Kitang-kita ko namang nanlilisik ang mga ng lalaki habang nakatingin sa akin. At talagang gusto nito na ilapat sa aking leeg ang kutsilyo. Pero hindi ako papayag na mangyari ‘yun. DAHIL hindi siya ang tao na papatay sa akin. Mas lalo ko pang hinigpitanf pagkakahawak ko sa talim ng kutsilyo hindi ko ininda ang sakit ng palad ko. Saka hindi pa naisisilang sa mundong ibabaw ang papatay sa akin. Kaya naman kahit masakit ang aking braso ay pinilit kong kinuha ang aking karayom at buong lakas kong sinaksak sa leeg nito. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na itong bumagsak sa lupa. Agad kong inalis ang kutsilyo sa aking braso. At binitawan ko rin hawak ko kutsilyo. Ramdam ko ang sakit ng sugat ko. Mabilis akong nagtago sa dilim. Agad ko ring pinunit ang laylayan ng aking damit para itali sa aking pala

