Kitang-kita ko naman ang nanlilisik na mga mata ng lalaki. Parang gusto akong sakalin nito habang nakatingin sa akin. Ngunit ikiniling ko lamang ang aking ulo. Tumingin din ako sa mga kasamahan nito. At nakangisi pa sila sa akin. Tumaas naman ang kilay ko habang nakatingin din sa kanila. Amin silang lahat. May dala-dala rin silang mga baril at nakatutok sa amin at ano mang oras ay puwede kaming paulan ng bala ng baril kaya kailangan kong mag-ingat. Kung sasaktan ko ang lalaking nandito sa loob ng kalesa ay tiyak na patay ang dalawang tao na kasama ko rito. Hindi ko ‘yun hahayaan na mangyari sa kanila. No choice ako kundi kunahin ko ng pasimple ang aking karayom na may lason. Hanggang sa basta ko na lang itong pinitik papunta sa kanila. Agad na bumagsak ang tatlong lalaki. Gulat na Gula

