CHAPTER 9

2691 Words
ROUGH Nakangiting hinawakan niya ang kamay ni Olivia. Ngayong araw na ito ay lumabas sila ni Olivia para ipasyal ito sa kung saan nito gustong pasyalan. Gusto niyang maging masaya ito. Nandito sila sa Manila Ocean Park dahil ito ang gusto nitong puntahan. Habang nilibot niya si Olivia ay tahimik lang ito sa tabi niya. Hawak-hawak niya ito sa kamay, pero kahit ni isang salita ay wala man lang siyang narinig mula rito. Lumuhod siya sa harapan nito, at tinitigan niya ito sa mga mata. Napabuntong-hininga siya nang makita ang kalungkutan sa mga mata nito. Naapektuhan siya sa pinapakita nito sa kanya para bang pinaramdam nito na ayaw nito sa kanya. Mas lalo siyang nakaramdam ng galit kay Olivine. Kung hindi sana nito ginawa ang tumakas ay baka hindi sana siya umabot sa sitwasyon ngayon. Ramdam niya na ayaw sa kanya ni Olivia. Oo, inaamin niya na may kasalanan din siya sa nangyayari, pero dapat ba niyang pagdurusahan lahat, at tanggapin ang sakit na halos pitong taon na ang lumipas? Kailan pa ba niyang pagdusahan ang lahat bago makamit ang kinakamit niyang masayang makasama ang kanyang anak? He's tired of everything, including being alone, but he made an effort not to involve himself in anything that would end up taking his life. Now that the time has arrived, he has the opportunity to fix his own mistake. To resolve every issue he has, which will put him at peace. He was aware that it would never be simple, but he was determined to make his daughter accept him as a father no matter what. “Do you know where your mom lives, Olivia?” Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito, at tumango. "Opo, pupunta po ba tayo roon? " Pumapalakpak, at tumatalon ito. He gave her a smile. She was unable to hide her excitement. Despite how adorable his baby is, he couldn't have predicted that they would both survive, and he is grateful for that, but his hatred towards Olivine remains. "Yeah, baby, your mom and I need to talk about something." Inosenteng nakatitig lang ito sa kanya, at tumango. Hinawakan nito ang kamay niya, at hinila siya para umalis na. "What are you waiting for? Gusto ko na makita si Mama." Napailing siya, at natawa sa ginawa nito. Hinayaan na lang niyang nagpahila siya rito patungo sa kotse. Masarap makitang masaya ito kahit hindi siya ang rason, kung bakit ganito ito kasaya nang malaman nito ang ina nito. Nakakawala ng pagod kapag nakikita niyang masaya ito. "Where's your mom's place, baby?" Sinabi nito ang lugar kung saan nakatira ang ina nito. Pinapasok niya sa sasakyan si Olivia, at kinabitan ng seatbelt ito. Pagkatapos ay umikot siya sa kabila upang buksan ang driver seat, at pumasok na. Sinimulan na niyang paandarin ang kotse habang naghihintay ng ilang minuto ay napatitig siya sa anak na nakatitig na pala sa kanya. Kunot ang noo nito, at napahawak pa sa baba. Gusto niyang matawa sa itsura ng anak, pero pinigilan niya ang kanyang sarili. He is just like her when he is deep in thoughts or wondering about something he is curious about. "What are you thinking?" "What made you leave us?" Natigilan siya, at nanlaki ang mga mata sa biglang tanong nito. "Hindi ko kayo iniwan." "Kung hindi po, bakit hindi mo kami hinanap, Papa?" Natameme siya sa tanong ni Olivia. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin o tamang sagot sa tanong ng kanyang anak. Ang hirap sagutin ang tanong nito. Kung ang sagot sa tanong nito ay mas lalong lumayo ang loob nito sa kanya. Alam niyang mali, pero kailangan niya munang ilihim baka sa kaunting tiyansa ay biglang nawala. He wasn't attempting to cover up the truth or hide the real reason he couldn't find them. Nonetheless, he continues to speak what he is thinking. "Your mother had an affair, and I thought you were both dead." Kumirot ang puso niya nang makita niya ang sakit sa mga mata nito. "B-bakit mo nasabi na nanloko si Mama? Nakita mo ba ang ebidensiya?" "Yes, anak," matigas niyang pagkakasabi rito, at napahigpit ang hawak niya sa manibela. "She's already married to Cole Gregory." Ang kaninang sakit na nakita niya sa mga mata nito ay puno na ng pagtataka ngayon. "K-kasal si Mama? Bakit hindi ko alam na kasal na po pala ang mama ko?" "Hindi mo alam? " "Hindi naman kasal si Mama." Napapreno siya nang malakas sa pagkakasabi nito kaya muntik ng tumilapon ito kung hindi ito kinabitan ng seatbelt. He was shocked by what he was hearing right now. “What exactly did you say?” "Hindi naman kasal si Mama.” His heart was beating so quickly that he was too astonished and confused to even speak. Hindi siya pwedeng magkamali. Sa mismong harapan niya, narinig at nakita niya ang ebidensiya na kasal na ang dalaga. May imbitasyon pa ngang dumating sa bahay niya, at mga ilang araw lang na nakalipas ay may nagpadala na naman sa kanya ng mga dokumento na nagpapatunay na kasal na talaga si Olivine kay Cole. Para makasigurado siya ay inutusan niya ang kanyang tauhan para alamin ang totoo sa kapitolyo kung totoo ba na kasal na ang dalaga. Doon na nga niya nalaman na totoo ang kasal nito. Hindi pa siya kumbinsido sa lahat nang nalaman niya. He tried to figure out her tricks and the reason why she deceived him. He was attempting to resolve their issues, but she was unable to hold off on doing something that would really hurt him. Hindi siya naniniwala no’n. Nagpapakatangahan lang siya. Nagbubulagan sa mga issue na alam niyang wala ng makakaayos noon. Kumapit siya sa kaunting pag-asa, at sa anak niya na maayos ang lahat, pero sumusobra na si Olivine. Tinangay nito ang kanyang anak kaya isa rin sa rason kung bakit gano’n ang galit niya, at ganoon nga ang nangyari. He deeply sighed. Kahit na anong gawin niya ay hindi na maibabalik ang nakaraan. He couldn't forget what happened a few years ago, but time heals all wounds. "Saan banda ang bahay ni Mama mo?" Hindi na muna niya iisipin, kung ano ang narinig niya sa anak basta gusto na niyang malaman ang totoo. Sinunod niya, kung saan ang tinuro nito, at binilisan niya ang pagmamaneho. Hindi na siya makapaghintay na makompirma niya ang lahat. A few minutes later, dumating na rin sila sa harapan ng bahay ni Olivine. Maraming katanungan sa kanyang isipan, at mabigat na pakiramdam habang habang pumasok siya sa munting bahay ng dalaga. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong lugar. Katamtamang laki ang bahay na tinuluyan ng kanyang mag-ina. Kahit na may katandaan ang pamamahay ni Olivine ay nanatili ang kasiglahan, at tingkad na kagandahan ang pamamahay nito. Kumunot ang noo niya na wala man lang silang nadatnan sa sala, kusina, at sa ibang sulok ng bahay. "Olivia, saan ba pumunta ang mama mo kapag ganitong oras? " takang aniya. Ilang segundong paghihintay niya sa sagot ng anak ay wala man lang natanggap na tugon mula rito. Bigla siyang napatingin kay Olivia na ngayon ay pumasok sa isang silid. Naglakad siya patungo roon baka nandoon si Olivine. Sinundan niya si Olivia. Narinig niya ang pagtawag nito sa ina. "Mama, Olivia is here!" Pagkarinig niyang bumukas ang kabilang pintuan ay bumungad sa kanyang harapan ang nakahubad na si Olivine. Naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan. Wala siyang masabi rito dahil sa gulat, at pagkamangha sa nakikita niya. He couldn't believe how surprised he was when he saw her body. Mas lalong nadepina ang hubog ng dibdib, beywang, at hita nito. — OLIVINE Nagmamadaling binuksan ni Olivine ang pintuan nang marinig niya ang boses ni Olivia. Hindi na nga niya naisip na wala pala siyang suot na damit. Nasa sampayan pa ang tuwalyang ginamit niya kanina. Wala namang problema kung wala siyang damit kasi wala naman siyang ibang kasama rito sa bahay. Pagpasok niya sa laundry room para kukunin na sana niya ang damit ay bumungad sa kanya ang anak na napailing na lang na napatitig sa kanya. Bumaling ang atensiyon niya sa lalaking nasa likuran ni Olivia. She rolled her eyes at him. Kulang na lang tumulo na ang laway nito sa kakatitig sa katawan niya. Hindi pa ba ito sanay sa katawan niya na nakahubad? Not literally na wala talaga siyang panloob. She's still wearing her underwear. Para bang ngayon lang nito nakita kung magulat ay wagas. Naglakad siya papalapit sa kinatatayuan nito para kunin ang tuwalyang nakasabit sa dingding. She hissed when she heard him gasp. "Ma... " Napalingon siya sa anak ng tinawag siya nito. "Hindi ka pa rin nagbabago, Mama. You still not aware that we have a visitor here." Ngumisi siya rito na ikinasimangot ng anak. "You didn't call me. So, it means I'm not prepared." Walang paligoy-ligoy na tinulak niya ang binata para makadaan siya. Ngnuit, ramdam niya pa rin ang titig nito na tagos sa buto niya. Nang makitang nahimasmasan ito ay bumalik naman ang malamig nitong tingin sa kanya. Wala pa ring pinagbago. Hindi pa rin nahuhupa ang galit nito sa kanya. She truly doesn't want to explain. What's the point if he doesn't believe her? She had given her entire life to him, but he began to question her about a choice she had made. Even though she didn't do anything wrong, Rough believed she had cheated on him. She has known Cole Gregory since she was an orphan. She is alone because her mother doesn't know where she is and her father passed away a long time ago. Despite the fact that she has no family to support her, she is still striving for herself. She cleared her throat before confronting him. "Why are you here? I thought you'd had enough?" " I came here to find out the truth." Pumeywang siya, at napataas ang kaliwang kilay niya sa tono ng pananalita nito. Imbes na sumagot sa tanong ng binata ay binuksan niya ang pintuan, at tumungo sa sala para doon sila masinsinang mag-usap dalawa. Tahimik na sumunod ito sa kanya. "Maupo ka muna. Hindi naman pwedeng doon tayo mag-uusap sa may labahan." Iminuwestra niyang umupo ito sa harapan niya, at siya naman ay prenteng nakaupo na sa upuan. Tinititigan niya ito. She was trying to figure it out, kung ano na naman ang dapat nitong malaman. Kahit naman na magsabi siya ng totoo ay hindi naman ito maniniwala sa kanya. "So, what do you want to know?" "Is it true that you are not married to that guy? " Kumunot ang noo niya. Iyan lang ba ang tanong nito? Tanungin lang siya nito na kasal na ba siya? "Do I really need to answer that? Matagal mo ng alam iyan. Sabi mo nga kasal na ako, 'di ba? Bakit mo pa gustong malaman ang sagot, kung ayaw mo namang maniwala?" Napansin niyang napaigting ang panga nito, at kumuyom ang kamao nito. "Tinanong kita nang maayos, Olivine. Don't give me a sarcastic answer." Sumandal siya sa upuan, at nginisihan ito. Ito pa talaga ang may lakas na magalit sa kanya. Siya pa nga dapat mainis dito kung makaasta ay parang welcome naman ito sa bahay niya. "As far as I know, wala naman akong dapat pang ipaliwanag sa'yo dahil hindi ko naman obligasyon sagutin ang katanungan mo. Pwede ba umalis ka na? Nakakaabala ka na ng tao." Napalingon siya sa anak na nakatayo lang sa likuran niya. Sinenyasan niya itong pumasok muna sa kwarto nito na agad naman itong sumunod. Nang makitang wala na si Olivia ay agad niyang tiningnan si Rough na seryoso siyang tiningnan. Naiilang siya sa klase ng titig nito na parang nakakatunaw. "How come you cheated on me, Olivine?" "I've never cheated on you." “Why do you deny it? We were both aware that you had an affair with Cole." Pagod na siya sa paratang nito. Hindi ba ito napapagod? "Rough, simula pa lang hindi kita niloko. Minahal kita ng lubos na higit pa sa pagmamahal ko sa sarili. Paano ako gagawa ng bagay na makakapanakit sa—" Nagitla siya nang bigla nitong tinumba ang lamesa. "That's bullshit! Do you really think na maniniwala ako diyan? Does it make any sense? May ebidensiya, Vine. ,You're having an affair with that f*****g man. Ang masaklap pa, nalaman ko na lang na kasal na pala kayo! We were planning to get married, Vine, but you messed up everything. Minahal kita ng sobra, pero binabalewala mo lang ang lahat. Hindi ko alam, kung ano pa ba ang gusto mo. Hindi ko alam, kung saan ako nagkulang sa relasyon natin. Baka naghanap ka pa ng iba dahil gusto mong tumikim ng ibang lalaki. You are such a whore." Nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Masakit isipin na ganito pala ang tingin nito sa kanya. Of all people, ito pang lalaking lubos niyang minahal, at pinagkakatiwalaan ay madumi pala siya sa paningin nito. Ganito na pala siya kadali husgahan. Masakit marinig ang mga salitang hindi naman niya ginawa. Mismong ama ng anak niya ay ang tingin madumi pala siyang babae. "Lumabas ka," mahinang saad niya. Pinipigilan niyang umiyak sa harapan nito dahil ayaw niyang makita ang kahinaan niya. Ayaw niyang makita nitong iiyak siya. Wala man lang pakialam ito, kung masasaktan siya. "What?" "Sabi ko, lumabas ka," ulit niyang sabi. Hindi ito nakinig sa sinabi niya bagkus ay nakakunot lang ang noo nito. "Mag-uusap pa tayo. Bakit mo 'ko papalabasin?" Napakuyom ang kamao niya para roon ibaling ang sakit, at galit niya sa lalaking kaharap. "Ilang ulit ko bang iparinig sa'yo na lumabas ka? " Napapikit ito. Halatang nagtitimpi na ito sa kanya. Kahit siya ay gusto niyang sigawan ang lalaki. Sa lahat ng pagsasama nila noon ay binabalewala lang nito. Para bang wala silang pinagsamahan. Nang dahil lang sa issue ay hindi naman niya alam kung saan nito nakalap. Simula noon, kahit na wala siyang ginawa na katulad ng panlalaki ay pinipilit pa rin nitong nangaliwa siya. Sinisisi ang lahat ng mga bagay na hindi naman niya ginawa. Sinayang lang ng issue ang pagsasamahan nila dahil sa maling akala. Hindi man lang nito inalam kung ano ang katotohanan. Mas naniniwala ito sa kwentong walang kabuluhan. She was only trying to keep her baby safe. She doesn't want Olivia to be in danger. That's why she asked someone to help her. Alam niyang may pagkakamali siyang nagawa na hindi niya sinabi sa lalaki ang tungkol sa death threats na natanggap niya, pero mas uunahin niya ang kapakanan ng kanyang anak bago ang ibang tao. She left him hanging that's why he was furious. Kulang na lang kainin siyang buhay. Anong magagawa niya kung nakaraan na iyon? Hindi na niya maibabalik ang nakaraan. "Alam mo…" Padarag na tumayo ito, "sa simpleng tanong, hindi mo kayang sagutin. " "Hindi ako kasal, at wala akong balak magpakasal." His eyes get dim. That indicates that he is furious and has shut his eyes out of annoyance. A moment of silence surrounds us, interrupted only by the voice of their daughter. "I'm at a loss for words at the moment. I'm completely confused." He walked away without saying goodbye. "Mama... " Napatingin siya sa likuran niya. Nakita niya ang anak na malungkot na nakatingin sa kanya. "Are you okay? '' Napabuntong-hininga siya sa tanong nito, at umiling. Lumapit ito sa kanya, at niyakap siya ng sobrang higpit. "Huwag ka ng malungkot, Mama. Nandito lang naman ako para sa'yo. Mahal na mahal kita, Mama." Yumakap siya rito, at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "Mahal na mahal din kita, Olivia." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya, at tumingala sa kanya. "Mama, nasabi mo na ba kay Papa ang tungkol sa taong gustong pumatay sa atin?" Umiling siya rito. "Anak, doon ka muna kay Papa. Alam ko kapag nasa puder ka ng ama mo ay hindi ka sasaktan ng taong gustong mapahamak ka." Naramdaman niyang napataas-baba ang balikat nito, at paghikbi. "Mama, n-nasasaktan po ako. Nasasaktan ako dahil sa sitwasyon natin." Napapikit siya sa sobrang sakit nang makitang nahihirapan, at nasasaktan si Olivia. Pati rin siya ay nahihirapan na rin, pero patuloy pa rin siyang lumalaban. "Sorry, Olivia." —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD