(TEMPARA’S POV) MARAHAS ako napahinga ng malalim habang nakadungaw sa bintana na nandito sa aking kwarto. Okay naman dito sa tribo nina Miss. Vina. Ang hindi lang okay ay ang masungit na kakambal nila na si Mr. Fedelo. Kung ano’ng bait nina Ms. Kricel at Ms. Vina ay kabaliktaran ng lalaki. Parang palaging may regla. Kung makipag-usap sa akin ay talagang pasinghal. Nakakaloko ang lalaking ‘yun. Ngunit kay Akiro naman at kay Ms. Vina ay maayos ito kung makipag-usap. Sa akin lang talaga ang hindi at parang naglilihi yata sa akin. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hanggang sa tumingin ako sa kalangitan. Nakita ko ang mga ibon na para bang ang saya-saya nila. “Tempara, tulog ka ba?” Narinig ko ang boses ni Vina na mula sa labas ng pinto ng aking kwarto. Dali-dali akong lumabas. Kitang-kita

