MARAHAS akong nagbuntonghininga habang nakatingin sa kalangitan. Malinag na ang kalangitan. Hindi ko alam kung kailan ulit babalik ang madilim sa Isla Bughaw, puwedeng mamaya o bukas. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Hanggang sa napatingin ako sa pinto ng kwarto ko. Nakita ko si Jus. May dala-dala itong maliit na isang banga. “Nakausap si Haring Yuge. Heto ang binigay niyang gamot upang maghilom ka agad ang mga sugat mo sa kamay. Ngunit nagbilin niya na huwag mong palaging gamitin ang iyong kapangyarihan laban sa mga itim na usok na nasa kalangitan ng Isla Bughaw, dahil puwede kang manghina at mamatay. Lalo na’t hindi pa bumabalik ang tunay mong kapangyarihan, kahit na sabihin pang hawak mo rin ang makapangyarihang gintong puso na galing sa pinsan natin na si Reyna Q ay hindi pa

