Chapter 11

674 Words
CHAPTER 11 The Billionaire's Vulnerable Heart Kinalma ko ang sarili ko at iniisip na wala siya rito kasama ng ibang mga businessman. Kung alam ko lang na pupunta siya ay pumalit nalang sana kami ni Kimberly ng area. For sure matutuwa ang babae na iyon kapag siya ang inutusan ng manager namin dito. Walang arte iyon at wala pa sa isang segundo ang sagot ay talaga naman magpapalit agad kami at dahil ako ang inatasan ay wala na akong magawa unless kung kung hahanap ako ng idadahilan ko. Ngunit napatigil ako sa mga iniisip ko. Bakit ko ba siya iiwasan? Ex na nga kami di ba? Magalit man siya dahil wala kaming closure na naganap ngunit matagal na iyon. Alam ko naman na nakamove na siya at malamang may girlfriend na rin ito. Dahil na rin doon sa nakita ko noong isang araw. At isa pa, baka ang dami na ng ex na dumaan sa buhay niya kaya bakit kinakabahan ako. Kung nasabi niya man ang bagay sa restroom no'ng nakaaraan ay bahala s'ya na maniwala kung ano man ang narinig n'ya tungkol sa akin noon. Kinalma ko ulit ang sarili ko at tumikhim, ngumiti ako habang patuloy pa rin ang pagse-serve ng kanilang order. “Excuse me po,” habang nagse-serve ako ng pagkain sa lamesa at baka mamaya maitapon ko pa ang laman sa kanila. At nang, nasa harapan na ako ng taong papatayin yata ako sa titig kung saan siya nakaupo ay naglapag ako ulit ng menu malapit sa kanya. Pinigilan ko ang paghinga ko, sana naman hindi ako manginginig sa kaba dahil nariyan siya, baka mamaya ipagsigawan niya pa na ang dating ex ko noon ay ito…isa nang ganap na waitress. “Mr. Del Rego, how about you? Balita ko ang ganda ng bagong business mo ngayon at malapit na itong matapos.” ani ng matandang lalaki sa kanya. At nang makita ko na nasa table na ang lahat na kailangan nila ay lumayo na ako sapat para makapag-umpisa silang kumain. “Ah, yes sir, malapit na po, 3 weeks from now, our project will be ready to open and thank you for your compliment, sir.” aniya. Masaya ako na may narating siya sa buhay. Dati kasi…nevermind. Bakit pa ba ako mag-iisip sa kanya kung ano siya dati at ngayon. “And you have a beautiful girlfriend, where she is at bakit hindi mo kasama ngayon para ipakilala sa amin." tinagilid ni Mr. Rego ang kanyang ulo sa direction ko kaya napasinghap ako na nakatitig siya sa akin. Tumikhim ako at umiwas ng tingin. Huwag siyang mag-alala hindi naman ako masasaktan kung may ipakilala siya na bagong girlfriend. "She has work, sir.” tipid nitong sagot. Masaya ulit ako sa kanya na sa wakas may taong nagpapasaya na sa kanya. Kung naging kami pa rin ay baka hindi rin maging maganda ang lahat. Baka hindi ko siya makikita na ganito na ka successful. "I see…let's eat everyone.” Nag-umpisa na silang kumain habang nag-uusap tungkol sa negosyo at tungkol sa buhay at lumalapit lang ako kung magseserve ng tubig at ibang kakailanganin nila. Ngayon palang ay nagdasal na ako ng kapatawaran na naririnig ko ang mga sinasabi nila. “You don't like the food, Mr. Rego? Hindi ka pa kumakain." Nalipat ang tingin ko kay sir Joaquin at sa tinutukoy nito na tao. “I'm sorry, may nireplayan lang na message sa phone." sagot nito. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni sir Joaquin. “Hmmm, namimiss ka na siguro kaya pinapauwi ka ng maaga." Sambit ni sir Joaquin na siya namang pagngisi ni Mr. Rego. Binalewala ko nalang ang sinabi nila at ginawa ng mabuti ang trabaho ko at baka mapahiya pa ako at ang restaurant na hindi maganda at maayos ang pagtatrabaho ng isang empleyado na tulad ko. Ngunit hindi ko talaga mapigilan na mapasinghap na makita si Drake na nakatingin na naman sa akin. Napalunok ako ng laway, sa mga titig niya sa akin at nang ngumisi siya ay alam ko, hindi awa kundi panunumbat iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD