Bata pa lamang ako madalas ng mag away ang mama ko at papa ko sa hindi ko maintindihan na dahilan. basta ang alam ko lagi na lang sila nag aaway at sa tuwing nangyayari yun nilalayasan ni mama si papa sa bahay namin at dadalin niya kami sa bahay ng lola at daddy ko. Isang linggo oh higit pa madalas ang tagal ng pag tatampuhan nila, basta hanggat hindi sila nag kakabati mananatili lamang muna kami sa bahay ng lola at daddy ko. Si mama naman sa tuwing gabi umaalis siya gabi daw kasi ang oras lagi ng pasok niya. hindi lang ako sigurado noon kung anong klaseng trabaho ang ginagawa niya, ang papa ko naman isang tricycle driver.
Isang araw nag kayayaan kami ng pinsan ko si eyang mag simba. Gusto ko din makapag simba para makita ko ang papa ko dahil sa gilid ng simbahan ang toda niya. eyang wait lang tignan ko lang si papa kung nandoon sa pilahan ng tricycle puntahan muna natin. Nakita ko ang ninong ko ag nag mano sakanya sinabi niyang nakapag hatid daw si papa ng pasahero at sasabihin na lamang niya na hinahanap ko at nag bilin na din ako kay ninong na mag sisimba ako at hintayin ako ni papa pag tapos ng misa.
Matapos ang misa, pumunta kami ni eyang sa gilid ng simbahan meron kasi private school doon. Siguro ang sarap mag aral sa mga private school nuh sac? siguro nga, pero pang mayaman lang ang kayang makapag aral sa mga private school. pero alam mo para sakin walang pinag kaibahan ang public oh private dahil iisa pa rin naman ang itinuturo ng mga teacher sa school ang mahalaga satin makapag tapos ng pag aaral khit sa public lang. oo nga naman sac may point ka din hahaha pero bakit kaya may mga tao doon sa stage diba araw ng linggo ngayon at walang pasok. aba hindi ko alam kasi di naman ako nag aaral diyan hahaha pabiro ko tanong. ewan ko sayo pabirong irap din niya.
ah mga iha!. sabay kaming napalingon ni eyang sa aming likod at isang kuya ang aming nabungaran. bakit po? tanong namin ni eyang. ako nga pala si brother jo gusto niyo ba sumali sa mga batang nandiyan sa loob kami ay mga brother at ung mga nakikita niyong mga ate sa loob mga sister naman sila. kami ay nag aaral ng mga salita ng diyos at nag lilingkod sa panginoon kasama ng ating pari. bukod pa doon pwede din kayong sumali bilang mang aawit sa simbahan sa tuwing may misa aawit kayo ng mga papuri para sa panginoon. pwede din kayo maging kasa kasama ng pari at sa oras ng mga misa, at sa tuwing linggo kayo aatin para sa ating chucrh group. Ano nga pala ang mga pangalan niyo. Ako po si sac, at ako naman po si eyang. makakasali ba kayo sac, eyang mag paalam din kayo sa inyong mga magulang at para malaman niyo kung kayo'y kanilang papayagan. Sige po brother jo. pero kung sakali man kayo ay makakasali puntahan niyo lamang ako sa may gate nitong school at tuwing ala una nag sisimula ang bible study natin. Sige po brother jo gusto po din po namin maging parte ng simbahan. salamat po sa inyong pag anyaya. Sige mga iha kailangan laging pormal ang inyong mga soot sa tuwing kayo ay pupunta sa simbahan. opo! oh siya mag iingat kayo sa inyong pag uwi pag palain kayo ng maykapal. kayo din po salamat din po.