Hindi ako makapagsalita habang nakatingin sa babaeng dumating. Ngunit nagulat ako nang bigla na lamang akong hinila nito papunta sa tagong lagur. Nagsinyas din ito sa akin na huwag akong maingay dahil may mga paparating na kalaban. “Ano’ng ginagawa mo rito Farah? Paano mo nalaman kung na saan ako, huh?” gulat na gulat na tanong ko sa aking kaibigan at nanlalaki rin ang mga mata ko. “Ilang araw na kitang napapanaginipan, Kricel. Panay ang kontak ko sa ‘yo. Ngunit hindi kita mahagilap. Kaya inalam ko talaga kung na saan ka. Mabuti na lang at nakapasok ako sa lugar na ito. Alam kong may problema ka at nalaman ko rin ang nangyari sa mga magulang mo. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo noong nagdadalamhati ka,” malungkot na anas nito sa akin. Mahigpit ding hinawakan ni Farah ang aking

