EIGHT

2000 Words

Aymee, I like you. Iyon ang sabi sa kaniya ni Jomar kagabi. Base sa ekspresyon nito, walang halong pagbibiro iyon. Dapat ba siyang maging masaya? Bilang lamang sa daliri ang mga lalaking nagtatapat ng pagkagusto sa kaniya. Pero bakit ganon? Hindi niya maintindihan. Bakit siya? Hindi naman sila close ni Jomar. Oo nga at magkaklase sila sa iilang asignatura, oo nga at nagkakasabay sila sa pagpasok at magkatapat lamang ang mga bahay nila. Pero sa katunayan, bilang lamang din sa daliri ang mga pagkakataon na nakapag-usap silang dalawa. Kapag nagkikita sila ay palaging tanguan lamang, at kapag nakakapag-usap ay laging patungkol sa mga gawain sa eskwelahan. Kaya bakit siya? Hindi niya maintindihan. Kailangan ba na may dahilan? Tanong ng kaniyang isip. Hindi ba at sa iyo na nga nanggaling ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD