Pinanlakihan ko naman ng mga mata si Jus lalo at parang inaasar ako ng lalaki. Ngunit kakamot-kamot lamang ito sa kanyang ulo pero nakikita ko ang palihim na pagngisi nito. Pasaway na lalaki. Magsasalita pa sana ako nang muli ko na namang marinig ang boses ni Delgado na parang hindi nakainom ng gatas ng isang Isa. “Kricel honey! Ano ba? Bakit hindi ka sumasagot, ha! Papatayin ko talaga ang ka-date mong lalaki?!” sigaw na ni Delgado. At talagang pilit itong bumababa ng hagdan at ayaw magpaawat sa mga tagasilbi nito. Kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mukha ng mga tagasilbi lalo na at baka mahulog ang hari nila. Iiling-iling na lamang ako na humakbang para lapitan ang lalaki. Agad kong sinabi sa mga tagasilbi na ako na ang bahala sa hari nilang pasaway. Agad akong lumapit kay Delgado.

