CHAPTER 12
The Billionaire's Vulnerable Heart
Lumabas ako dala ang tray na pinanggamitan nila. Ngayon palang ako nakahinga ng malalim na kanina ko lang palang pinipigilan. Mabuti nalang at nakaya kong gawin ang trabaho a walang aberya o pagkakamali.
“Ano na? Ano na? Balita mo naman sa akin kung ano ang nangyari sa loob Ashra." Tingnan mo nga naman ang babae na ito, inaabangan lang yata ang paglabas ko para magmarites dahil nga ang swerte ko na mga gwapo ang nakikita ko sa vip area.
“Kumakain lang naman sila, wala namang ibang ginagawa at nag-uusap about negosyo yata iyon. Ikaw talaga Kimberly.” Ngumuso ito at maya maya ay ngumiti ng malapad habang naglalakad kaming dalawa papunta ng kitchen para maihatid itong mga huhugasan.
“Buti ka pa kung wala kang kain kanina ay busog na busog ka na dahil sa kanila.” dagdag pa nito.
“Anong busog ka riyan, eh sobrang gutom nga ako dahil sa nalalanghap ko na pagkain nila kanina sa lamesa buti nalang at hindi tumunog ang tiyan ko habang nagseserve, amoy palang ng ulam parang gusto ko na rin umupo at kumain kasabay sa kanila at isa pa, ang ngalay na ng mga paa ko dahil sa kakatayo ko.
“Awww….kawawa ka naman pala, sana pala ako nalang ang nandoon, busog na busog na sana mga mata ko at tiyan.” kinikilig niyang sabi.
“May mga asawa na raw-"
“Weee….di nga?" Tumango ako sa kanya at nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Kawawa din naman, napaasa.
“Ganoon ba? Ayos lang iyon, ang mahalaga sana ay nakita ko sila ng malapitan at ilang minuto." Napailing nalang talaga ako sa kakulitan ng babae na ito.
Bumalik ako sa vip area para tapusin ang trabaho ko sa table, for sure wala na mga bisita kanina kahit si—
Napakurap ako ng aking mga mata ng ilang beses na makita si manager at si Drake na nag-uusap sa bakanteng table na walang nakalatag na pagkain. Anong pinag-uusapan nila? Tungkol ba sa akin? May kasalanan ba ako? Gusto niya ba akong paalisin? Bakit ngayon pa? Saan ako hahanap ng bagong pagkikitaan?
Kinabahan ako sa mga iniisip ko lalo at nakatingin ang manager sa akin.
Tumayo si Drake at sumunod naman ang manager.
“Thank you Mr. Del Rego sa oras niyo and we humbly welcome you here." narinig kong sabi ng manager. Hindi naman tungkol sa akin di ba?
“Yeah…thank you, madam. I'll have to go, my kailangan pa akong gawin.” Saka palang gumaan ang loob ko na umalis na ng pinto si Drake.
“Ewan na kita dito Miss Sarmieto, kaya mo na ba or tatawagin ko ang ibang staff para tulungan ka?" Umiling ako sa sinabi ng manager habang nakangiti.
“Ayos lang po, kaya ko na po ito ma’am.” wika ko sa kanya para hindi na siya tumawag ng iba lalo at busy rin ang mga iyon.
At nang makaalis na ang manager sa vip area lalo si Drake ay mas lalong gumaan ang loob ko at nakahinga ng maayos. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko na pagliligpit para matapos na ako rito sa restaurant at makauwi. Namimiss ko na ang anak ko na si Ian. Gusto ko na siyang mayakap para naman gumaan ang loob ko at mawala ang pagod ko sa araw na ito.
“Thank you po ma’am-” malaki ang ngiti ko at lubos puso na tinanggap ang sahod ko na bigay ng manager . Out ko na ngayon at ang sahod ko nalang ang hinihintay ko.
"Thank you din Ashera, may tips din ako na binigay para na rin kay Ian, pakisabi sa kanya na hi kamo galing kay tita,” ngumiti ako sa kanya at tumango. Noong dinala ko si Ian dito sa restaurant noong unang trabaho ko ay isa si ma’am ang nagbabantay sa anak ko. Kaya medyo close naman silang dalawa kaso matagal na iyon, ngayon kasi ay hindi na kaya na maiwan dito na mag-isa si Ian dahil may kalikutan na rin at maingay minsan, na ti-trigger minsan si Ian sa ingay.
Nagpaalam na ako sa kanila lalo kina Kimberly at Cha-Cha na uuwi na ako.
Lumabas ako ng restaurant at nagtungo sa waiting area kung saan ang sakayan ng mga jeep habang nakadungaw ang ulo ko sa cellphone at nagtitipa ng mensahe sa landlady na pauwi na ako. Sinusunod ko lang ang instinct ko sa paglalakad na hindi makatapak ng tao o makabundol.
“Get in the car and I will drive you to your house.” Napa-angat ang mukha ko dahil narinig ko ang familiar na boses. Ngunit bahagya pa akong napa atras na makita ang sarili ko na nasa harapan mismo at kanyang kotse.
"D-drake?”