(TEMPARA’S POV) Hanggang sa basta ko lang salubong ng hawak kong katana ang dalawang bampira na ngayon ay nangunguna upang laban ako. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko ang paglapat ng talim ng aking katana sa katawan nila. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na silang bumagsak sa lupa habang umuusok ang katawan nito. . Ako na naman ay tuloy-tuloy na naglambitin sa mga puno. Ngunit mabilis akong tumingala nang makita ko ang isang bampirang itim na mabilis na lumapit sa akin. Agad naman akong umalis sa aking pwesto upang iwasan ang pag-ataki nito sa akin. Ngumisi pa nga ako rito ng nakakaloko kaya ayon, asar na asar ito sa akin. Nagmamadali akong umapak sa isang puno. Hanggang sa mabilis kong inangat ang aking kamay upang salubungin ang pag-ataki ng kalaban ko. Agad kong nasangga ang hawak nit

