EIGHTEEN

2100 Words

"Aymee! Aymee!" Unti-unting naalimpungatan si Aymee dahil sa sunud-sunod na pagtapik sa kaniyang pisngi. Nang imulat niya ang mga mata ay mukha kaagad ng kaniyang ina ang nabungaran niya. "Nay?" Kinusot-kusot niya ang mga mata. "Anong oras ba po?" Tanong niya. Madilim-dilim pa kasi ang langit. "Alas kuwatro ng umaga, anak," sagot ng kaniyang ina. "Bakit dito ka natulog?" Napansin niyang may kumot at unan na siya, at sa kabilang side ng kubo ay nakahiga si Arnel na mahimbing pa ang tulog. Mukhang nagising ito at kinumutan siya. Kagabi kasi, bago pa sila nag-usap ng Ate Madel niya ay natutulog na ito sa may sofa sa loob ng kanilang bahay. Mukhang lumipat ito sa kubo nang makita siya roon. Ni hindi nga niya namalayan na doon na pala siya nakatulog. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Brayden

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD