(TEMPARA’S POV) Nahinto sa pagsasalita ang kasambahay. May sinilip din ito sa ilalim ng aking leeg. Nakita kong kumunot ang noo nito at may pagtataka sa mukha ng babae. “Bakit basa ang leeg mo Tempara? Mainit ba sa kwarto ni Sir Fedelo?” tanong nito sa akin. “Oo. . . Ano. . . hindi kasi niya binuksan ang aircon. Tapos naglinis pa ako sa kwarto niya. Sumuot ako sa ilalim ng kama kaya ang gulo-gulo ng buhok ko. Sige maiwan na kita kailangan kong maligo muna…” Agad akong umalis sa harap ng kasambahay. At dali-dali akong pumasok sa loob ng aking kwarto. Mabilis ko ring ini-lock ang pinto ng kwarto ko. Ngunit agad akong sumandal sa pinto. Mabilis kong hinawakan ang aking dibdib lalo at ang lakas ng kabog nito. Hindi ako makapaniwala na hinalikan ni Sir Fedelo ang aking p********e. Damn it

