Chapter 10

1451 Words
Ilang araw na lang ay aalis na muna ng ibang bansa ang boss namin dahil sa isang business trip at ang balita ko ay baka magbabakasyon na muna roon bago bumalik ng Pilipinas. Wala pang nakakaalam kung sino ang papalit muna sa kanya pansamantala habang wala ang may-ari ng restaurant na tinatrabahoan ko. “Waahh…kakapagod pala ang pabalik-balik ano, para akong nahihilo sa kakaserve, maraming kumakain ngayon kaya pagod na ang beauty ko, lunch palang pero keri pa hanggang mamayang hapon.” reklamo ni Kimberly. Nasa gilid kami ng counter kung saan naghihintay na may matapos kumain or may umorder na customer. “Sinabi mo pa pero laban lang at mamaya nito may pera naman tayong matatanggap." Mahina na sabi ko sa kanya. May sahod ngayon kaya for sure, mawawala rin ang pagod nila mamaya, kasama na ako roon kahit maliit na lang ang matatanggap ko na halaga dahil everyday kung kinukuha ang sahod ko para may panggastos ako sa araw-araw, lalo na kay Ian, ang iba naman na matira sa sahod ko ay tinatago ko for emergency. Basta nakapaglabas na ako ng pera para kay Ian, at sa landlady namin ay diyan palang wagi na ako. Naging busy ulit kami na may natapos nang kumain para kunin ang mga ginamitan nila na pinggan at ilagay sa lababo para mahugasan. “Ashera-” "Yes madam!” Tawag attention ko sa manager na tumawag sa akin. "Kindly clean the vip table, may mga bigatin na boss ang kakain maya-maya dito sa restaurant natin.” Tumango naman ako at agad kinuha ang panlinis para mapunasan na muna ang lamesa. Sino kaya ang mga bigatin na iyan? Marami din kasi na business tycoon ang kumakain dito sa restaurant dahil masarap daw ang mga pagkain na naihanda. Hindi man ako ang may-ari ay masaya ako dahil isa ako sa workers dito nagtatrabaho. Sa taon na naninilbihan ako ay masasabi ko positive feedback ang binibigay ng mga customers. Pagkatapos kong malinisan ang vip table ay kumuha ako ng mga pinggan at iba pang gagamitin. Bigating bisita ang kakain, ibig sabihin….mga CEO, ganoon ba? Hinanap ng mata ko si Kimberly, for sure mapapangiti itong babae na ito dahil may mga makikita na naman siyang gwapo. Wait, paano kung mga matanda pala ang bigatin. Gusto kong matawa sa naiisip ko. Hindi naman interesado si Kimberly sa mga ganyan kundi iyong tipong mala artista ang dating at mala adones ay for sure marami na naman siyang baon sa gallery niya. Mga ilang saglit na paghihintay ay dumating na nga ang sinasa ni ng manager namin na mga bigating bisita. Mga tatlong pumasok na naka-business suit sa resto na matatanda dahil sa kulubot na mukha nito at puti na buhok. Ilang segundo ay may dalawa ulit na pumasok sa entrance pero this time ay mga nasa edad thirty pataas na siguro. “Good afternoon, sir!” “Good afternoon, sir!” Wika namin sa mga bagong dating na customers at tinuro namin sa kanila ang vip table. Doon sila naisipan na kumain habang may business meeting, iyon ang sabi ng manager at dahil busy ang iba kaya ako ang naatasan sa vip table kaya sumunod ako. “May kulang pa tayo…..” "On the way na po sila sir,” hindi ko maiwasan na marinig ang pinag-uusapan nila dahil nagseserve ako muna ng kanilang tubig. “It's okay Mr. Kellner. We will wait for them. This is not a business meeting naman kundi kamustahan while having our lunch.” Wika ng matandang lalaki sa lalaki na pagkarinig ko kanina na pangalan ay si Mr Griffin…? Ah, Griffin Zale Kellner tama siguro ang name, may-ari daw ito ng bar somewhere in Makati. “How's your business Arch. Joaquin Dela Vega?” tanong naman ng isang lalaki na kasama nila na matanda sa lalaking nakaupo sa kabilang table habang busy sa kanyang cellphone. Parang nakita ko na ang mukha niya. Sa billboard ba iyon o magazine. Nilapag niya ang cellphone at inangat ang tingin sa nagtatanong na mas matanda pa sa kanya. “Business is doing good, sir. Maraming clients at kung wala naman ay busy ako sa business ni Dean Alvarez.” "I see, ang ganda nga ng gawa niya na furniture. Nakabili si misis matagal na at nagustuhan ang pagkagawa." “Sorry for waiting….” huminto sila sa pag-uusap na may pumasok sa vip area na dalawang lalaki. Nahagip ng mata ko ang pagtitig ng isang kasamahan ng lalaki sa akin. Iba ang titig eh. Addict ba yan? Umirap ako sa kanya na ngayon ay umakbay pa talaga sa kasama niya at nang binalikan ko siya ng tingin ay nakita ko ang pag-ngiti niya sa akin. Addict nga siguro. “Hello Dean Alvarez. Nice to see you again.” ani ng matanda at nakipagbeso na muna ang pangalang Dean. Nasa gilid lang ako at nakatayo habang hinihintay ang kanilang order na iseserve. Kailangan na may nakatuka na isang tao at baka may kailangan ulit. iyan ang sabi ng manager. Hindi ko nga alam kung tama ba itong ginagawa ko dahil naririnig ko ang mga usapan nila, baka akala nila chismosa ako. Jusmi, huwag naman sana, ayoko namang takpan ang tenga ko at baka magtaka sila, nagkibit-balikat nalang ako pero hindi ko talaga maiwasan na makarinig. “Nice to see you again, Mr. Emilio, sorry I'm late. Hi ninong Joaquin.” "Nahh…it's okay, may late pa sa inyo pero malapit na raw." Natatawa na wika naman ni Mr. Emilio. “Buti at sumama sa ‘yo si Wade Salazar, Dean?” Natawa ang pangalang Wade. “Ganito kasi iyon ninong Joaquin, sinamahan ko lang si Dean para hindi maligaw ng restaurant. Alam mo naman na marami na tayong kilalang restaurant at mabagal pa naman ito sa Waze-” "Gago-” nakagat ko ang ibabang dila ko dahil sa nang-aasar si sir Wade kay sir Dean, binatukan tuloy. "Tama ka na nga gago ka, lumayas ka sa paningin ko bago dumilim. Kung ayaw mong ipasundo kita kay Rosenda!" si sir Dean. "Aba! Aawayin mo ako pagkatapos kitang ihatid? Thank you ha. Ay sir, pasensya na po kayo, ganito lang po kaming dalawa. Aalis na po ako-” "Join us for lunch before you leave, Mr Salazar?” "Thank you po, but I need to go, my susunduin din kasi ako malapit lang po dito na area.” "I see…sige ingat." Pumunta muna ako sa kusina para tulungan ang mga kasamahan ko na kunin ang mga pagkain sa kanila. Mag-uumpisa na silang kumain at malapit na rin ang hinihintay nila na tatlo pang mga boss o ceo din siguro. “Nice meeting you, Miss." halos napamura ako na bigla nalang sumulpot ang lalaki na addict sa harapan ko. Masama ang tingin ko sa kanya pero siya…ang lapad ng ngiti, hindi ko nagustuhan ang awra niya dahil feeling ko marami na itong pinaiyak na babae. O talagang judgmental lang ako ngayon, basta naiinis ako sa pagmumukha niya kahit ngayon ko lang siya nakita. “Sa palagay ko may asawa o girlfriend ka na sir, mag bagong buhay na nga kayo, dapat loyal ka lang sa isa,” walang preno ko na sabi sa kanya, bahala na kung isusumbong niya ako sa manager ko. Narinig ko lang kanina na may girlfriend na raw ito. “What? Of course, loyal na ako sa mahal ko, playboy lang ako noon pero nagbagong buhay na ako,” aniya sabay halakhak. "Nice meeting you kasi may naalala lang ako na parang kamukha mo. Of course hindi ko sasabihin.”sabi niya sabay halakhak ulit, addict nga. Mabuti naman at umalis na ito dahil kung hindi, siya pa ang isusumbong ko sa manager. Kinuha ko pa ang ibang ulam na inorder sa vip table sa kusina. “Andiyan na pala iyang hawak mo Ashra. May set B pa, kukunin ko lang saglit, girl usap tayo later, alam ko na alam mo na-" pahabol pa ni Kimberly na isa sa nagseserve sa vip para lang ihatid ang ibang napili na menu. Napailing nalang ako dahil kahit hindi niya i-chismiss sa akin ay alam ko na kung ano iyon. Dahil may bitbit na tray ay panay excuse naman ako na sineserve ang nasa plate na ulam sa kanilang table. Nag-uusap pa rin sila about sa negosyo. Kinuha ko ang ibang pagkain sa food cart ngunit napatigil ako na ilapag sa table na kung napasino ang nasa isang upuan. Dahil sa gulat na makita siya ay kamuntikan ko ng ma itapon ang hawak ko. Mabuti nalang at nakuha agad ng isang lalaking bagong dating. Ito na yata ang isa sa hinihintay nila. At nang balingan ko ulit ang dati kong ex ay titig na titig ito sa akin habang magkasalubong ang mga kilay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD