Tumingin ako sa mukha ni Delgado at wala man lang akong makita na kakaiba rito o kahit kaunting awa ay wala talagang nakapaloob doon. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari rito. Ang nakakasama ng loob ay hindi man lang ako maalala ng lalaki. Parang gusto ko tuloy maglupasay sa lupa tapos balak pa akong patayin nito. Nakakainis naman, oh! Sobrang nakakaiyak ang nangyari ito sa amin ni Zetro. Kitang-kita ko rin ang pagngisi ng lalaki at para bang tuwang-tuwa ito na nakikita na ako'y nahihirapan o nasasaktan. “Titiyakin kong mamamatay ka babae. Dahil ikaw ang salot sa amin kaharian!” At mas lalong humigpit ang pagkakasakal nito sa aking leeg. Ngunit biglang kumunot ang aking noo dahil nakita kong wala sa tainga nito ang maliit na hikaw na katulad ng sa akin na binigay nito. Kahit ang nunal d

