(KRICEL’S POV) KITANG-KITA ang pabuga ng dugo ni Tempara mula sa bibig nito. Naghahabol na rin ito ng hininga. Magkakasunod tuloy akong napailing ng ulo at sobrang kaba ko na talaga. Parang hindi ko na kakayanin na muli na naman akong mamatayan mahal sa buhay. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa akin Tempara sa mga kamay ko. “Tempara, bumangon ka riyan! Huwag mo kaming biruin ng ganiyan! Hindi ako natutuwa!” biglang sabi ni Akiro at dali-dali itong lumapit sa amin ni Tempara. Kitang-kita ko rin ang pag-aalala ng lalaki para kay Tempara. Tumingin naman ako sa buong paligid ay nakita ko ang mga puting bampira na ngayon ay patuloy pa rin silang nakikipaglaban sa mga hayop na bampira. “Honey!” Bilis akong lumingon kay Delgado. Dali-dali nitong binuhat si Tempara sa loob ng b

