Klaire's POV.
"Tatawagan ko na lang po kayo pag may kailangan ako" sabi ko kila mama at papa.
Niyakap ko silang lahat. Isa-isa.
"Niall, I trust you my daughter, please take a good care of her" sabi ni mama at hinawakan nito sa kamay si Niall.
"Yes ma'am. I'll take care of her, Klaire is now my responsibility" sagot naman nito ng nakangiti.
"Malaking utang na loob namin sayo ito Niall. Maraming salamat pero yung napag usapan natin sana ay di mo makalimutan at sundin mo" sabi ni papa.
"Ha? Nag usap kayo ni papa?" tanong ko kay Niall.
"Uh? It's nothing. Your father just asked me to be patient to you, he said your quite childish" sabi ni Niall.
"Ah" Sabi ko na lang.
"Sige alis na kami, kailangan pa kasi naming mag check in. Ate Caren, Kuya Marvin, kayo na munang bahalang tumulong dito kila mama. At kayo namang tatlo, wag kayong pasaway ha?" sabi ko sa kanila.
"Yes ate" sabay sabay nilang sabi sakin. Pinaggugulo ko ang buhok nila.
"Wag nyo kong intindihin. Si Niall na ang bahala sakin. Tara na Niall" binuksan na ni Niall ang pinto ng kotse at sumakay na ko. Binuksan ko ang bintana at kumaway sa kanila. Ito na talaga, aalis na talaga ako. No turning back anymore!
Pinaandar na ni Niall ang makina at ngumiti sya sabay tanong ng
"Are you ready?"
"Yes" para sakin itong gagawin ko kaya kakayanin ko.
*Airport*
Binababa at nilalagay na ni Niall sa cart ang mga bagahe namin.
"Klaire Louise Lim!" kilala ko ang sumisigaw ng pangalan ko. Here they come.
Halos tumilapon ako dahil sa pasugod nila akong niyakap.
Soon enough I hear them crying.
"Oh ano ba? Akala ko ba tapos na ang drama kagabi? Wag nyo na kong paiyakin" sabi ko sa kanila.
"Bes, mag iingat ka dun" Tessa.
"Bibisita-bisitahin ka namin" Haria.
"Kumain ka sa oras, wag ka ng magpupuyat" Aira
"Kailangan pagbalik mo dito naka move on ka na" Cherry
"Mamimiss ka namin sobra! Kaya Niall ingatan mo tong bestfriend namin" sabi ni Valerin. Agad namang tinanguan sila ni Niall.
"O sya sige na, aalis na kami. Kailangan pa naming mag check in. Kayo din mag iingat kayo, Balitaan nyo ko lagi. Bye" sabi ko habang unti unti na silang nagbitawan. Kumaway ako sa kanila at itinulak na ni Niall ang cart namin papasok sa entrance.
Bago pumasok sa loob ng airport, I looked at the sky and bid my very last goodbye to Dwayne.
Dwayne's POV
"Gusto ko syang makausap, Di na ko magsisinungaling sayo, Yes oo, infatuation lang ang nararamdaman ko sayo. Pero di naman makakailang mahal ko si Klaire. We've been together for 5years. Gusto ko ding malaman nya to at sana okay lang sayo yun" mahaba kong paliwanag kay Ashley.
Nakikita kong paiyak na sya at bigla syang nag walk out. I called her pero di na sya lumingon. Maybe she needs time for herself.
Ngayon kailangan ko lang mahanap si Klaire.
♪When she cries at night
And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide all the pain she feels inside
So I pray this time
I could be the man that she deserves coz I die,
A little each time, when she cries♪
Pinapraktis ko yung kakantahin ng banda namin mamaya para sa kanya. Maybe sobra ko na syang nasaktan at maaring di nya agad ako patawarin pero mahal ko pa din naman sya at gagawin ko ang lahat para magka ayos kami. Nawalan lang kami ng oras sa isa't isa. I know we can fix this. Meant to be kami ni kulot. And I regret letting her go. Yes gusto ko si Ashley. But I realized na mas mahal ko si Klaire. Lalo na nung pumayag na sya sa break up.
Buong magdamag akong hindi nakatulog dun. Hindi ko inakala na masasaktan pala ako pag sumuko na sya. Sobrang gago ko kasi.
Pumunta ako sa library, sa block nya mismo pero wala sya. Nakakapagtaka naman dahil school festival ngayon usually dapat nasa labas lang sya.
I tried looking for her in the garden, Pero wala din sya. Nasaan kaya yun?.
Nasa hallway ako nung makita kong papalapit ang mga kaibigan ni Klaire, Kaya nilapitan ko sila.
Tanggap ko ng makakarinig ako ng masasamang salita or worst baka bugbugin pa nila ako pero ayos lang basta payagan nila ulit akong makasama si Klaire. Kasalanan ko din naman.
"Nasan si Klaire?" tanong ko.
"Bakit mo sya hinahanap?" Tessa.
"May importante kasi akong sasabihin sa kanya, gusto ko syang makausap para magka-ayos kami" sagot ko.
Nagtawanan sila. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
"Nagpapatawa ka ba?! Maayos?! Maaayos mo pa ba yun?!" sigaw ni Aira sakin.
"Oo, I realized Infatuation lang lahat ng nararamdaman ko kay Ashley"
"Infatuation lang ang nararamdaman mo?! Pero halos dinurog mo yung buong pagkatao ng bestfriend namin, Gag* ka ba?!" Valerin.
"Alam ko yun, Oo na! Gag* na ko, manloloko, walang kwentang tao pero mahal na mahal ko yung kaibigan nyo. Please give me a chance to correct everything" sabi ko.
"That's not for you to ask us" sabi ni Haria sabay may kinuhang maliit na kahon sa likod nya at inabot sakin. Kinuha ko yun at binuksan. Nagulat ako ng makita ang laman nun. Ang bracelet na binigay ko sa kanya noong nagsisimula pa lang kami.
"Bakit na sayo to?" tanong ko.
"Ipinababalik ni Klaire sayo yan. Kung tungkol sa chance ang hinihingi mo, huli ka na" huminto si Haria at nabakas ko ang lungkot sa mata nya. "Sumama na sya kay Niall patungong ibang bansa"
Halos mabingi ako sa sinabi nya. Ito ba yun? Ito ba ang ibig sabihin nya sa lahat ng ginawa nya kahapon. Yung huling yakap at halik nya sakin. Ginawa nya ba yun dahil aalis na sya?
"Kinakailangan nya kasing mag move on sayo. Tanggap na ni Klaire na tapos na kayo Dwayne" sabat ni Tessa.
"Sobra sobra na ang dinanas nyang sakit" Aira.
Bigla na lang dumaloy ang luha ko. Totoo ba to? Umalis na talaga si Klaire? Iniwan nya na talaga ako?
"Kelan lang?" tanong ko.
"Kaninang umaga" Valerin.
Nakita ko ang awa sa mata nila except kay Cherry.
Kaya lumuhod ako sa harapan nito.
"Nagmamakaawa ako sa inyo, please naman! Please sabihin nyo kung nasaan sya! Susundan ko sila, kailangan ko syang mabawi" nakayuko na ko dahil sobra na ang pag iyak ko.
Walang sumagot sa kanila.
"Cherry, nagmamakaawa ako sayo, please please sabihin mo naman sakin, kailangan ko syang sundan"
"Tumayo ka dyan" Ma awtoridad na sabi ni Cherry. "Tumayo ka!" sigaw nya kaya tumayo ako.
Sa pagtayo ko ay sampal nya agad ang bumungad sakin.
"Napakat*nga mo! Nagmamakaawa ka samin ngayon? Eh nung nandito halos itapon mo. At kahit ano pang pilit mo samin ay wala kang malalaman dahil wala din kaming alam kung saan sya dadalhin ni Niall! All I know is dapat talagang ilayo ang kaibigan namin sayo dahil napaka careless mo. Tinake for granted mo sya Dwayne when all she did was to love you" sabi ni Cherry at sabay nilagpasan ako agad namang sinundan ng mga kaibigan nya.
I was left there alone. Kneeling while tears are streaming down my face.
Totoo ngang pinabayaan ko sya, sinaktan, niloko, at tinake for granted. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi. Wala na. Wala na sya. Wala na yung babaeng minamahal ko.
Iyak ako ng iyak ng may mga brasong yumakap sakin mula sa likod. Nagulat ako, and to reveal it, si Ashley yun. Umiiyak din sya.
"Wag ka ng umiyak Dwayne. Nandito lang ako para sayo, hindi kita iiwan gaya ng ginawa nya"