Chapter 8: Letting Go

484 Words
Dwayne's POV. Nakasunod ako sa kanya habang naglalakad sya. Papunta sya sa favorite spot namin, ang Walshein Garden. Nakita kong napangiti sya. Siguro ngayon lang din sya bumalik dito, kahit ako. Di ko napigilang mapangiti. Nagulat ako nung ilayad nya yung kamay nya sakin. Nag aalangan man ay kinuha ko yun. Paborito nya kasi ito. Yung maglalakad sa manipis na sementong ito na kung saan kailangan nyang magbalanse para makadaan pero nagpapahawak sya sakin. Nagpapaalalay. Nakita kong masaya syang naglalakad na parang bata. Ganun naman talaga sya. Nang makarating na sa dulo ay tumalon sya at binitawan na ang kamay ko. Gusto ko pa sanang hawakan yun kahit ngayong araw na lang.. "Salamat" sabi nya aabay ngiti sakin. "Tsaka pasensya na dahil hiniram pa kita kay Ashley" Sabi nya. Nakayuko na sya habang tinitingnan ang sneakers nya. "Hindi, Ayos lang yun" "Uhm, sorry din kasi nagpa alalay pa ko sayo. Isa kasi yun sa mga mamimiss ko" Napatingin ako sa kanya, natakot ako na baka may masama na pala syang kalagayan dahil sakin, na baka lumala na ang sakit nya sa puso. "Did I get you sick? Magsabi ka ng totoo Klaire" "No, Mamimiss ko yun dahil officially former couple na tayo, yun ang ibig kong sabihin" Nakahinga ako ng maluwag "Alam mo, kahit inagaw ka sakin ni Ashley, alam kong mabait sya. Alam kong nagmahal lang din sya. Pero bakit ganun kahit yun ang sinasabi ko, kahit na paulit ulit na, kahit pa may dahilan na di ko maiwasang di masaktan. Masakit pa din, ang sakit sakit" narinig ko ang paghikbi nya at ang pagpatak ng luha nya sa rubber shoes nya. Hahawakan ko sana sya ng lumayo sya sakin. "Wag na, di ka na sakin, tapos na tayo" sabi nya. Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi nya. "Klaire, ano ba?" sabi ko. Nahihirapan ako pag ganyan sya. "Isang tanong, isang sagot. Sigurado ka na bang si Ashley na ang pinipili mo?" tanong nya. I really don't know whom to choose. But I know I have to let her go. She suffered so much already. "Oo" yun lang ang sagot ko. Umiyak pa sya lalo pero kahit gusto ko syang lapitan ay pinipigilan nya ko. Maya maya lang ay nagpunas na sya ng luha. Tumingin sya sa langit ng ilang saglit. Nagulat ako ng isarado nya ang distansya samin. Magkatapat na kami ngayon. I looked at her. She's a mess. I made her like this. Nagulat ako nung tumingkayad sya at hinalikan ako sa labi. Habang hinahalikan nya ko ay tumutulo ang luha nya. Ilang segundo ring magka dikit ang labi namin bago sya humiwalay. Pinunasan nya ang luha nya at ngumiti sakin. "Dwayne Elliniel Cruz, I'm officially letting you go. You are free now. Thank you for the memories" sabi nya. "Klaire" tawag ko sa kanya. "Pano ba yan? I need to go. Bye" sabi nya at nagmamadaling tumakbo palayo sakin. Tinatawag ko sya pero hindi nya na ko nilingon. Why do I feel like I have to follow her, why do I feel like it's the last time that I will see her?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD