THIRTY

2000 Words

"Allie, Anjie. Sorry hindi ko na kayo maihahatid sa may sakayan. Tutulungan ko pa kasi si Tiya Baby magligpit sa loob, tsaka aasikasuhin pa iyong iba mga bisita." Iyon ang hinging-paumanhin ni Aymee sa mga kaibigan nang ihatid niya ang dalawa sa may gate. Inimbitahan niya kasi ang dalawa sa birthday ni Timmy, at matapos kumain, makipagkuwentuhan, at kumanta ng ilang awitin sa videoke, heto at uuwi na ang dalawa. "Ano ka ba, okay lang iyon, Aymee. Sabay lang din naman kaming uuwi nitong si Anjie e. Pakisabi kay Tiya Baby, salamat kamo sa masarap na pagkain," nakangiting sabi ni Allie. "Sige sasabihin ko." "Una na kami, Aymee. Salamat uli!" Sabi naman ni Anjie at kumaway sa kaniya. "Ingat kayo ha! Mag-text kayo sa akin kapag nakauwi na kayo! Huwag kayo magpunta kung saan-saan, at baka h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD