1

1205 Words
Tagaktak na ang pawis ni Kayla nang makarating sa kanilang bahay. hindi na kasi siya nag-abala na sumakay ng tricycle dahil kaya naman niyang lakarin mula terminal sa palengke hanggang sa kanilang bahay. Isa pa ay malaking tulong na rin ang matitipid niyang trenta pesos sa pamasahe, ipandaragdag niya na lamang iyon sa pambili nila ng bigas bukas. Maingat niyang ibinaba sa lamesita ang bag na nakasukbit sa kanyang balikat at naupo sa sofa upang ipahinga ang nanakit na mga paa at saka ipinikit ang mga mata. Hindi akalain ni Kayla na matutuloy sa pagtulog ang dapat sana ay pahinga lamang, nagising na lamang siya sa mahinang tapik ng ama sa kanyang balikat. "Pa." aniya saka umayos ng upo, bigla ay nakaramdam siya ng kaba ng makita ang tipid na ngiti ng ama saka nahihiyang nilayo ang paningin sa kanya. Tila ba may nais itong sabihin. "Bakit po? Kailangan po ba ng pambili ng gamot ni Mama?" tanong niya habang marahang inaabot ang bag na nasa lamesita. "Anak, alam mo naman ang lagay ni Mama mo hindi ba?" alumpihit ito nang tanungin siya. Alam na alam naman niya ang kalagayan ng kanyang ina, hindi biro ang kondisyon nito ngayon kaya nga ganun na lamang ang pagtitipid nila upang makapag-ipon para sa operasyon nito. Kung sa mga loan naman, lahat na yata ng pwede niyang mahiraman ay nahiraman niya na dahil ilang beses nag labas pasok sa ospital ang ina. Kinakabahan siya sa sasabihin ng tatay niya, mukhang mamomoroblema nanaman siya kung saan kukuha ng panggastos nilang mag-anak. Hindi rin kasi sapat ang sinusweldo nito dahil na rin sa dami ng kaltas. "May kailangan ho bang bilhin na gamot uli?" "Anak, nakausap ko ang Doktor ng mama mo kanina." tila nadudurog nanaman ang puso ni Kayla, lalo na at ito ang unang pagkakataon na makita nyang lumuha ang ama. "Kailangan nang maoperahan ang mama mo sa lalong madaling panahon kung hindi baka atakihin na lamang daw siya sa puso." "Sige Pa, ilalapit ko kina Mayor yung lagay ni mama, nakausap ko na yung taga munisipyo--" "Anak,may nag-alok sa akin ng tulong--yung boss ko. Sasagutin niya mula sa pagpapaopera hanggang sa gamutan pagkalabas ng mama mo" anito habang sumisinghot-singhot. Hinawakan pa ng papa niya nang napakahigpit ang magkabila niyang kamay siya naman ay tila nabuhayan ng loob sa narinig. Sa wakas! Sinagot na din ang matagal na nilang dasal! "Oh ayun naman pala papa! Paano ang naging usapan ninyo? Anong terms ng payment ang napagkasunduan? May interest ba? Ilang years to pay? Sana naman wala nang interest, para kahit hulog-hulugan ko na lang monthly, mag side line na lang ako sa pagtutor para maipandagdag sa pambayad. Kailan daw niya tayo mapapahiram, may kailangan daw ba tayong pirmahan?" Lahat yata ng pagod at problema niya ay biglang naglaho nang marinig ang sinabi ng papa niya. Nabuhayan siya ng loob! Iba talaga ang nagagawa ng dasal. "Meron anak. I-Ikaw ang kailangang pumirma...sa Marriage Certificate." mahinang sambit ng kanyang ama, siya naman ay nagtataka sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung dahil ba sa puyat at pagod kaya ganoon ang nasabi ng kanyang ama. "Ha? Ano yun Pa?" tanong niya pa, hindi na kasi makatingin ng diretso ang papa niya sa kanya kaya medyo ninenerbyos na siya. "A-anak, pasensya ka na. Yung boss ko kasi, kapalit ng ibibigay niyang pera para sa operasyon ng mama mo... Eh yung makasal ka sa kanya" "Nagda-drugs ka ba Pa?" aniya saka mabilis na binawi ang mga kamay niya na hawak nito, tumayo siya sa kinauupuan ang namaywang. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang papa. Siya? Magpapakasal sa Boss nito? Kapalit ng pera? Binenta siya ng sarili niyang ama?! Sumasakit ang ulo niya! "Anak, pasensya ka na, hindi ko naman akalain na ikaw ang hihinging kapalit ng boss ko. Promise hindi naman ako agad pumayag" "So nagpakipot ka muna sa lagay na yan Pa? May pa-promise promise ka pang nalalaman, binenta mo ako! Sana man lang kumunsulta ka muna sa akin! Hindi yung nagdesisyon ka agad! Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal Pa!" naiiyak niyang sigaw sa ama. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na magagawa nito ang bagay na iyon sa kanya, para siyang binugaw nito. "Pasensya ka na anak-" "Hindi ko tatanggapin yang pasensya na yan Pa! Ang kailangan mong gawin, bumalik ka sa sino mang poncio pilato mong Boss at bawiin mo yung desisyon mo! Para lang sa pera, ipagpapalit mo ang kalayaan at kaligayahan ko?! Sinabi ko naman, Pa, gagawan ko ng paraan ang mapaopera si Mama, kung anu-ano na nga ang pinasok kong raket diba? Kulang pa ba?!" "Kulang pa Kayla... Kulang na kulang pa. Dahil kung sapat na iyong mga ginawa mo, matagal nang naoperahan ang Mama mo." "So kasalanan ko? Kasalanan ko ba na ganito ang buhay natin? Isang kahig isang tuka? Pa! Kung ipinagpatuloy mo ang pag-aaral mo noon, sana maganda ang buhay mo ngayon, natin! Hindi mo ba narealize yun? Hindi mo naisip yun? Mula elementary hanggang kolehiyo rumaraket ako?! Na kahit hirap na hirap akong imanage ang pag-aaral at pagtatrabaho, kinakaya ko! Kasi may pangarap ako! Hindi ako katulad mo na kuntento na lang sa buhay na ganito! Tapos ako pa ang nagkulang? Ako pa talaga?! " umiiyak niyang sumbat sa ama, alam niyang mali, ngunit nasaktan siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Akala niya, sapat na ang mga pagpupuyat niya gabi-gabi para lamang makapag-online selling, sa hapon pagkatapos ng klase ay didiretso siya sa isa niyang estudyante para magtutor. Kapag sabado at linggo naman ay nagluluto siya ng mga merienda at ilalako iyon sa mga kapitbahay. Teacher siya pero kung ano-ano ang pinasok niyang trabaho para masustentuhan ang gamutan at pagpapa ospital sa mama niya. "Ikaw lang naman kasi ang nandito, malayo ang mga kuya mo--" "Yun na nga Pa! Ako lang ang nandito sa mga anak mo! Ako lahat sumasalo ng problema! Kargo ko lahat! Bakit hindi mo hingan ng tulong sina Kuya?! Alam mo naman na malaki ang kinikita nila kesa sa akin bakit hindi mo sila hingan ng tulong?!" "May pamilya na ang mga Kuya mo Kayla, hindi na nila responsibilidad--" "Nanay pa rin nila nag pinag-uusapan dito Pa! Mama namin! May iba pa kayong anak! Huwag mo namang ibigay lang sa akin lahat ng bigat Pa! Pagod na pagod na ako!" napaupo siya habang sapo ang kanyang basang mukha, halos wala nang tigil ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Pati ang kalayaan ko sa pagpili ng mapapangasawa ipinagkait mo!" sigaw niya pa. "Wala na tayong magagawa anak, itutuloy mo ang pagpapakasal kay Sir Matthew, sa makalawa ay idedeposito niya na ang pera para maoperahan na ang mama mo---" natigil ito sa pagsasalita ng marinig na tumunog ang kanyang telepono, siya naman ay nagmamadaling kinuha iyon dahil baka galing sa ospital ang tawag at may kailangang bilhing gamot para sa mama niya. "Hello" aniya sa kabilang linya, ang mga sumunod na sinabi ng kausap niya ay hindi na halos rumehistro sa isip niya. Ang tanging naintindihan niya lamang ay kasalukuyang nirerevive ang kanyang ina. Tila ba isa siyang kandila na unti-unting natutunaw. Naubos bigla ang natitirang lakas na mayroon siya. Nang matauhan ay nagmamadali siyang tumayo at hinagilap ang kanyang bag upang puntahan ang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD