CHAPTER 13
THE Billionaire's Vulnerable Heart
D-drake-” nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga habang nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa magkabilaang bulsa ng kanyang khaki short na hanggang tuhod na bumagay sa pangtaas n'ya na suot na white polo shirt.
"I said…get in the car and I take you home," ulit nito sa malamig na boses kaya doon palang ako natauhan. Tumikhim ako dahil bigla na naman akong nawalan ng sasabihin.
Umiling agad ako sa sinabi niya na makacompose na ng salita.
“Huwag na po, marami pong jeep, doon nalang po ako sasakay -" sabi ko at naglakad papunta sa kabilang side na kung saan pwede maghintay ng jeep. Pero bago pa ako makalayo ay may sinabi siya kaya napatigil ako.
“Sorry? Ano?"
Dahan-dahan itong lumapit sa kinaroroonan ko habang masama ng tingin sa akin, at gustuhin ko man na umatras pa lalo ay hindi ko magawa na para bang gumawa siya ng spell para hindi ako gumalaw at lumayo sa kinaroroonan ko.
“Ayaw mong ihatid kita dahil natatakot ka na malaman ko kung saan ang bahay niyo ng asawa mo?” Napanganga ako habang napakurap ang mga matang nakatitig sa kanya. Kunot ang noo ko na marinig ang huling sinabi niya.
Asawa? Ang alam niya ay may asawa nga ako?
“Uhmm…yeah…oo po…iyon nga po ang dahilan,” napatigil ako sa pagsasalita na makita ang pang-iinsulto nitong tawa sa akin. Bakit alam niya ba na wala pala akong asawa kaya siya tumatawa?
“I see…magkasama ang….parehong manloloko-” he said it was like mocking at me.
"What? Anong….anong pinagsasabi mo? You know what, uuwi na po ako." hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling pumara ng jeep na kakaparada lang at sumakay. Narinig ko itong nagmura.
At pagkasakay ko ay binalik ko ang tingin sa direction niya.
Nakatitig ako kay Drake na madilim ang tingin sa akin. Maya-maya pa ay pumasok siya sa loob ng kotse at mariin ang kagat ko ng labi na makita siyang nakasunod sa sinasakyan kong jeep.
Susundan niya ba talaga ako? Para ano? Aawayin ang asawa ko raw lalo doon sa narinig ko na sabi niya na manloloko pero wala naman akong asawa at hindi pwede na magkita sila ni Ian at baka magwala lang ang anak ko. Lalo at makakakita ng bagong tao, hindi niya gusto iyon, kailangan pa siyang kausapin ng masinsinan at higit sa lahat may isa pang dahilan kung bakit ayoko silang magkita.
Pabalik-balik ang tingin ko sa labas at unahan kung nasaan na ba kami at nang may nakita akong public market ay natauhan ako.
“Para po manong -" nagmamadali kong sabi pagkatapos kong magbayad. Hindi ko na hinintay ang sukli sa bente at agad lumabas sa jeep at tumakbo sa masulok na area na kung saan hindi niya maipasok ang kotse niya dahil sa masikip na daan.
Hindi ko nga alam kung bakit ba ako tumatakbo, pero nagpatuloy pa rin ako para hindi niya ako maabutan, at nang makalabas ako ng palengke ay timing naman na may pumara na taxi at kakahatid lang din ng pasahero. Pumara ako para malaman ng driver na sasakay ako. Agad ko itong binuksan ang pinto at sumakay at itinuro sa driver kung saan ako bababa. Nakahinga ako ng maluwag na makita na wala nang nakasunod na kotse niya sa paligid. Malaki man ang panghihinayang na imbes makatipid ako sa pamasahe ay naging triple pa. Ang sarap talaga batukan ang lalaking iyon.
Kung hindi lang ako natakot sa mga naiisip ko na pwede niyang gawin kapag sumama ako sa kanya at ihatid ako kung saan ako nakatira ay natatakot ako na magkita sila ni Ian, natatakot ako sa kalagayan ng anak ko lalo kapag malaman ni Drake ang totoo.
At isa pa, bakit niya pa ako ihahatid? Ang alam ko ay may girlfriend na ito ah, di porket wala ang girlfriend niya sa paligid, kakausapin niya pa ako na ex na lang kaming dalawa tapos may alam pa na ihahatid ako sa bahay. Nasiraan na ba siya ng bait? Mukhang red flag siya sa ginagawa niya na iyan, hindi mukha kundi red flag talaga, kung may girlfriend na siya ay dapat loyal pa rin siya
Alam ko naman na wala kaming closure noong panahon na kami ay nagkahiwalay, talagang biglaan lang na wala na akong nakikitang Drake sa paligid kahit text o tawag man lang ay wala kaming communication. Ako dapat ang may galit sa kaya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Tapos saan naman niya na balita na may asawa na ako? Nakikichismiss na nga lang siya pero mali-mali pa. Hays.