Third Person's POV.
Ano na nga ba ang nangyari kay payatot at kay kulot at sa iba pang mga tauhan natin makalipas ang 5 taon.
Simulan natin kay Dwayne.
"Notice for take off, Flight KD143 from Incheon Airlines landing to Sky Gate Airport. This is pilot Dwayne Elliniel Cruz" sabi ni Dwayne sa mikropono at ngumiti sa co-pilot nyang si Julius Marabe.
"Pilipinas na naman tayo dude, makikita mo na ang girlfriend mo" sambit ni Julius sa kanya.
Tama kayo ng iniisip, si Ashley na nga ang girlfriend nya at mag a-apat na taon na sila. Isa ng piloto si Dwayne ng airlines ng pamilya nila ni Klaire. Magka sosyo kasi ang magulang nila almost sa lahat ng business.
Hinanap nya si Klaire, but it is really too late dahil walang kahit sino man ang kinontak nito limang taon na ang nakakalipas. Kung nasaan man sya, kahit ang magulang nya di iyon alam.
Lubos na ikinagalit ni Dwayne ang katotohanang sumama ito kay Niall. Iniisip nyang ginusto din ni Klaire na iwan sya kaya tama nga na si Ashley na ang pagtuunan nya ng pansin.
Nahirapan sya sa adjustment dahil maraming katangian si Klaire na hindi ma possess ni Ashley but soon enough he learned to love her. Dahil sa lahat ng effort na ipinakita nito.
Pinag iisipan na din nya ang pagyaya ng kasal dito. Binabalak nya ang pagpo propose dito next month sa kanilang anniversary.
Hindi naman nya maikakaila na namimiss nya ang dating girlfriend ngunit nananaig ang galit nya dito sa di nito pagbibigay ng chance sa kanya at tuluyang pag iwan sa kanya.
For him, they're relationship is just a sweet memory.
Marami ng nagbago kay Dwayne. Tumangkad ito, di na sya patpatin tulad ng dati dahil nag wo-work out na sya at isa na talagang hottie with his oh-so-licious abs. Lalong lumakas ang s*x appeal nito at lalo itong naging gwapo kaya kahit may girlfriend ay habulin pa din ito.
Buhay pa rin ang banda nila, Ang THE MAGNIFICENT. Minsan may mga jamming sessions at world tour sila.
Minsan naiisip nya rin kung okay ba si Klaire, kung okay lang ba ito at kung naiisip rin ba sya nito. Ngunit sumisiksik sa utak nyang masaya na ito kay Niall at siguro ay kasal na ang dalawa.
Tumungo naman tayo kay Klaire, ano na nga ba ang nangyari sa kanya ?
A. Pinakasalan na si Niall.
B. Hindi pa rin nakakapag move on.
C. Nag suicide.
Hahah Wala pala sa nabanggit.
So ito na si Klaire.
"To all our passengers, I would like to tell you that our plane will be landing in the Jeju Island Airport any moment now, so please don't turn any ofyour gadgets until we land and brace yourself to see the magnificent view that are waiting for you. Thank you for trusting our airline. Hope you had a wonderful trip with us. Again, this is Flight Attendant, Klaire Louise Lim, welcoming you to the beautiful place of Jeju" mahaba nyang salaysay
Yes, she is a stewardess.
Ngunit sa di kilalang airlines, masaya na sya at nakapag move on. But in 5 years di na muna sya nag boyfriend, sa kadahilanang mas mabuting mag focus sya sa career nya.
Tama kayo, kahit si Niall ay stuck sa friendzone. Although inamin nya na sa dalaga ang nararamdaman nya. Sinagot sya nito na mas mabuti kung magiging magkaibigan muna sila dahil hindi pa ito handa.
Ngunit hiniling ni Niall na sana hayaan sya ni Klaire na mahalin nya ito kahit walang kapalit. Pumayag naman ang huli dahil wala na itong magagawa pa.
Isa ng kilalang chef si Niall. Nakatira sya sa katabing condo ni Klaire. Sabay silang kumakain nito kung ito ay nasa bansa.
Masaya naman na si Klaire. Tumira sya sa Canada ng 5 taon. Dito sya nakapag move on at natutong maging independent.
Marami ng nagbago sa kanya except siguro sa buhok nya, Kulot pa din sya but not as you think dahil wavy lang naman talaga ang buhok nya. Tumangkad na ito. Naghi heels na din lagi, she's wearing dress, she applies light make ups kapag nasa trabaho. Humaba na din ang buhok nya na pinakulayan nya ng chestnut brown. Naging mataray na rin sya at natutong protektahan ang sarili, Makikita mong magandang maganda na ito at sexy na talaga. Hindi mo aakalaing minsan syang sinira ng nakaraan nya.
Eh sa mga kaibigan kaya ni kulot?
May bumalik na dalawa pang mga kaibigan nya na pansamantalang tumira sa ibang bansa, kaya medyo di nyo nakilala.
Una ay si Diana Nicole De Jesus na nagulat na sa pagbalik nya ay wala na si Klaire, Isa itong reporter sa istasyon na pagmama may ari ng Tita Luisa ni Klaire, meron na din itong asawa ngayon na ang pangalan ay Kenneth.
Ang isa pa ay si Love Frolaine Tabelina na may ari ng bakeshop na maraming branch sa buong mundo. She is already married too with a guy named Harvey
Si Valerin ay isa ng sikat na artista. Marami na syang naging box office na pelikula at top rating ang mga teleserye nya. Artista ito sa network na sikat na pagmamay ari ng tita ni Klaire. Meron itong nobyo ngayon na nag ngangalang Richmond Caparas.
Si Tessa naman ay isa ng teacher sa Walshein High School. Napakagaling nya kaya na awardan sya as teacher of the year. She is already married with a guy named Darwin James. at may cute little baby na sila na si Trina which is 2 years old na.
Si Aira naman ay kilala ng fashion designer sa buong mundo, lalo na sa Paris. Sya ang nagdedesign at gumagawa ng mga gown ng mga royal member o mga kilalang tao sa buong mundo. Bongga diba? Engaged na sya ngayon sa kapatid ni Niall na si Harry Park.
Si Haria naman ay isa ding stewardess sa Sky Gate Airlines. kaya madalas nyang makasama si Dwayne sa isang eroplano ngunit di naman sila nagpapansinan. Isa na din syang misis dahil napangasawa nito ang long time boyfriend nitong si Revo. May anak na din ito na baby boy na 2 years old na ang pangalan ay Aivo.
Si Cherry naman ay may ari ng bangko na ang pangalan ay "La Depandakan". Hindi sya natuluyan sa pagiging tomboy dahil 3 years na sila ng boyfriend nito ngayon na si John Harold Carlos.
Ang mga ibang Magnificent ba?
Si Katherine Morales ay isa na sa mga stock holder ng kompanya ng brother in law ni Klaire na si Marvin. Lead singer pa din sya ng grupo at madalas na guest ng bar ng hotel nila ang banda nila. Kasal na sya sa co guitarist ng banda na si Lourence na isa na ngayong may ari ng Shiraulo Cars na kilalang sasakyan sa buong mundo.
Si Airene Dignos naman na Pianist nila ay asawa naman ng drummer nila na si Anthony Vincent Ticman, Parehas silang nagmama manage ng negosyo nilang pharmacy.
Yung ibang classmate nila ay mga successful na sa buhay.
Si Kuya JP ay isa ng anchor ng "May Kwentang Balita"
Si Juditha ay isa ng may ari ng palengke,
Si Dave naman ay Isa ng sikat na choreographer kasama ang asawa nyang si Achie.
Si Julius Marabe ay isa na ding piloto,
Si Abigail ay isa ng nurse at asawa na ni Russel.
Si Shamira naman ay isa nang kilalang chef at misis na ni Tommy Cariño,
Mechaella naman ay isa ng manager sa isang opisina at napangasawa si Francis.
Si Christine Jumagdao naman ay isa na ding reporter at napangasawa ang isang pastor na si Arjhay.
Si Rutchell naman ay isa ng happy wife ng aktor na si Aaron Sanmocte.
Si Felix naman ay Isa ding professor sa UP.
Si Shanelle Bartolome ay isa ng happy wife ni Adrian Tomas
Marami ng nagbago sa kanila. Pano kung malaman nila na ang landas nila ay malapit ng pagtagpu-tagpuin?