INIS akong tumingin sa babae na basta na lang nagsalita na huhulihin daw kami. Parang nakakagago lamang sila. Ang tanga-tanga naman ng mga alagad ng batas na ito dahil naging sunod-sunuran na lamang sila. Teka, pulis ba sila? Naramdaman kong lumapit sa akin si Vina. Dama ko ang takot nito. Kaya naman agad kong hinawakan ang kamay ng kakambal ko upang pakalmahin ito. “Sila rin ‘yung humuli kay kuya Fedelo noon at basta na lang nilang ikinulong…” bulong sa akin ni Vina. Mariin ko tuloy ikinuyom ang aking mga kamao. Hanggang sa marahas akong tumayo. Nanlilisik ang mga mata ko na lumapit sa mga gagong kaharap ko. “Kricel---” narinig ko pang anas ni Fedelo. Ngunit hindi ko ito pinansin. Alam kong hindi sila pulis. “May warrant of arrest kang dala? Patingin?” Sabay lahad ko ng aking ka

