Magkakasunod kong pinilig ang aking ulo. At talagang gulat na gulat pa rin ako. Pero ‘yun pa rin ang aking nakikita at kamukha ko talaga sila. Hindi na ako nakatiis pa at nilapitan ko sila. Una kong tiningnan ang mukha ng isang babae. At talagang tinitigan ko siya ng husto. Napansin kong may nunal ito sa tungki ng ilong nito. NGUNIT ako ay mawala namang nunal sa ilong ko. Pagdating sa kulay ng balat namin ay maputi ako at ito ay kayumanggi. Hanggang sa lumapit din ang aking mukha sa lalaking kahawig ko rin. May nunal ito sa noo. Pero kamukha ko rin siya. Kayumanggi rin ang kulay niyo. Ang mga kulay ng buhok nila ay itim, hindi katulad ko na kulay puti dahil talagang pinakulayan ko ng puti. Pero kung itim ang buhok namin ay tiyak na halos iisa na lang kami. “Na-stress ako sa inyong dalaw

