Yuka's POV Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng office nya. Huminga muna ako ng malalim. Pagkapasok ko, nakasandal sya sa couch at halatang halata ang kapaguran nya. Gusto ko tuloy syang yakapin ng mahigpit kasi aaminin ko na-miss ko Hubby ko noh! Kaya lang mukhang kelangan ko munang umupo sa 'Hot Seat'. Kailangan ko munang maipasa ang mga ibabato niyang katanungan. Sinarado ko ng maayos ang pinto. Yung walang maririnig na kaluskos sa pagsarado nito. Umupo ako sa tabi nya. Para bang 2 seats apart ang pagitan namin. Feeling ko tuloy pintawag ako sa principal's office. Lumipas ang ilang minuto na hindi siya kumikibo. Huwah! Ang tagal niyang magsalita! Inaantok tuloy ako! Ahuhuhu. Mukhang nakatulog na yata siya. Nakalimutan kaya niya na pinapunta niya 'ko dito? Eh kung bumalik na lang k

