OLIVINE
Humarap na siya sa anak niya, at nakita niyang nakatulog na ito sa higaan. Kaya kinuha niya ang pagkain, at inilapag sa bedside table ang tray. Umupo agad siya sa gilid ng kama at pinagmasdan niya itong mabuti. Hindi niya alam kung kailan niya makikita si Olivia. Hindi niya alam kung paano niya ipaliwanag dito kung bakit niya ito ibibigay sa ama nito. Si Rough na ang bahala sa kaligtasan ni Olivia dahil alam niyang hindi nito pababayaan ang anak nila. Nasisiguro na siyang nasa mabuting kalagayan si Olivia. Wala ng takot, at pangamba dahil alam niyang poprotektahan ni Rough ang anak nila. Nakikita niya iyon. Rough is the man who will go to any length to ensure the safety of his loved one.
Isang halik na buong pagmamahal, at pagpapaalam ang ginawaran niya sa ulo ng anak. Napagdesisyonan niyang umalis na dahil may naghihintay na sa labas ng bahay ng lalaki. Bawat hakban niya ay sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil mapapalayo na siya kay Olivia. Wala na siyang magagawa kundi ibigay ang kung ano ang nararapat dito.
If this is the only way to keep her safe, she will do it even if she is dying inside.
Pagkalabas niya sa bahay ng lalaki ay agad niyang nakita sa tapat ng bahay nito ang isang itim na sasakyan, at may lalaking nakatayo sa gilid niyon. Pinagbuksan agad siya nito ng pintuan, at iminuwestra na pumasok na siya. Isang sulyap muna sa bahay ni Rough bago siya pumasok sa kotse.
Nakakatawang isipin na ganito pa talaga sila nagkita ng lalaki. Hindi niya maisip na ganoon talaga kalaki ang galit nito sa kanya. Humantong sa muntik na siyang malagutan ng hininga. He's completely different now. He's not the same person she knew before. Magbabago talaga ang mga taong nasaktan niya ng husto. Paano kung manatili siya sa buhay ng lalaki? Magiging masaya ba sila? She doesn't know dahil hindi naman niya hawak ang tadhana nilang dalawa.
— —
Kagagaling lang ng dalaga sa event, at siya ang kinuha na singer. Buti na lang maraming offer na dumating sa kanya ngayon para malibang ang sarili, at hindi maalala ang anak niya. Pagod ang katawan na dumating siya sa bahay. Parang matatablan siya ngayon ng trangkaso dahil ilang araw na siyang walang pahinga dahil subsob sa trabahong tinatanggap niya ngayon. Wala naman siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya. Ayaw na niyang makaabala sa ibang tao kaya pinili niyang kakayanin niya ang lahat. Hindi naman pwedeng palagi na lang siyang aasa kay Gregory dahil may pamilya na itong dapat pagtuunan.
Pagkapasok niya sa bahay ay nagulantang siya nang makita ang taong pinagtataguan niya. Prenteng nakaupo ito sa upuan at nakadipa pa ang mga braso nito. Nakangising demonyo ang Don ang bumungad sa kanya. Walang iba kundi si Don Israel Drobele, ang ama ni Rough. Napatiimbagang siya, at napakuyom ang kamao.
"Hindi ka pa rin nadadala, Olivine." Malademonyong ngumisi ito sa kanya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil alam niyang dehado siya ngayon. Walang nakabantay sa kanya dahil ang alam ni Gregory ay nasa poder siya ni Rough dahil doon ligtas siya. Paano siya magiging ligtas kung konektado pa rin siya sa binata at ang nasa harapan niya ngayon ay ang ama nito? Napatingin siya sa kabilang panig ng bahay, kung saan may red button doon. Nakakonektado ang red button na iyon sa organisasyon ni Gregory. Kapag may hindi magandang mangyayari sa kanya ay malalaman ng organisasyon ang mangyayari sa kanya.
“Lord please help me!” lihim niyang dasal.
Akmang hahakbang na sana siya para pumunta roon ay hinawakan na siya sa magkabilang braso ng dalawang alalay nito. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak ng mga ito sa kanya, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya.
"Ano ba! Bitiwan ninyo nga ako! A—ano ba!"
Napaluhod siya sa harapan ng Don ng sapilitan siya ng mga itong pinaluhod. Napakuyom ang kamao niya, at pataas -baba ang balikat niya dahil sa sobrang galit niya. Minsan sa buhay niya ay hindi niya naisip na ganito talaga ang kinahihinatnan niya sa buhay ng ibang tao. Wala siyang ibang mapanghahawakan kundi sarili lang niya, ang kanyang anak, at ang Diyos. Nanlilisik ang mga matang tinititigan niya ito.
He chuckled sarcastically as she swore to punch his face. Such a devil!
“You truly wanted to be at the top of the list for those I need to kill.”
Tumaas ang gilid ng labi niya nang marinig niya iyon. "Why? You wanted to kill me because you couldn't get anything from the inheritance?"
Napahalakhak ito. Para itong nasisiyahan sa narinig mula sa kanya.
"Actually, no. Iyan talaga ang inaakala mo?" He shook his head in dismay. "Nagbago na pala ang iniisip ko. Bakit ko nga ba pag-aaksayahan ang isang tao, kung wala na siyang kwenta sa paningin ng anak ko?" Tumayo na ito mula sa pagkakaprente ng pag-kaupo sa sofa niya. Akmang aalis na sana ito nang bigla itong humarap sa kanya. "I shall not squander my time chasing the inheritance. Siya ang papalapitin ko sa akin."
Bigla siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito. Ano ang ibig nitong sabihin?
— —
ROUGH
Nakatulala lang si Rough na nakatitig sa papel na hawak niya. Hindi niya alam kung bakit parang may kulang. Kulang na ang hirap maintindihan. Hindi niya alam kung ano iyon.
He shook his head foolishly. "Why would I consider something silly if it doesn't help at all?"
Narinig na lang niyang bumukas-sara ang pintuan sa opisina niya hudyat na nakaalis na ang dalaga. Agad niyang tinawagan ang abogado para asikasuhin na ang kustodiya niya para sa bata. Gusto na niyang mapasakanya ang karapatan sa kanyang anak. Lumakad siya papalapit sa kanyang lamesa, at doon na lang gagawin ang kung ano ang unang dapat niyang aasikasuhin. Kinuha niya ang nakalapag na nakaumbok na dokumento sa mesa, at saka iniisa-isang binasa. Seryoso siya sa pagbabasa ng mga dokumento na hawak niya. Napatigilid ang ulo niya, at napakunot ang noo niya nang makita ang isang papeles na natanggap niya noong isang araw tungkol sa dalaga. Napatiimbagang siya, at napailing. Why would he consider something if it isn't even worthwhile? Why would he spend time on someone who is unworthy of his love?
Napatukod ang kanyang siko sa mesa, at napasapo sa kanyang ulo. Nakayuko siya dahil gulong-gulo siya sa sitwasyon. Gumugulo sa kanyang isipan ang sinabi sa kanyang kaibigan na si Trail Gustavos. Bumabagabag pa rin sa kanya ang mga sinasabi nito tungkol sa pangyayari na dapat niyang malaman. Napatigil siya. 8 years ago—may natanggap siyang isang red folder na kung saan puro lahat ng mga litrato ni Olivine na may kasamang ibang lalaki, at walang iba kundi si Cole Gregory. Pagkalabas pa lang niya sa gate ng bahay ay umagang-umaga pa lang ay bumungad na sa kanya ang mga pagtataksil ng nobya niya. She really is a brilliant woman who can make him look foolish. He found it hard to accept she was having an affair. Why him, of all those men? Why she chose Cole instead of him? Is it because he's bad in bed that she tried someone else to f-ck and wasn't happy with him? Higit sa lahat, ginamit pa talaga ang kanyang pangalan para lang mahuthutan siya? Inubos lahat ng dalaga ang lahat ng pera niya sa isang account niya sa banko. She has access to all of his accounts because he trusted her. He gave her complete trust, but she abused it. She wasted all of his respect, love, and trust for her. She ruined everything, including his life, for good. Ilang minuto ng nakatulala pa rin ang binata sa mesa ay hindi pa rin matapos-tapos ang trabaho niya dahil may gumugulo sa isip niya. Hindi pa rin natatahimik sa kakaisip sa nangyayari noon. Tumayo na lang siya, at napagpasiyahan na lumabas na lang para puntahan ang anak niya sa silid nito.
Pagkalabas pa lang niya sa pintuan ay may dumamba na sa kanya na muntik ng mawalan siya ng balanse.
"You are here," gulat niyang sabi nang makita niya ang nobya. Umayos ito nang tayo, at ngumiti sa kanya na ikinangiti din niya. He's a lucky guy because she was there when he needed her.
"Yes, I came here to have lunch with you." Ipinakita nito ang dala nitong paper bag. When his tummy grumbled, she laughed. He forgot to have his breakfast. Inuna niya pa kasing ipagluto ang mag-ina niya. "May I know why she is here? Did you talk about something crucial? "
“Who?"
"Olivine."
The way she spoke and the tone of her voice caused a knot in his forehead. She seems to be keeping something from him, which feels strange. Why doesn't she seem shocked? She would be shocked to learn what was happening and how Olivine came to be alive. He noticed her expression, but she already knew.
"You knew she was still alive."
Napaiwas ito ng tingin sa kanya. Hindi makatingin ito nang maayos sa kanya, at hindi mapakali sa kinatatayuan nito.
"A–ah e-eh… I-I saw her at the fundraising event.”
Hindi siya kumbinsedo sa sinabi nito.
“Why didn't you let me know that she was there and still alive?" salubong ang kilay na tanong dito.
"I thought you knew. "
He hissed at her.
"Kung alam ko lang, Katrina…hindi sana’y hindi ako pupunta sa libingan noon, at hindi ko naman alam, kung sino ang nasa kabaong noon."
Lumapit ito sa kanya, at yumapos ang dalawang braso nito sa beywang niya kaya napatitig siya rito. Nakita niya ang pagpapa-cute nito na para bang paaamuhin siya. Lumabi ito, at humilig sa dibdib niya na mas lalo naman humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Sorry, I should have mentioned that she will be at the charity event. I assumed you were already aware of her existence. I can tell you already knew that woman was her because of the way your body reacted when you saw Olivine perform on stage. You've known her ever since you were dating her."
He sighed in defeat and asked, "Do I really need to file for custody of my child?"
Bigla itong namutla sa tanong niya, at nanlalaki ang mga mata nito na nakatitig sa kanya.
"Your child? Bakit hindi ko iyan alam na may anak ka pala sa iba?” Naguguluhan na nakatitig ito, at napaatras pa ito. “Are you being unfaithful to me?”
"No. My daughter Olivia is still alive, Katrina. My precious daughter is with me right now, and I am very grateful that she is alive.”
"Where's she at? I'd like to meet her.”
Nag-iba ang timpla ng mukha nito, pero hindi niya iyon pinansin dahil excited siyang hinila ito papalabas patungo sa isang silid. Hinila niya ito, kung saan nandoon ang anak niya.
"Alam ba niya na ikaw ang may kasalanan kung bakit muntik na silang mamatay?"
Umiiling siya rito, at napabuntong-hininga. Hindi niya pa alam kung paano niya sasabihin sa anak ang nangyari. Natatakot siya na kapag malaman nito ay baka iiwan siya, at layuan siya ni Olivia. Isa pa, baka hindi niya na ito makikita pa.
"I'm afraid she won't accept me as her father if I tell her about that," he said.
Wala itong komento sa sinabi niya. Tahimik lang ito na sumunod sa kanya. Siya naman ay nababahala siya, kung paano niya sasabihin sa anak na wala na ang ina nito.
Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya si Olivia na nakatayo sa paanan ng kama. Walang emosyon na nakatitig ito sa kanya. Bumaling ang tingin nito sa likuran niya, at nakatagilid ang ulo nito. Pinagmasdan nito nang mabuti si Katrina na pinagtataka niya. Ibang klaseng pinapahiwatig ng mga mata nito.
"Nagkita na ba tayo? "
Napalingon siya sa nobya na para bang naitulos sa kinatatayuan. Base sa tindig nito, at panlalaki ng mga mata ay kilala nito ang anak. Hinarap niya ito, at bumitiw siya sa pagkakahawak sa dalaga.
"Magkakakilala kayo? "
"No."
“Tinatanong kita, miss. Magkakilala ba tayo? "
Kumunot ang noo niya sa klase ng boses ni Olivia. Naguguluhan siya sa kinikilos ng dalawa.
"Hindi. Ngayon lang kita nakita," naguguluhang wika ni Katrina.
Kumibit-balikat ito na para bang hindi ito sang-ayon sa sinabi ni Katrina.
"Ganoon ba? Para kasing nakita kita noon. Kamukhang -kamukha mo kasi iyong nagtangka sa akin na patayin ako."
"What? W-what did you say! " gulat na sigaw ni Katrina.
Pati siya ay hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ng kanyang anak.
"Hindi ka naman bingi para uulitin ko pa, ‘di po ba?”
Akmang susugurin nito ang anak niya nang mabilis niyang hinawakan ang palapulsuhan nito upang pigilan ang pagtangkang lapitan ito.
"Stop it! She's only a child. She was only joking. Don't even think about hurting my daughter, Katrina,” mapanganib niyang sabi na nagpatigil ng huli. Inungusan siya ng nobya, at tinaasan siya ng kilay.
"Do you honestly believe I'll do that to her?" Hindi makapaniwalang napatitig ito sa kanya. “You already know, Rough, that I won't do that.”
"Papa, saan si Mama? "
Akmang magsasalita na sana siya ng inunahan na siya ni Katrina.
"Bakit hahanapin mo pa ang Mama mo, kung nandito na ako? "
He shook his head, feeling that the way Katrina spoke to his child wasn't appropriate.
Nilapitan niya si Olivia, at lumuhod siya sa harapan nito upang magkapantay sila
“Umalis na siya, Olivia.”
Tumulo ang luha nito ang ikinagulat niya.
"Kung ito lang din ang regalo niya para sa akin ay huwag na lang. Gusto ko makasama ang mama ko! " Umiyak ito na hindi niya alam kung paano papatahanin. "G-gusto ko makita si Mama. Hanapin mo si Mama, Papa."
Napapikit siya sa sakit nang marinig iyon. Hindi niya maisip na may masakit pa pala. Masakit, hindi dahil nasasaktan siya sa sinabi nito. Masakit dahil nasasaktan siya nang makitang umiiyak ang kanyang anak.
How could he do such a thing to her child? He didn't want to hurt her, but he did it because it was the proper option for him to make. Taking what is legally his.
Pero, natigilan siya nang maalala ang sinabi ni Olivia. Kamukhang -kamukha ni Katrina ang nagtangkang pumatay dito? May hindi pa ba siya alam sa lahat ng nangyari noon? Kulang pa ba ang impormasyon na nakalap niya?
Katrina, at kanyang amang si Israel—may dapat pa ba siyang malaman sa puno't-dulo ng lahat na ito?
Baka nilinlang siya ng kanyang ama? Alam din ba ng kanyang ama na buhay ang kanyang mag-ina?