Nagising akong may humahalik sa aking labi. Agad kong inaalam kung sino ito. At nakita ko si Zerto. Medyo itinulak ko ito at baka kung saan kami mapunta. Umalis na rin ito sa aking ibaba. Ngunit sinabi nito sa akin na maghanda na raw ako dahil dumating na raw ang magkakasal sa amin dito sa White Zet Land. Medyo nagulat ako. Totoo na ba ito? Magpapakasal na kami ni Zetro? Wala na akong magagawa kundi ang pumayag sa kasal. Dati pa naman ay gusto na nitong makasal kami. Saka kung tumangi na naman ako ay tiyak na para na naman itong bata kung magtampo. “Hihintayin kita sa labas, bilisan mo, honey…” Lumapit ito sa aking at mariin akong hinalikan sa aking labi. Bago umalis sa aking harapan at hinaplos pa nito ang aking mukha. “Sinasabi ko sa ‘yo huwag na huwag kang tatakas, Kricel---!” pag

