“Lola? Alam mo ba na ayaw kong tinatawag na Lola? Feeling ko I'm so old na with that." aniya habang tumatawa. “Pero dahil gusto akong tawagin na Lola ni sino nga ulit ang pangalan ni baby boy?"
“Ian po-" wika ko.
“Yan…yan…” pareho kaming napalingon kay baby Ian dahil sa sinabi nito na pangalan. Kahit na putol putol ay masaya ako na kahit papano, nakakapagsalita si baby Ian.
"Ian…ang ganda naman ng pangalan mo hijo. Wait maupo muna tayo, feeling ko nirarayuma na ako, hahanap tayo ng makainan habang nag-uusap. Mamaya pa kasi ako uuwi kaya kailangan ko nang makausap. Okay lang ba sa iyo?” Saad niya at dahil nakita ko naman na mabait siya na tao kaya sumunod ako sa kanya, kasama si Ian na buhat-buhat ko.
Sinabi ko sa kanya ang gustong kainin ni Ian at napanganga siya.
“Wow ha, parang gusto ko na ang ugali ni baby, pareho kami na gulay… gulay na lang ang kinakain kasi you know, as we get older, marami ng mga bawal.” tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit mas gusto niyang kumain ng mga gulay kaysa karne. Hindi naman ako mahilig masyado sa gulay, si ano kaya? Baka nga mahilig siya kaya namana kay Ian.
At nang makahanap na kami ng restaurant na may lutong gulay ay doon na kami pumunta at pumasok.
Umupo kami sa pang-tatlong upuan, habang naghihintay ng mga order namin at ang anak ko naman ay busy pa sa kanyang car toy na regalo ko sa kanya noong birthday niya.
“He has….uhmmm..sorry for asking. I'm…I'm just curious.” umiling ako sa kanya at ngumiti. Wala naman akong nakikita na hindi maganda sa pananalita niya. Kahit naman siguro ako ay macu-curious.
“Ayos lang po, at yeah…he has a special condition po. Kaya po ganyan ang kinikilos niya.”
"I see….nakapag-check-up na ba kayo? Para malaman kung ano pa ang ibang case sa kanyang condition. Pwede ko kayong tulungan." Kahit papano, gumaan ang loob ko na may tao na hindi nanghuhusga lalo sa kalagayan ng anak ko. Wala naman na may gustong mangyari ang ganyang condition, nasa tao iyan kung paano nila tatanggapin at respeto na rin sana ang hinihingi ko lalo sa anak ko na si Ian.
“Enk… uuu….enk uu…eat mamma-”
"Yeah sure…kakain na tayo baby. Say thank you to Lola muna.” Lumingon siya sa matanda na nakahanda naman ang kanyang ngiti para sa anak ko. Tabi kami ni Ian, samantalang nasa kabila naman si ma’am Crizelda, iyan ang pakilala n'ya sa amin.
“Eng…. uuu…lo..la…” mabilis na wika niya at yumuko na para makakain at wala ng pakialaman sa paligid niya. Ang umorder kasi at ang magbabayad ng mga inorder namin ay si ma’am Crizelda na at wala na akong magawa kundi ang magpasalamat.
“Nakakatawa naman ang baby mo, I like him na. Ang mga anak ko ay may mga asawa na rin, and of course may mga apo na mga binata at dalaga na rin, may ka-edaran mo na rin yata pero ang iba dahil malayo ang mga bahay kaya ako pa talaga ang pumupunta sa kanila kung matagal na silang hindi nakakapunta sa bahay para man lang magbakasyon o bisitahin ako, kaya minsan hindi ko maiwasan na magtampo sa kanila, mabuti nalang at may isa akong anak na kasama ko sa bahay.” Kwento ng ginang habang kumakain kami.
Isa lang ang napagtanto ko, swerte niya sa mga anak niya. At swerte ng mga anak niya sa kanya dahil siya pa ang pumupunta sa mga ito, sa akin kasi….
“Mam….ma-"
“Yes baby?"
“Lab… you…” napatigil na naman ako saglit sa pagtawag niya sa akin at pagsabi kung gaano niya ako kamahal. Hindi ako nagsisisi na dumating si Ian sa buhay ko. Sobrang mahal na mahal ko ang anak ko. Kahit na mag-isa ko siyang pinalaki ay nakaya ko, nakaya naming dalawa.
“I love you too baby. Love na love ka ni mama-"
“Aww….ang sweet nyo naman, naiinggit ako."
“Lab…you…la…la…."
“I love you daw po Lola, sabi ni Ian." sabi ko sa ginang at nakita ko ang saya sa kanyang mga mata, nagulat pa nga.
“Omo…para sa akin ang I love you niya. Omg, thank you baby….I love you too. Ay salamat, you know what, matagal ko na rin naririnig ang I love you na iyan sa mga apo ko, kaya masaya ako ngayon, buti na lang umalis ako sa bahay ngayon, hindi ko kayo makikilala,” masayang wika ng ginang at tawang-tawa naman si Ian na akala mo naiintindihan niya na ang pinaghirapan namin at iyan talaga ang hinihintay ng ginang na kasali rin siya. “Ang bait talaga ng anak mo hija, ang swerte mo rin sa kanya. Ang swerte niya rin sa iyo. Same tayo- I love it.” aniya sabay kindat sa akin kaya napangiti na rin ako, nakikita ko nga na masayahin siya na tao.
“Mam…ma!”
" Hmmm-”
"Toy–” bago ko binigay sa kanya ang laruan na kotse ay kumuha ako ng tissue para mapunasan muna ang bibig niya at kamay dahil minsan kinakamay niya ang kinakain kanina.
Agad ko naman binigay ang kanyang laruan na kotse at baka magtatrantaum pa anak ko. Masaya pa rin kaming nagkukwentuhan ng ginang at marami siyang kine-kwento about sa kanyang buhay.
“Ikaw, saan nagtatrabaho ang ama ni Ian? Ikwento mo naman ang lovelife mo, nasa abroad ba siya ngayon o dito lang sa Pilipinas?” napakurap ako sa sinabi niya.
Ama ni Ian? Nasaan? Anong isasagot ko. Nakita niya ang pag-alinlangan ko na sagutin ang katanungan niya kaya ngumiti ito sa akin at tumingin kay Ian na busy pa rin sa kanyang nilalaro habang nakaupo ng maayos sa silya.
“I see…I got it ... .it's okay no need to answer, don't tell me, don't mind about my question.” ngumiti ako sa ginang at sinabi na ayos lang.
“Thank you po."
“For what?"
“Sa libre niyo po na pagkain, hindi lang po ako ang busog kundi ang anak ko na rin po.” saad ko sa kanya.
" Wala iyon, ako nga ang dapat na magpasalamat sayo dahil pinaunlakan mo ako na kumain tayo rito. Masaya ako kasi may kasama ako.” Aniya.
" Excuse me ma’am, ito na po ang pinatake-out niyo po.” nilapag ng staff ang inorder ng ginang kanina na itatake-out niya pagkatapos niyang magbayad ng bills namin.
"Ay, thank you so much, here hija, iuwi niyo ito, binili ko iyan para sa inyo." Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ng ginang sa akin. Totoo ba?
“Paano po kayo? Sobra-sobra na po ang binigay niyo sa amin po."
" Ay basta tanggapin mo iyan dahil masaya ako na nakatulong ako sa iba.” wala na akong magawa kundi kunin ang binigay niya sa akin. Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko kung deserve ko ba ang mga ito, despite sa mga nangyari sa buhay ko ay may kaibigan ako na mababait at may ibang tao na hindi ko man kilala o kaano-ano ay talagang tumutulong sa akin.
At dahil pauwi na kami ng anak ko ay uuwi na rin daw siya, tumawag siya sa driver niya para sunduin siya. Hindi naman nagtagal ay may pumara na kotse sa tapat ng entrance ng mall at iyon na raw ang driver niya.
“Sumabay ka na sa amin, ako na ang maghahatid sa iyo, saan ba ang bahay niyo.”
"Hala ma’am, sobra sobra na po talaga ma’am, pinakain niyo na kami kanina at may take out pa tapos ihahatid niyo pa kami-” nagkibit-balikat siya na parang wala lang sa kanya kung ihatid kami.
"Kasi masaya ako na makatulong, wait saan ba ang bahay niyo at itanong natin sa driver ko kung alam niya.” wala na akong magawa kundi ang sabihin sa kanya ang address namin, lalo at nakatulog na si Ian sa balikat ko habang buhat siya.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasan na mapansin ang ginang na pasulyap-sulyap sa anak ko hanggang sa napansin niya yata kaya ngumiti siya sa akin.
“Sorry hindi ko lang mapigilan na hindi tumingin sa anak mo. His face kasi…looks familiar na parang nakita ko na somewhere or baka guni-guni ko lang, again, don't mind about me.” Tumikhim ako sa sinabi ng ginang.
Sana…sana guni-guni niya nga lang.