chapter 3

730 Words
"Papa". tawag ko ng makita ko ang aking papa sa pilahan ng tricycle. Oh tapos na kayo mag simba? opo papa. mag miryenda muna kayo doon at ihahatid ko na kayo pauwi. Pag kabigay niya samin ng pera nag miryenda kami ni eyang di rin kalayuan sa pilahan. Papa's girl ako kaya naman talagang mahal na mahal ko ang papa ko, tatlo kaming mag kakapati at pangalawa ako sakanila nag iisa din akong babae ang kuya at bunso namin parehong lalaki. Pag kahatid samin ng papa ko. pinauna ko ng umuwi ng bahay si eyang para matawag niya ang iba kong kapatid para makita din nila si papa. Kamusta ka naman papa? tanong ko sakanya. okay lang naman ako kahit papaano kaya lang malungkot lagi si papa sabihin mo kay mama uwi na kayo sa bahay. Hindi ko napigilan ang mapaluha, bakit ba kayo nag away ni mama papa tanong ko sakanya. kasi si papa hindi sapat ang kinikita sa pag tatricycle ang dami nating gastusin ang hirap ng buhay natin kaya lagi kami nag aaway ni mama mo. naaawa ako sa papa ko dahil mag isa lang siya mahigit isang linggo na din buhat ng umalis kami sa bahay. Ganoon din ang sinabi niya sa aking mga kapatid at tulad ko naiiyak din sila, pero ang kuya ko nahihirapan ako kitaan ng emosyon dahil tahimik lang itong tao.! binigyan kaming tatlo ng pera ni papa at nag paalam na siya para bumyahe ulit. Kinahapunan pinag bihis ako ni mama at pupunta daw kami ng mall. Nag tanong ako kung bakit ako lang, sa susunod na lang daw isama si kuya cole ko at si anghelo. Sa may kanto namin sumakay kami ng kotse ni mama doon umupo siya sa may tabi ng driver at ako naman mag isa sa loob. nag uusap sila at pinag mamasdan ko lang silang dalawa, May time pa na natsetsempuhan kong nag hahawak sila ng mga kamay. Pero nanatili pa din akong tahimik at kung minsan binabaling ko ang tingin ko sa daan. hindi ko kasi maintindihan kung bakit sila may pa hawak hawak pang kamay. Pag dating sa SM ibinili ako ni mama ng skechers shoes na nag kakahalagang mahigit dalawang libo. pero ayaw ko sa ibinili niya sakin sapatos dahil tineternuhan niya ako ng isang kikay na palda at isang red na blouse pero pa ekis ang likod. ayoko mag soot ng ganoon damit kaya nag away pa kami ng mama ko sa SM pero ibinili pa din niya yun. Matapos mamili kumain din kami sa loob ng mall. Habang pauwi na kami nag tanong ako. Mama sino yan? sac siya nga pala si Tonyo daddy na lang din tawag mo sakanya. Bakit naman daddy hindi ko naman siya daddy? tito na lang sac kung ayaw mo ng daddy sabay ngiti nung lalaki sakin. nanahimik na lang ulit ako at hndi umimik, kinabukasan si kuya at anghelo naman ang kasama niya umalis at sila naman ang papuntang mall. Simula noon dumadalas na ang pag bilibili ni mama sa amin ng gamit binilan niya pa ako ng gold na hikaw at relo. At may pinagawa siyang kwarto doon sa bahay ng daddy ko yun daw bago naming tutulugan. unti-unti din siya bumibili ng mga gamit para sa kwarto na yun. Pag sapit ng linggo sabay kami ulit ni eyang nag lakad papunta sa simbahan hindi rin naman kalayuan sa bahay namin yun. Saktong alauna na ng hapon kami nakarating sa simbahan alam na din ng papa ko mag sisimba ako dahil nakita namin siya ni eyang at tulad noong nakaraan hihintayin niya ako at ihahatid kami pauwi ng pinsan ko. Pag karating namin sa gate nakita namin si brother jo doon na nakatayo at may ibinibigay siyang maliit na papel. brother jo, oh mga iha halika na kayo pasok kayo! magandang hapon po. binigyan niya kami ng tag isang papel at numero daw yun para sa grocery na ibibigay samin bago kami umuwi. Ang babait ng mga kasama namin dito sa simbahan at talaga naman gustong gusto namin ang pag bible study ni eyang, hanggang sa tumagal na pag sali namin sa church group sa tuwing alas 3 ng hapon at may misa si father george lagi niya kami kasa kasama sa likod niya at daladala ang mga kagamitan na kailangan niya sa kanyang misa at kung minsan naman kami at mang aawit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD