Lagi kaming gumagawa ng aking mga kapatid ng way para mapag bati at mapag ayos ang mama at papa ko, pero sadyang hindi yata umaayon ang panahon. Walang araw na hindi ako nag dasal na sana mabuo na ang aming pamilya. Ayaw naming mag hiwalay ng tuluyan ang mama at papa ko. Pero isang araw dumating ang pinaka kinakaayawan naming mangyari ang tuluyang masira ang pamilya namin na pilit namin binubuo, dahil tuluyan nang nakisama ang mama ko sa lalaking laging nag bibigay sakanya ng pera. Hindi ko matanggap Sobrang sakit, napakasakit para samin mag kakapatid na wala ng pag asa na mabuo pa kami at muling mag sama-sama.
Simula nung nag desisyon na mag sama na si mama at ang bago niya asawa, kumuha sila ng ibang bahay na uupahan at doon maninirahan kasama kami. At kasabay noon ang pag hinto ko sa pag atin sa bible study, hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana umatin pa sa simbahan. Kahit hindi rin naman kalayuan sa simbahan ang bagong bahay nila na uupahan. Parang unti-unti ng nag kakaroon ng puwang na kadiliman sa maliwanag na mundo ko.
Nakita ko si papa sa labas ng school inaantay niya daw ang uwian namin dahil may mahalaga siya sasabihin sakin. Bago kami makarating samin Sinabi niyang aalis na daw siya. "Saan ka naman pupunta papa?". Mag tatrabaho muna ako sa ibang bansa para may maibigay ako sainyo, kukunin ako ng tita mo at tutulungan makapag trabaho sa maleysia. "Ganoon ba papa, wag ka ng umalis paano na kami". babalik naman si papa matapos kong mag trabaho doon mag papadala na lang ako sainyo ng pera sa tuwing sasahod ako. Kaya din kita pinuntahan sac kasi gusto kong ikuha mo ako ng mga picture niyo mag kakapatid. para hindi naman sobrang malungkot si papa pag dating doon sa maleysia. "Sige papa hintayin mo ako dito sa kanto".
Habang nag lalakad ako mababagal ang aking mga hakbang dahil sa sakit na nararamdaman ko at sobra na akong naiiyak dahil anong nangyari, wala na ba talaga? wala na ba talagang pag asa pa na mabuo kami. talagang sira na ba kami Talagang bang lalaki na lang kami ng mga kapatid ko na broken family. ang sakit unti unti ng nagugunaw ang mundo ko sa mga desisyon na ginagawa at pinipili ng mga magulang ko. Pag kauwi ko sa bahay kinuha ko na ang mga litrato na hinihingi ng papa ko at hinanap ang aking dalawang kapatid ngunit wala sila. Pag kabigay ko kay papa ng mga litrato umiyak na ng umiyak si papa maging ako din umiyak ng umiyak sakanya at patuloy na tinatawag ang pangalan niya. Mag iipon si papa doon pag nakaipon ako mag sasama sama ulit tayo para si mama mo hindi na kailangan mag trabaho sa club at sumama doon sa bago niya kinakasama ngayon. mag aral kayong mabuti ng mga kapatid mo sac, para di kayo matulad samin para pag nakapag tapos kayo magandang trabaho ang mahahanao niyo. ikaw na ang bahalang mag paliwanag sa nga kapatid mo. palagi kayong mag iingat laging susulat si papa sainyo, ganoon din kayo susulatan ninyo din ako ha?