2

1189 Words
Apat na buwan ang mabilis na lumipas, ni sa panaginip ay hindi inakala ni Kalyla na maikakasal siya sa taong hindi naman niya lubos na kakilala. Ang tigas ng pagtanggi niya noong una sa nais ng kanyang ama, ngunit matapos maisalba ang kanyang ina ng mga doktor ay walang pagdadalawang isip na umayon na siya sa pakikipag-isang dibdib kay Matthew. Hinintay lamang na maging stable ang kalagayan ng kanyang mama bago ito inoperahan pagkatapos ay sinimulan na ang pag-aayos ng kanilang kasal. Hindi naman siya nag-abala na tumulong pa, mayaman naman ang kanyang mapapangasawa. Inabala na lamang niya ang sarili sa pag-aalaga sa kanyang ina na walang kaalam-alam sa mga naging kasunduan nila ng kanyang ama at ni Matthew. Nagulat nga ito nang isang araw ay biglang sumulpot ang lalaki sa ospital, may dalang bulaklak at mga prutas at ganoon na lamang ang panggilalas niya nang magpakilala ang lalaki bilang kanyang nobyo. Nung mga oras na iyon ay nais niyang busalan ang bibig ni Matthew, ni hindi ito nagsabi na dadalaw ito para man lang mapag-usapan nila kung ano ang mga dapat at hindi dapat malaman ng kanyang mama. Kabang kaba siya habang walang tigil ang bibig nito kakadaldal at nang banggitin nito ang nalalapit nilang kasal ngunit nang maglaon ay napayapa ang kanyang kalooban dahil nagkukuwentuhan na lamang ang dalawa tungkol sa mga ibinilin ng doktor sa kanyang ina. Nangako pa si Matthew na ipapagamit nito ang isa sa kanyang mga sasakyan kapag naisapinal na ang araw ng uwi ng kanyang ina. Hindi na siya tumanggi, hinayaan na lamang niya ang lalaki sa mga trip nito sa buhay. "Are you ready?" naputol ang pagbabalik tanaw ni Kayla nang marinig ang boses ng kabiyak. "Malapit na, mauna ka na sa baba" aniya habang itinuloy ang pagsusuklay sa kanyang mahabang buhok. Araw ng linggo at nakatakda silang dumalaw sa bahay ng kanyang mga magulang, Naging kaugalian na nilang mag-asawa iyon. Hiniling niya kasi kay Matthew na kung maaari ay manatili siya sa bahay ng mga magulang sa tuwing linggo. Pumayag naman ito, yun nga lamang ay boluntaryo itong sumama sa kanya. Hindi naman niya matanggihan dahil baka hanapin din ito ng ina. Napansin niya kasing magiliw ang kanyang mama kay Matthew, ganoon din naman ang asawa niya. Marahil ay dahil maaga itong naulila sa ina at nahanap nito ang init ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang mama. Sa ilang buwan pa lamang nila bilang mag-asawa ay wala naman siyang maipipintas sa lalaki. Mabait naman at maasikaso, pagdating mula sa opisina ay ang unang itatanong sa kanya kung kumusta ang araw niya sa trabaho at ang kanyang mga estudyante. Hindi siya nito ikinulong lang sa apat na sulok ng bahay nito. Akala niya noong una ay patitigilin siya nito sa pagtuturo. Iyon kasi ang kanyang ikinababahala kaya tinanong niya agad ito. Nakahinga lang siya ng maluwag nang sabihin nitong maari siyang magtrabaho kung doon siya masaya. "Kaye, let's go, male late na tayo sa misa"muling tawag sa kanya ni Matthew kaya naman itinali na niya ng maayos ang buhok saka nagmamadaling bumaba, naabutan niya ito sa tabi ng sasakyan sa passenger's seat, nang makita siya nito ay mabilis nitong binuksan ang pinto at inalalayan siyang makasakay, ginawa pa nitong pananggalang ang malapad nitong palad upang hindi siya aksidenteng mauntog. Matapos niyang makaupo ay umikot na ito papunta sa driver's seat. Minsan naiisip ni Kayla kung bakit kinailangan ni Matthew na umabot pa sa punto na bilhin siya nito sa kanyang ama para lamang makapag-pakasal ito. Sa kuwento ng kanilang mga kasambahay ay tila siya nanliliit dahil kilalang mga modelo at business woman ang mga naging karelasyon nito, bakit siya ang napili nitong pakasalan? Eh walang wala siyang panama sa mga babae nito dati. Malapit na tuloy siyang makumbinsi na isa itong binabae. "What are you planning to cook for lunch?" basag nito sa katahimikan, kasalukuyan na silang nasa biyahe upang sunduin ang mga magulang pagkatapos ay magsisimba sila ng sabay-sabay. "Paksiw na galunggong" aniya habang nakatanaw sa daan. "Can you add adobong kangkong?" tila ba ito nahihiya pa ng sabihin iyon. "Kaka-adobong kangkong lang natin two weeks ago ah" "Well, I'm craving for adobong kangkong, masarap pala yun. Hindi kasi nagluluto sina Mang Irma nun. " "Eh di ikaw na rich" aniya habang natatawa. Hindi naman mahirap pakisamahan ang lalaki, sa totoo ay itinuturing niya na itong kaibigan. Kaibigan lang, dahil wala siya ni katiting na nararamdamang atraksyon para dito. "Idadagdag mo na sa menu today?" nakangiti nitong tanong. "Oo, pasalamat ka pakalat-kalat lang ang kangkong sa bahay" napuno nang tawanan nilang dalaa ang sasakyan. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay ng kanyang mga magulang, sinundo lang nila ang mga ito at agad na silang dumiretso sa simbahan upang umattend ng misa. Hindi pa rin siya sanay sa mga matang nakatingin sa kanila. Kahit yata ang mga tsismosa sa kanilang lugar ay hindi makapaniwala na makakapag asawa siya dahil kilala siya ng mga tao doon na masungit at suplada. Talaga namang naging mainit na topic ng tsismisan ang balita ng pagpapakasal niya. "Don't mind them" marahan siyang siniko ni Matthew at bumulong sa kanya. Ang lakas din ng pakiramdam ng lalaki, o sadyang mapagmatyag ito sa mga pangyayari sa paligid. Matapos ang misa ay dumaan muna sila saglit sa palengke, hindi na niya pinababa ng sasakyan ang mga magulang at si Matthew, mas mabilis kasi kung siya lang ang mamimili, dahil nung minsang sumama sa kanya ang asawa ay katakot- takot na tanong ang inabot ng mga tindera sa lalaki. Pagdating nila sa bahay ay pinagpahinga na lamang niya muna ang mga magulang, siya naman ay nagsimula nang maghanda ng kayang mga lulutuin habang si Matthew ay nagwawalis sa may sala. Hindi na niya ito pinigilan, hinayaan na lamang niya ito para hindi mainip. Patapos na siya sa pagluluto nang may marinig siyang tricycle na tumigil sa harap ng kanilang bahay, hindi nagtagal ay ang malakas na boses ng kanyang mga pamangkin ang umalingawngaw sa paligod, kasunod niyon ay ang boses ng kuya niya at ng asawa nito. Nakalabas na siya ng kusina nang makita niya ang mga magulang na papalabas sa kanilang silid, habang si Matthew naman ay tahimik lamang na nakatanaw sa mga bagong dating. Kilala naman nito ang Kuya Johnny niya, tiyak niyang tumatak ito sa isip ni Matthew dahil kung anu-ano ang hinihingi nito nung kasal nila. "Kuya! Anong ginagawa nyo dito?" "Bunso!!! Tulungan mo muna kami dito magbuhat ng mga bagahe!" utos nito sa kanya, hahakbang pa lamang siya nang biglang kumilos si Matthew at tinulungan ang kanyang hipag sa malaking bag na bitbit nito. Gulong-gulo siya, hindi niya alam kung anong nangyari at biglang umuwi ang Kuya niya. Kasama pa nito ang buong pamilya. Ilang sandali pa ay maingay na sa kanilang sala, ang sahig na winalis ni Matthew kani-kanina lamang ay nagsisimula nang dumumi. Lumapit si Matthew sa kanya nang mapansin siya nitong hindi umaalis sa isang sulok, marahan siya nitong hinawakan sa kamay. "Hindi ko gusto ang presensya ni Kuya dito. Natitiyak akong may kailangan yan kaya umuwi dito" nagngangalit ang mga ipin niya ng sambitin iyon sa asawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD