dalagita ay may lihim din na pagtingin sa binata. Ngunit dahil mas mahalaga sa kaniya ang pag-aaral, minabuti niyang huwag na lamang makigulo sa mga babaeng may pagtingin din dito. Hindi kasi niya maaaring biguin ang pamilya niya sa probinsiya. Siya na lamang ang inaasahan ng mga ito. Lalo na dahil sa nangyari sa kaniyang nakatatandang kapatid, na naging dahilan pagiging tampulan ng chismis ng kanilang pamilya. Kaya naman nakuntento na lamang din siya sa pagsilay sa binata sa paminsan-minsang pagbili nito sa tindahan na kaniyang binabantayan. Masaya na siya sa ganoong pagsulyap-sulyap. Alam naman kasi niya kung saan ilulugar ang kaniyang sarili. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isang hindi kilalang numero ang tumawag sa kaniya isang hapon. Kaarawan iyon ng pinsan niyang si Timmy at kasalukuyan silang nag-aasikaso ng mga handang pagkain para sa mga bisita nito. At ang mas nakagugulat pa ay boses ni Brayden ang tumawag, pinapupunta siya ng binata sa lumang toreng may kampana sa dating parke ng Brgy. Masigasig. Halu-halo ang kaniyang naramdaman ng mga oras na iyon. Magkahalong pagtataka at kilig iyon. Kilig dahil ni sa panaginip ay hindi niya inaasahan na tatawagan siya ng binata, at pagtataka dahil suntok na nga sa buwan na pansinin siya nito, ngayon ay niyayaya naman siya nito na makipagkita. Kaya naman kahit nagdududa ay tinungo pa rin niya ang lugar. Sa kauna-unahang pagkakataon, sinunod niya ang sigaw ng damdamin at nakipagkita sa binata. Kahit may kaba, nagpunta pa rin siya sa lumang parola ng Pritil. At sa kaniyang pagkabigla, hayun nga si Brayden, mataman siyang hinihintay sa tuktok ng parola. Dala nito ang kaniyang paboritong bulaklak, walang pag-aatubili siyang binigyan ng isang mabilis na halik sa labi, at nagtapat sa kaniya ng pag-ibig. Hindi makapaniwala roon ang dalagita. Hindi niya malaman ang dapat sabihin. Para iyong isang panaginip para kay Aymee. Isang napakagandang panaginip na alam niyang may katapusan. Lahat ng magagandang bagay, may katapusan. Dahil kinabukasan ay tila biglang naging ibang tao ang binata, tila hindi siya kilala, at kinahapunan ay bigla na lamang nawala… na parang manipis na bula na pumutok sa hangin. Tila nadurog ang bata niyang puso sa pag-alis ng batang pag-ibig. In just a day, Brayden managed to break her young heart. Para bang gusto niyang pagsisihan ang pakikipagkita rito sa lumang parola. Gusto niyang pagsisihan ang pagtanggap sa halik at bulaklak na ibinigay nito. Dahil sakit at luha lamang pala ang kapalit ng mga iyon. Nalaman na lamang niya mula kay Aling Marina na umuwi na pala ito sa Amerika. Doon na raw ipagpapatuloy ng binata ang kolehiyo nito at hindi sigurado ang ginang kung may balak pang bumalik ang binata sa Pilipinas. Naiwan siya nang biglaan, at doon niya napagtanto na ang halik na ibinigay nito sa lumang parola ay isang halik ng pamamaalam; na para bang nagtapat lamang ito ng damdamin sa kaniya upang wala itong pagsisihan at maiwan na bagahe sa pag-alis nito. She realized how selfish he was. Hindi man lamang nito naisip na masasaktan siya. Ang kaniyang pag-ibig, napalitan ng galit. Inisip na lamang ni Aymee na hindi maglalaon ay makakalimutan din niya ang binata; makakalimutan din niya ang pangyayaring iyon, at higit sa lahat, makakalimutan din niya na minsan... na isang beses sa buhay niya ay nagkagusto siya sa isang Brayden Jackson. Nagpatuloy ang buhay niya sa Pritil na para bang walang nangyari. Inilaan na lamang niya ang oras sa pag-aaral. At lumipas nga ang mga araw, mga buwan, hanggang sa naging ilang taon… wala na ang mga babae at mga binabaeng halos araw-araw na nag-iiwan ng regalo para sa binata noon. Wala na ang mga kumpol ng tao sa gate nina Aling Marina na sumisilip at nagbabaka-sakali na makakasilay sa binata. Wala na kasi ang binatang sisilayan ng mga ito. Hindi na maingay ang pangalang Brayden Jackson. Ngayong ilang taon na ang lumipas, nagising na lamang si Aymee sa maingay na kumosiyon sa labas ng tindahan. At nang buksan niya ang bintana ng kaniyang kuwarto, ang mukha ni Brayden sa kabilang bintana ang agad niyang nakita! He smirked at her; something that he never did before. His kind smile was gone. Wala na... ang mabait na ngiti nitong dahilan ng pagkakagusto rito ng maraming babae. Hindi lamang iyon, wala na ang mala-anghel nitong ugali. He is now a rude, annoying womanizer. Kada araw yata ay iba-ibang babae ang kasama nito. At kahit anong gawin ni Aymee, hindi siya masanay-sanay sa bagong katauhan ng binata. Hindi na ito ang Brayden noon. The past years have changed him. Matuloy pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan, kung tila hindi na naaalala ng binata ang ginawa nitong panggugulo sa kaniyang puso at isip bago ito umalis noon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD