PANTY AT BRA

1554 Words
Hindi maipinta ang tabas ng aking mukha nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Daddy. Parang bigla akong nanghina. Pakiwari ko’y nanlalambot ang mga tuhod ko. Napahawak tuloy ako sa pader upang hindi ako matumba at bumagsak sa malamig na tiles. “Dad--- wala pa akong balak mag-asawa, ilang taon pa lang naman ako. Ang gusto ko muna ay mag-enjoy sa pagiging dalagang pilipina ko. Huwag mo naman sana akong pangunahan, may sariling isip na ako. Ako na po ang magdedesisyon kung kailan ako mag-aasawa!” mariing sabi ko sa aking Daddy. “Hindi puwede ang gusto mo, Kricel! Ako pa rin ang masusunod sa ating dalawa. Ang gusto ko lang ay ilagay ka sa tamang lalaki. Kaya ako na ang pumili ng lalaki para sa ‘yo. Tandaan mo ako pa rin ang ‘yung Ama. Huwag na huwag mo akong susuwayin. Baka kaladkarin kita pauwi rito sa Isla Bughaw!” palatak ni Daddy mula sa kabilang linya. “Sige Daddy, uuwi ako sa sunod na linggo, ngunit hindi ibig sabihin noon ay sasang-ayon na ako sa gusto mong kasal.” Sabay off ng aking cellphone. Tiyak na galit na galit naman sa akin si Daddy. Marahas na lamang akong napahinga ng malalim, hanggang sa nagmamadali na akong pumanhik sa aking kwarto. Inalis ko ang lahat ng saplot sa aking katawan. Pagkatapos ay pabagsak akong nahiga sa kama. Ngunit hindi ka agad ako nakatulog. Dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinasabi ni Daddy. Sino kayang baliw na lalaki ang natitipuhan nito para maging asawa ko? Magkakasunod tuloy akong napahilamos sa aking mukha. Ano bang pumasok sa utak ni Daddy para ipakasal ako sa lalaking hindi ko kilala. Hindi puwede mangyari ang gusto ni Daddy. Hindi pa ako puwedeng mag-asawa. Saka oras na mag-asawa ako ay tiyak na maaalis n ako bilang secret weapon ng bansa. At iyon ang hindi ko matatanggap. Kailangan kong mag-isip ng paraan. Ngunit ano’ng paraan? Wala akong maisip. Gosh! Baka mabaliw ako sa kakaisip. Hanggang sa mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Hindi talaga ako papayag sa gusto ng aking Ama. Saka masaya pa ang aking buhay ngayon. Hindi ko naman puwedeng sabihin kay Daddy na isa akong secret weapon ng bansa. Ayaw ko rin na basta iwan ang grupong kinabibilangan ko. Malaki rin ang naitulong sa akin ni boss Zach. Kung wala ito, wala rin akong sariling pera. Baka hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako kay Daddy. Noong makapagtapos ako ng pag-aaral ay nagdesisyon akong pumunta rito sa lunsod. Ayaw na ayaw akong payagan ni Daddy. Ngunit ako pa rin ang nasunod. Iyon nga lang hirap akong nakahanap ng trabaho. Hindi ko rin kasi ginamit ang impluwensya ni Daddy. Mas gusto ko na sariling sikap ko. Hindi ko kailangan ang tulong ng Daddy ko. Halos isang buwan din akong walang trabaho rito sa lunsod kaya ang labas ay naging palamunin ako ng tita ko. Kahit hindi sabihin sa akin ng tita ko ay ramdam kong naiinis ito sa akin. May pagkakataon pa nga na tinatago nila ang mga pagkain . Kaya kapag kakain ako ay patago. Ayaw ko namang sabihin kay Daddy ang ginagawa ng kapatid nito sa akin, baka ako pa ang dahilan para mag-away sila. Hanggang isang araw, kasalukuyan akong naglalakad noong mga panahon na ‘yun dahil naghahanap ako ng trabaho. Ngunit kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang ginawa ng dalawang kidnaper at pilit na isinasakay sa loob ng van ang isang babae. Kahit babae ay talagang iniligtas ko ang babaeng ‘yun. Ilang beses din akong nasapak ng mga lintek na dalawang kidnaper. Ngunit hindi ko talaga hinayaan na madala nila ang magandang babae. Dahil sa ginawa kong pagtulong ay roon na nag-iba ang landas ko. Dahil ang babaeng tinulungan ko pala ay asawa pala ng isang bigating tao. Walang iba kundi si Zach Fuentabella. Walang pagdadalawang isip na sinunggaban ko ang alok nito bilang secret weapon ng bansa. Yes, aaminin kong mahirap sa una. Dahil kailangan mo nang mabugbog ng ilang beses bago makamit ang tagumpay na inaasam. Tuwang-tuwa naman ako nang tuluyan akong maging ganap na ssecret weapon ng bansa. Kahit na nasa ilalim ng lupa ang mga paa namin kapag nasa gitna kami ng laban ay hindi kami natatakot. Dahil ang gusto lang namin ay magligtas ng mga taong naaapi. Napakamot na lamang ako sa aking ulo nang maalala ko ang mga nangyari sa akin noon. Hanggang sa isang marahas na buntonghininga na lamang ang aking ginawa. Kinuha ko na lang ang unan ko at agad ko itong niyakap. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na akong nakatulog. Dumating ang kinabukasan nagising akong nag-iingay ang aking cellphone. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone. Nakita kong si tita Kris ang tumatawag sa akin. Aba! Himala at tinawagan ako. Simula nang umalis ako sa bahay nito ay hindi man lang ako kinakamusta nito. Alam ko rin na tuwang-tuwa pa ito nang umalis ako sa kanila. Panay rin kasi ang sabi nito sa akin noon na palamunin lamang daw ako. Kahit na iinis kay tita Kris ay sinagot ko na rin ang tawag nito sa akin. Ngunit bigla kong nailayo sa aking tainga ang cellphone ko dahil s lakas ng sigaw ni tita Kris. “Bakit ngayon mo lang sinagot, Kricel? Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo, ah!” galit na galit na sabi ni Tita Kris sa akin. “Pasensya na po, tita Kris. May ginawa po kasi ako---” “Wala akong pakialam kung may ginagawa ka, Kricel. Dapat sinagot mo agad ang tawag ako. Siya pala. Itatanong ko lang sa ‘yo kung itatapon ko na ang mga gamit mo rito na naiwan. Pang-pasikip lamang ito rito dahil mga basura lang ito!” Biglang umawang ang aking bibig. Hanggang sa natapik ko ang aking noo. Bakit ngayon ko lang naalala na may mga gamit pa ako sa bahay ni tita. Mahalaga sa akin ang gamit ko na ‘yun dahil mga photo album ng pamilya ko ‘yun. “Tita Kris, kukuhanin ko na po riyan ngayon din!” “Bilisan mo at baka itapon ko na ito!” Hindi na ako nakapagsalita dahil biglang nawala si tita Kris sa kabilang linya. Dali-dali naman akong bumangon. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng banyo at nagmamadaling maligo. Saktong labas ko ng banyo ay narinig kong may nagtext sa akin. Walang iba kundi si tita Kris. Tinatanong kong na saan na raw ako. Anak ng kambing, oh! Ano’ng tingin sa akin ng matandang ‘yun aswang at lilipad na lang?” Kakamot-kamot tuloy ako sa aking ulo. Kinuha ko ang aking maliit na maleta. Inilagay ko ang aking mga damit, panty at bra. Pati makeup ay dinala ko rin. Nang makitang kompleto na ang aking gamit ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto ko habang nakasuot pa ako ng bathrobe at may tuwalya pa ako sa aking ulo. Parteda wala pa akong bra at panty na suot. Sa kotse na lang akong maglalagay. Nakakainis talaga si tita Kris. Masyado akong pinagmamadala. Susunugin na raw nito ang mga photo album ko. Nakakainis! Nagmamadali akong sumakay ng kotse ko at matulin ko itong pinatakbo. Isang kamay lang ang gamit ko sa paghawak ng manibela. Dahil ang isang kamay ko ay kinukuha ang maletang dala-dala ko. Agad ko itong binuksan at mga panty ka agad ang aking nakita. Agada kong kinuha ang isang panty ko. Ngunit bigla kong nahampas ang ibabaw ng manibela dahil hindi ako nakapagsuot ng panty dahil nagmamaneho ako. Marahas tuloy akong napahinga. Hanggang sa makarating ako sa tapat ng building. Sa isang condo unit nakatira ang tita kong masama ang ugali. Iiling-iling na lamang ako na kinuha ko ang aking maleta. Sa elevator na lamang akong maglalagay ng panty at bra. Walang pakialam na bumaba ako ng kotse. Kahit nakasuot pa ako ng bathrobe at may tuwalya sa ulo mo ngunit ayos lang walang basagan ng trip. Lumapit ako sa tapat ng elevator. Agad ‘yung bumukas. May nakita akong isang tao. Nakatudo salamin pa ito sa mga mata. At naka tuxedo suit pa ito. Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa loob ng elevator habang hila-hila ang maliit na maleta. Agad kong ibinaba ang aking maleta. Binuksan ko rin ito at kitang-kita talaga ang laman ng loob ng maleta ko. Nangunguna pa naman ay mga paty ko. Agad kong kinuha ang isang panty at basta na lang isinuot kahit may isang lalaki rito sa loob ng elevator ngunit wala akong pakialam. Hindi ko kailangan mahiya. Ngunit biglang sumama ang mukha ko nang tumawag na naman si tita Kris. Marahas tuloy akong napahinga, hindi ko na lang pinansin ang tawag nito. Nang makapaglagay ng panty ay kinuha ko naman ang aking bra. Balak ko na sanang maglagay ng bra. Nang biglang huminto ng elevator. Ngunit mabilis na pinindot ng lalaki ang button. Kaya muling gumalaw ang elevator. “Thanks, Manong!” anas ko. Wala akong narinig na salita sa lalaki. Kaya tuloy-tuloy na akong naglagay ng bra. Mabilis ko ring kinuha ng aking damit. At basta ko na lang inalis ang suot kong bathrobe. Maliksi ang mga kilos ko at dali-daling isinuot ang damit ko. Kinuha ko rin ang dala-dala kong salamin at lipstick. “Manong, pakihawak naman ng salamin---” Sabay abot ko rito ng salamin. Walang salita na kinuha ng lalaki ang salamin at itinapat sa aking mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD