MAGKANO?

1328 Words
Agad akong tumingin sa salamin ko na ngayon ay hawak ng lalaki. Naglagay ako ng kaunting lipstick sa aking labi. Ngumuso pa nga ako para magpa-cute sa harap ng salamin. Sabay kindat ng aking mga mata. Ang ganda-ganda ko talaga. “Thanks, Manong,” anas ko. Sabay kuha ng salamin mula sa kamay nito. Agad kong ibinalik sa loob ng maleta ang mga gamit ko. Kinuha ko rin ang aking suklay. Inalis ko ang tuwalya sa aking ulo. Balak ko na sanang magsuklay nang muling huminto ang elevator. Dali-dali kong kinuha ang aking maleta at tuloy-tuloy na lumabas ng elevator. Ngunit bigla kong natapik ang akong noo dahil hindi man lang akong nagpaalam o nag-thank you kay Manong. Ah! Alam na ni Manong ‘yun. Iiling-iling na nagsuklay na lamang ako ng buhok ko. Pagdating sa tapat ng unit ni tita Kris ay agad akong nag-door bell. Mayamaya pa’y bumukas ang pinto at iniluwa ang dragong kong tiyahin. Nanlilisik talaga ang mga mata nito sa akin. “Dumating ka pa! Kanina pa ako naghintay sa ‘yo, Kricel!” bungad na palatak agad sa akin ng tiyahin ko. “Trapik po, tita Kris kaya natagalan ako,” sagot ko na lamang. Nakita kong umismid ang babae. Hanggang sa ibagsak sa aking harapan ang isang kahon. “Oh! Iyan ang mga basura mo. Diyan mo na lang buklatin sa labas. Hindi ka na puwedeng pumasok dito sa loob at baka marumihan ang loob ng bahay ko!” pasinghal na sabi sa akin ng babae. Walang salita na binuksan ko na lamang ang kahon. Agad kong kinuha ang mga photo album ng aking pamilya at inilagay ko sa aking maleta. Ngunit napatda ako dahil sa panty na nakalabas at hindi ko pala na ayos nang lagay sa loob. Mabuti na lang walang nakakita? Ngunit bigla akong napatingin sa bagay na lumapit sa aking mukha. Walang iba kundi ang aking underwear na kulay pula. Dahan-dahan din akong nag-angat ng tingin at doon ko nakita si Manong na kasama ko sa loob ng elevator kanina lang. At ngayon ay hawak-hawak nito ang aking panty. Alanganin tuloy akong ngumiti sa lalaki. Sabay kuha ng aking underwear. Balak ko sanang magpasalamat dito. Ngunit agad akong tinalikuran at pumasok sa unit. Nanghihina akong napaupo sa malamig na semento. Panay rin ang hilamos ko sa aking mukha. Ngayon ako nakaramdam ng hiya. Kaya naman nagmamadali ko nang inilagay sa aking maleta mga gamit ko. Mabilis akong tumayo at tuloy-tuloy na naglakad papalapit sa elevator. Pagdating ko naman sa kotse ko ay nagmamadali na akong pumasok sa loob. Mariin ko munang ipinikit ang aking mga. Gosh! Bakit ba hindi ko man lang nakita ang aking underwear na naiwan ko pala sa loob ng elevator? Nakakahiya tuloy kay Manong? Ngunit. . . Hindi na naman kami magkikita noon kaya ayos lamang ‘yun. Kaya naman matulin ko nang pinatakbo ang aking kotse papunta sa sa Kricel’s Restaurant. Doon na lang ako kakain lalo at nagugutom na talaga ako. Pagdating sa tapat ng restaurant ay dali-dali akong lumabas ng kotse. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Agad naman akong sinalubong ng isang staff ko at binati ako. “Kamusta rito?” tanong ko sa aking staff. Natuwa naman ako nang sabihin nito sa akin na wala namang naging problema rito. “Ms. Kricel, maghahatid po ba ako ng pagkain sa opisina mo?” tanong sa akin ng staff ko. “Dito na lang ako kakain. Doon mo dalhan ng pagkain sa table na ‘yun.” Sabay turo ko sa table na aking nakita sa kanan. Magalang naman itong tumugon sa akin. At sinabi nito na dadalhin na raw nito. Agad itong umalis sa akin harapan. Ako naman ay pumunta sa table na aking napili. Pabagsak akong naupo. Kinuha ko ang aking cellphone dahil narinig kong may nagtext sa akin. Nakita kong ang kaibigan kong si Maxelyn Espinosa ang nagtext. Kasamahan ko rin itong agent. Kumunot ang aking noo dahil pinapupunta ako sa bahay nito at doon na lang daw ako kumain. Isang marahang paghinga tuloy ang aking ginawa. Hanggang sa tumayo ako. Ngunit nagsabi ako sa aking staff na huwag na akong dalhan ng pagkain dahil aalis na ako. Tuloy-tuloy akong lumabas ng restaurant. Ngunit kumunot ang aking noo nang masasalubong ko ang pinsan kong si Tanya. May mga kasama itong apat lalaki. Hmm! Alam kaya ng tita Kris ang mga pinaggagawa ng anak nito? Halos nakaakbay pa sa pinsan ko ang dalawang lalaki. Boyfriend ba nito ang dalawang lalaki na ‘yun? Napataas na lamang ang kilay ko dahil sa aking nakikita. Ngunit bigla naman itong huminto sa aking tapat. “Kricel, may pera ka ba riyan? Pahiram muna ako kulang kasi ang ibinigay sa akin ni Mama na pera. Hmmm! May limang libo ka ba?” walang paligoy-ligoy na anas ng babae. Hindi ako nagsalita. Ngunit dumukot ako sa aking bulsa ng pera. Sabay pakita ko kay Tanya. “Kulang, eh, 500 lang pera ko, ate Tanya,” anas ko sa aking pinsan. Kitang-kita ko namang nag-iba ang tabas ng mukha ng pinsan ko. Hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. “Ano ba ‘yan? Bakit 500 lang? Pang bata lang ang perang hawak mo. Ganiyan ka na ba naghihirap ngayon, Kricel?!” bulalas ng babae sa akin. “Pasensya ka na ate Tanya, iyan lang talaga ang pera ko. Alam mo naman na nangungupahan lang ako ng bahay,” anas ko at nagkibit balikat pa. “Ahhh! Kainis ka! Kahit kailan talaga ay hindi ka malalapitan. Wala ka talagang silbi. Kaya hindi na ako magtataka kung tuluyan ka nang pinabayaan ng Daddy mo!” Ngunit hinalbot din nito mula sa aking mga kamay ang hawak kong 500. Hindi na lang ako nagsalita. “Pinsan mo siya, Tanya? Puwede ko ba siyang madala sa bahay ko kahit mga apat na araw lang---” Biglang singit ng isang lalaki. Tumingin ito sa akin na tila natatakam. Kitang-kita ko rin ang pagtitig nito sa aking boobs. Kahit may damit ko ay parang nakikita yata ng manyak na lalaking ang boobs ko. Nagsalubong tuloy ang kilay ko nang tumingin sa lalaking manyak. Hanggang sa nalipat ang mga mata ko kay Tanya. Parang nag-iisip ito kung papatusin ang sinabi ng lalaking kasama nito. “Hmmmm! Puwede naman! Ngunit kailangan mo akong bigyan ng sampung libo para madala mo sa bahay mo si Kricel. Saka apat na araw mo siyang nasa bahay mo. Kailangan mo talaga akong bayaran. Para may pakinabang naman ako sa kanya,” tuloy-tuloy na litanya ni Tanya. Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao. Nababaliw na ba ang babaeng ‘to? Ibebenta ako sa mga kasamahan niyang lalaki. Ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Hanggang sa tumingin sa akin si Tanya. “Huwag ka nang mag-inarte pa, Kricel. Sumama ka na sa aking kaibigan. Saka, iyan lang ang tanging magagawa mo para naman mabawi namin ni Mommy ang mga pinakain namin sa ‘yo noon!” mapang-uyam na sabi ni Tanya. Nagkibit balikat lamang ako. Lalo na nang makita kong naglabas ng pera ang lalaki at ibinigay kay Tanya. “Sobra pa ‘yan, saka hindi na ako lugi sa pinsan mo ang kinis at ang ganda pa---” tuloy-tuloy na litanya ng lalaking bumili sa akin. “Oo nga! Sige na, alisin mo na sa aking harapan ang babaeng ‘yan! Dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!” bulaslas ni Tanya. Nakita kong ngumisi ang lalaking nagbayad kay Tanya para bilhin ako. “Sumama ka na sa akin, Ms. Huwag ka nang pumulag upang hindi ka na masaktan!” At parang adik na pinasadahan ulit ako ng tingin. Nakita kong inangat nito ang kamay at balak akong hawakan sa aking mukha. Ngunit mabilis ko ring itinaas ang aking kamay at buong higpit na hinawakan ko ang pulsuhan nito. “Gusto mo bang mabalian ng buto, lalaki?!” At mas idiniin ko ang pagkakahawak ko sa pulsuhan ng lalaki. “Ahh! Aray! Teka bitawan mo ako!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD