Yuka's POV Dahil sa sobrang pagkabigla ko sa biglaang pagtawag ni Prince, nawala sa isip ko na pinoproblema ko nga pala kung papasok ba ako o hindi. *sigh* Since may pagka-baduy este 'no-sense-of-fashion' talaga ako, nagsuot na lang ako ng long-sleeves at leggings with matching spectacles. Wow lang. Namiss ko 'tong betty-look ko. Ahaha. 2 months na din nung pinagbawalan ako ni Daryl na isuot 'tong outfit ko na 'to pero mukhang ito na lang ang paraan para makapasok ako ng matiwasay. Minsan lang naman kaya wala naman sigurong masama. Pagkatapos kong makapag transform ay sumakay na 'ko ng tricycle papuntang school. Makalipas ang ilang libong segundo, thanks God at nakarating ako ng school kahit na para akong tangang nakayukong naglalakad. 'Wag nalang pansinin ang mga matang nakatitig kay

