Tuloy-tuloy na bumagsak ang aking katawan sa tubig at talagang agad na bumulusok pa ilalim. Ngunit kahit masakit ang aking hita ay agad akong lumangoy papalayo lalo at narinig ko ang mga putok ng baril na galing sa itaas ng pinang-galingan ko. Mga peste sila! At mukhang hindi nila ako titigilan, ah! Sabagay ganoon din ang aking gagawin at hindi ko talaga titigilan si Congressman Crabe hanggang hindi ito makapagbayad sa ginawa nito sa kawawang paslit na bata. Lintek lang ang walang ganti. Ngunit titiyakin kong maghihirap muna ito bago ko ibaon sa lupa. Hayop siy! Imbes na buhay pa ang bata ay agad niyang inalisan ng karapatan na mag-enjoy pa sa mundong ‘to! Gigil na gigil tuloy ako ng mga oras na ito. Nang alam kong medyo malayo-layo na ako ay saka ako umahon sa tubig. Agad kong hinaw

