Agad kong kinuha ang aking kutsilyo at basta ko lang sinaksak sa hita ng taong sinakal ako sa aking leeg. Nang lumuwag ang tali sa aking leeg ay mabilis akong humarap dito. At isang saksak pa rin sa leeg nito ang binigay ko. Akala siguro nito at basta na lang niya akong mapapatay. Aba! Hindi ako papayag doon. Hayop siya. Muli akong humarap kay Romos Jad. Hindi ito makatayo dahil sa tama ng bala sa hita nito. Ngunit nakangisi pa ito sa akin. Gago talaga! “Hindi ko alam kung sino ka at galit na galit ka sa akin!” galit na sabi ng lalaki. “Mukang nakalimutan muna ang kaibigan mo na ginago mo noon! At dahil sa ‘yo kaya muntik nang maghiwalay ang mag-asawa!” Sabay sipa ko sa mukha nito na kinadaing nito. Bigla itong napailing. “Akala ko’y ligtas na ako. Hindi pa pala. Mukhang ang papatay sa

