CHAPTER 14
The Billionaire's Vulnerable Heart
“Aalis si mama Ian ko…”
"Mama…."
“Yes baby….magwo-work muna si mama okay, then you…play muna kayo ng friend mo, okay?” mahina kong sabi para maintindihan niya. Nakatingin lang ito sa akin ng ilang segundo at maya maya ay niyakap niya ako. Mabigat man sa loob na lagi akong wala buong araw para sa kanya ay kailangan kong gawin na maiwan muna siya na wala ako.
Binigay ko na siya kay Manang at nagba-bye naman ito sa akin bago pumasok sa loob para makipaglaro sa anak ni Manang. Marahil naiintindihan niya kung bakit ko s'ya iniiwan. Maliit pa siya at alam ko na hindi naman hadlang ang kanyang kapansanan para hindi niya nakikita ang nangyayari sa paligid niya.
Ngayon pa ba ako susuko na alam ko sa sarili ko na sa kabila ng lahat na ito ay may paroroonan ang bawat pagsubok na ito. Na maging matagumpay din kami ng anak ko. Makapag-ipon ipon na kami ng malaki ay pupunuin ko muna sa negosyo ang ibang naipon ko na pera at kung maging maayos ang business namin ay saka palang kami lilipat ng bahay na comfortable ang anak ko at higit sa lahat, hindi ko na siya iiwan lang kung saan kundi magkasama na kami palagi.
Nagpaalam na ako kay Manang at pumara ng jeep pagkalabas ng apartment, wala na ang tao na gusto akong pasakayin sa magara niyang kotse kaya makakasave talaga ako ng pera nito.
“Hello, Ashera!”
“Hi Cha-cha. Anong meron?" Medyo busy ang mga staff ngayon na parang nagmamadali ang mga kilos.
“Hindi ito chismis kundi totoong chismis talaga ito. Nakaalis na noong isang araw si boss kaya ang bagong substitute boss natin na papalit muna pansamantala kay boss ay darating na mamaya.” kwento ni Cha-cha.
Tumango ako sa kanya habang nagmamasid sa paligid. "Ahhh…okay, akala ko kung ano na." Tanging nasabi ko.
She looks at me like wala akong paki sa paligid. “Iyon lang ang naging reaksyon mo? Like hindi ka ba masaya, hindi ka rin takot na baka nakakatakot ang ugali na pumalit kay sir?” dagdag pa ni Chacha. Ano ba ang nararamdaman ko ngayon. Normal lang naman ang puso ko, di ba?
"Tamang pagtibok lang ng puso ang nararamdaman ko sa ngayon Cha-cha kaya relax, baka mamaya kung nariyan na siya ay baka kinakabahan din pero mukhang malabo pero kaya naman siguro., basta…” sambit ko sa kanya na hindi rin sigurado. Basta ang alam ko sa ngayon na okay pa ang t***k ng puso ko.
Dahil may kakain kaya kinuha ko na ang menu para ibigay sa kanila na hindi naman nagtagal at binigay sa akin ang kanilang order pagkatapos ay nagpaalam para sabihin sa chief kung ano ang order nila.
“Dito niyo ilagay, ingatan lang ng maayos. Saka na natin ilagay sa office ni boss kapag dumating na siya, " abala sa pagtuturo ang manager namin kung saan ilalagay ang kakarating lang na mahabang sofa.
Kinuha ko na ang order at binigay sa aming bagong customers hanggang naging busy na rin ang araw ko sa kakaserve ng mga pagkain. Narinig ko na sabi ni Cha Cha kanina na dito raw manananghalian ang pansamantala na muna na boss namin.
Habang papalapit ang alas dose ay panay naman ang tingin ko sa wristwatch kung anong oras na, hindi naman sa excited ako nito ano, well sa bagay sa tingin ko naman mabait siya. Excited din naman ang mga kasama ko na makilala kung sino man siya.
Ilang minuto na paghihintay ay tinawag kami na pumunta malapit sa may entrance para iwelcome ang bagong boss namin. Kaya pala naglagay daw na closed kami ngayong oras dahil nariyan na siya kung sino man siya na bago. Mabait ang totoong may-ari ng bar at sana ganoon din ang bagong boss .
Kaharap ko si Kimberly na hindi na maitago ang kanyang ngiti. Mas excited pa siya sa akin at sa lahat.
“Palabas na siya ng kotse guys.” imporma sa amin ng kasamahan namin na lalaki na malapit sa pinto. Nasa panghuli kasi ako nakatayo, nakahilera kami at meron din sa kabila para sa pagwelcome sa bagong dating.
“He’s here, everyone!" tawag attention sa amin ni manager, nakahanda na ang pag-bow ko at welcome.
“Welcome to our restaurant, Mr. del Rego.” bati namin at sabay na napayuko ng ulo pero biglang napaangat ang ulo ko dahil sa narinig na apelyido.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ang pumasok at maging bagong boss namin ay siya? Siya ang magiging boss namin sa isang taon?
Huh, pinaglaruan ba ako ng tadhana?