Agad kong sinuot ang aking salamin sa mga mata upang makita ko ang buong palagid na sobrang dilim. Tumingin din ako sa mga pulis na ngayon ay nagmamadali nang umalis sa lugar na ito at ramdam ko ang takot sa mukha nila. Ngunit narinig ko pa ang sigaw ng isang pulis na kausap ko na umuwi na raw ako. Hindi na lamang ako nagsalita. Hanggang sa mabilis akong umangat sa isang malaking puno ng kahoy. Dito ako mag-aabang nang pagdating ng mga halimaw na ‘yun. Titiyakin kong mababawasan sila ng bilang. Mga hahop sila pati mga tao ng Isla Bughaw ay balak nilang patayin wala silang mga puso. Hanggang sa kuhanin ko ang aking samurai at agad na naghanda sa aking paglusob. Titiyakin kong mamamatay silang lahat. Agad ko ring inayos ang suot kong salamin sa mga mata ko. Pinindot ko ang gilid nito l

