CHAPTER 7

2099 Words
OLIVINE Nagising na lang ang dalaga ng may tumapik sa pisngi niya. Pagmulat niya ng mga mata, ang unang bumungad sa kanya ay ang mukha ng kanyang anak. Puno ng pag-alala sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Bakas sa mga mata ng bata na kagagaling lang nito sa kakaiyak. Pulang-pula ang mga mata, pisngi, at pati na ang ilong nito. Sumandal siya sa kama, at tinapik niya ang kanyang mga hita para doon umupo si Olivia. Tinuro niya ang namumulang ilong ng anak, at hinalikan ito. "Ang aga-aga, iyak ka nang iyak. Nakakabawas iyan ng ganda, " biro niya rito na ikinasimangot ng anak niya. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nakita niya ang ganda ng loob ng silid. "Olivia, anak, saan tayo? Sa kwarto ba ito ng ama mo? " Suminghot ito bago siya nito sinagot, "Sa bahay po tayo ni Papa. Akala ko ba, mabait siya? Bakit niya po kayo sinaktan? '' naiiyak nitong tanong sa kanya. Sinapo niya ang mukha ng anak, at umiiling siya rito. Ngumiti rito muna siya para makasiguro na walang problema. "Mabait ang Papa mo, Olivia. Kaya gan’yan ang trato niya sa akin ay dahil sa sinaktan ko siya. Ginawa ko lang iyon kasi para din sa kaligtasan mo." Kung pwede lang sana niyang baguhin ang nakaraan para hindi niya masaktan ang binata ay hindi niya magawa. Paano niya iyon magagawa kung ang tadhana, at panganib na nagpapalayo sa kanila? Ipagpapalit niya ang buhay ng anak para lang makasama ang taong mahal niya? Mapait siyang napangiti. Hindi niya maisip na ganito na talaga ang relasyon nila o kung may maitatawag pa ba itong isang relasyon na wala na talagang patutunguhan. Talagang sobrang lalim na ang galit ng binata sa kanya para pagtangkaan na talaga siyang patayin sa mismong harapan pa talaga ng anak nila. Hindi niya maisip sa maraming taong pagtatago, para hindi siya mahanap ay dito pa rin siya bumagsak sa taong magpapahamak sa kanila o sasagip sa kanila sa panganib na kadugo ni Rough. Wala siyang ibang maisip kung bakit nandito sila sa lungga ng binata. Naisip niya ay baka may masamang maisip ang nobya nito. Ayaw niyang makasira sa sobrang gandang relasyon na kinaiinggitan niya. Noon, siya ang nasa posisyon ng babaeng si Katrina, ang babaeng ginintuang puso na minahal ni Rough. Naiinggit siya sa babae dahil ngayon ay binigyan ng buong atensiyon ng binata. Buong suporta sa lahat ng kung anong tinatahak ni Katrina. Buong atensiyon ang binigay ni Rough kay Katrina. Naiinggit siya kay Katrina. Kung ano ang tingin ng binata sa kanya noon ay ganoon din ang tingin ni Rough kay Katrina. Hindi na katulad noon ang nararamdaman sa kanya ng binata. Nakikita niya sa mga mata nito, at iyon hindi na pagmamahal kundi puno ng poot, at galit. Sobrang nasasaktan siya sa nangyayari sa kanya ngayon. Inaasahan na niya na ganito na talaga ang pakikitungo nito sa kanya. Napatigil siya sa pag-iisip nang bigla na lang bumukas ang pintuan, at bumungad sa kanila ang lalaki na kanina pa niya iniisip. "Gising ka na pala.” Lumapit ito sa kanya. May bitbit itong pagkain. Nilapag nito sa bedside table ang tray. “Kapag tapos na kayong kumain ay lumabas ka, Olivine. May pag-uusapan tayo tungkol sa anak ko. I'd like to file for custody." "Kailangan pa ba iyon? Hindi ko naman ipinagkait ang anak ko sa’yo, Rough. Gusto ko lang siyang ilayo sa kapahamakan." Napakunot ang noo nito nang marinig ang kanyang sinabi. Nandilim ang ekspresyon ng binata. Tinuro nito ang sarili, at pagak na natawa. "Do you honestly believe I would do something to endanger my own child? Nagpapatawa ka ba? Don't underestimate me as Olivia's father because I can completely protect her." Pabagsak na sinara nito ang pintuan kaya napangiwi siya sa sobrang lakas niyon. Napatingin siya sa kanyang anak. Naiiyak na tumingin ito sa kanya. Gusto niyang umiyak sa harapan nito, pero kailangan niyang patatagin ang sarili dahil siya lang ang sandalan nito. Siya lang ang makakapagpatahan dito. Kung iiyak siya ay nagpakita ng kahinaan ay mas lalo lang itong iiyak. "Shhh!” Sinapo niya ang mukha nito, at umiiling. “ Baby, you are big enough. I am confident that you will understand your father's intentions. Even if you observed that your father didn’t treat me well, I sincerely hope you understand the situation right now. Just keep in mind that dad loved you as his precious daughter, and sincerely cared for you.” Inayos niya ang nagulong buhok ng anak. "Smile na. Ipakita mo kay Mama na malaki ka na." Natatawang kinurot niya ang matambok nitong pisngi. “Eat your meal. I'll go outside to talk to your father.” Hinagkan niya muna ito sa noo bago siya umalis ng silid. Paglabas niya ay may naghintay na babae sa labas ng silid nila, at yumuko nang makita siya. "Good Morning, ma’am. Sabi po ni Sir Rough ay maghintay ka muna sa isang silid kasi may kausap pa siyang isang client." "Miss, saan tayo? " "We are in the exclusive village, ma'am. This is Mr. Drobele's residence." Tumango na lang siya rito, at sumunod sa babae, kung saan siya nito dadalhin. Inilibot niya ang kanyang paningin sa buong silid. Napamangha siya nang makita kung gaano ka-hightech ang mga kagamitan sa isang malaking silid. Nakita niya sa glass wall o dapat niyang sabihin ay isang konektadong kwarto, ang mga taong abala sa pag-uusap. May nakadikit sa white board na ikinakunot ng noo niya. May mga nakakonektang mga larawan. Bawat detalye ay nakakonektado sa iisang tao lang. "Miss... " Imbes na pansinin siya nito ay pumasok lang ito sa elevator. Hindi man lang niya napansin na may elevator pala na nasa gilid niya. Siguro sa sobrang pagkamangha sa buong silid ay hindi niya napansin. Ito pala ang trabaho ng lalaki. Akala niya ay simpleng investigator ito, iyon naman pala'y may isang organisasyon ito. Lumapit siya sa glass wall para makita niya nang maayos ang mga ginagawa sa ibaba. Rough has an underground office where they can work privately. Sobra siyang napahanga sa kakayahan ng binata. Nakakabilib ang galing nito. Nakita niyang papalabas sa isang silid si Rough na may kausap sa telepono. May malaking ngiti sa mga labi nito. Nagtama ang kanilang mga mata ng napatingin ito sa direksyon niya. Napaiwas na lang siya ng tingin dito dahil sa kakaibang intensidad nitong mga matang nakatitig sa kanya. Naiilang pa rin siya hanggang ngayon. Hindi pa rin siya sanay sa gaanong klaseng titig ng binata sa kanya na para bang nanunuot sa kaluluwa. Parang binabasa kung ano ang nasa isipan niya. Tinalikuran niya ito, at napasapo sa dibdib niya dahil sobrang kabog ng puso niya. Narinig na lang niya na tumunog ang elevator na nasa likuran niya. Napapikit siya nang maamoy ang mabangong pabango ng lalaki. Nag-iba na pala ng pabango ito. Hindi na ang pabangong palagi nitong ginagamit noon. "Olivine, please have a seat." Napamulat siya ng mga mata nang marinig niyang nagsalita ito. Namumula ang kanyang pisngi nang makitang kanina pa pala siya nito pinagmasdan. Umupo siya sa harapan nitong upuan na kung saan may namamagitan na lamesa sa gitna nila. Nilapag nito ang isang dokumento sa harapan niya na agad naman niyang kinuha, at binasa, kung ano ang nakasaad. "Child Custody. " Napabuntong-hiningang siya, at napailing na nilapag ang envelope. “Hindi naman kita pinagbawalan na makita ang anak mo, Rough." "Hindi nga pinagbawalan, pero itinago mo siya sa akin ng ilang taon. Ilang taon akong nagdurusa, at naging tanga na wala pa lang kabuluhan. Itinago mo siya ng mahabang panahon, Vine. Ilang taon akong nagdurusa sa sakit, at lungkot." Namumuo ang mga luha sa mga mata nito. Gusto niyang haplusin ang maamong mukha ng binata, at pawiin ang sakit na nararamdaman nito. "Alam mo ba, kung ano ang nararamdaman ko ngayon? " Naluluhang umiling siya rito, at napayuko. Napalunok siya ng may bumara sa kanyang lalamunan. Marahas na pinunasan ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata. Napaangat siya ng kanyang ulo, at matapang niya itong tinitigan. "Alam mo rin ba kung ano ang nararamdaman ko?” He huffed and laughed sarcastically at her. "Why would I? Does it currently matter? All I want is to get what is rightfully mine, and all I want to do is sue you. Nakakahiya kang ina. Pinakita mo pa kung gaano kang klaseng ina para sa kanya. Harap-harapan talaga ang kalandian mo. Kinuha mo pa talaga siya sa akin para lang maitago ang lahat? " Even though it hurt to be accused of something when she did nothing wrong, she laughed at him. All she wanted was to protect her child from the psychopath that worships money, and power. "Kung sasabihin ko sa’yo, kung sino ang puno't-dulo nito... maniniwala ka ba? " mapanghamon niyang tanong dito. Napasandal ito sa upuan at tinitigan siya ng matiim. Napatigilid ang ulo nito na para bang malalim ang iniisip. Mga ilang minutong paghihintay niya ay bumukas din ang bibig ng lalaki. Mas lalo siyang nasaktan sa sinabi nito. "Bakit ka pa mandamay ng ibang tao kung kayo lang naman ng lalaki mo ang involve rito sa mga kalandian ninyo? Dahil diyan sa kalandian mo, pati ang anak ko ay nadamay. Really? Do you think I'll fall for your lies? No! Enough is enough. Sign this document, and leave this house! May naghihintay sa’yong sasakyan. Ihatid ka sa kung saang lungga ka pa magpunta dahil wala akong pakialam." Mapait siyang natawa. Hindi niya akalain na ganito pala ang totoong ugali ng dati niyang nobyo. Mas masahol pa sa hayop. Padaskol niyang kinuha ang dokumento, at akmang pupunitin na sana niya ito nang maalala ang sinabi ng anak sa kanya. Nakangiting pinagmasdan niya ang anak na naglalaro sa ipad nito. "Anak... " Napataas ang kilay nito. Tumigil ito sa paglalaro, at humarap sa kanya. "Ano iyon, Mama? " "Ano ang gusto mong regalo ni Mama sa’yo?" Kumislap ang mga mata nito, at ngumiti. "Si Papa po, Mama. Gusto ko po siyang makasama." Hindi niya pinahalata na nabigla siya sa kahilingan nito. Paano niya masasabi rito na ang hirap lumapit sa ama nito dahil may nakaatang pa rin ang panganib sa buhay nila? Sa murang edad na limang taon ay imbes na mga laruan ang iniisip ay ang ama ang gusto nito. Pero, ngayon na nasa harapan na nila ito ay alam niyang matutupad na ang kahilingan ng anak na makasama na talaga ang ama nito. Ngumiti siya rito, at hinaplos ang buhok nito. "Iyan ba ang gusto ng baby ko?” Tumango-tango naman ang kanyang anak. "Don't worry, Olivia, we'll find your father." "I love you, Olivia." “I love you, Mama." Napabuntong-hininga siya, at napatingin sa papel na hawak niya. Ngayon, matutupad na ang kahilingan ng anak na makita, at makasama ang ama nito. Kahit labag sa kalooban na mawalay sa kanyang anak ay alam niyang para sa ikabubuti rin ni Olivia na makasama na ang ama nito. Nakakasiguro na siya na maprotektahan ni Rough ang anak nila. Kinuha niya ang ballpen, at pinirmahan na ito na walang pagdadalawang-isip. Nang matapos siya sa pagperma ay agad niyang inilapag ang papel, at tumayo na. Bago siya umalis ay ngumiti siya rito. "Ikaw na ang bahala kay Olivia. Alam kong hindi mo siya pababayaan. I have faith in you for her protection, and please look after our daughter." Kahit na masakit mawalay sa anak ay alam niyang para sa ikabubuti nito. She wants her kid to lead an ordinary life free from fear. She wished for her daughter to enjoy life as a young child would—to play, run around, and pursue her passions. Ngayon, panatag na ang kalooban niya na hindi nasa piligro ang buhay nito. Alam na niya sa simula pa lang aabot talaga sa punto na babawiin sa kanya ang bata. Hindi naman sa madali siyang bitawan ang kanilang anak. Ang ginawa lang niya ito dahil gusto niyang malaya itong kumilos na walang halong kaba, at takot. Habang naglalakad siya patungo sa kung saan ang kanilang anak ay lumilipad sa kung saan ang isip niya. "Miss, nandito na po tayo sa kwarto ninyo." Napakurap-kurap siyang napatingin sa taong nasa tabi niya pala ngayon. Hindi man lang niya namalayan na may kasama pala siya papunta rito. Kung hindi lang ito nagsalita baka kung saan pa siya mapadpad. Pinagbuksan siya nito ng pintuan, at nagpasalamat naman siya rito bago siya pumasok. Yumuko ito sa harapan niya, at nagpaalam na aalis na dahil may aasikasuhin pa. Bago pa niya maisarado ang pinto ay narinig niya ang pangalan ni Katrina. Kumibit-balikat na lang siya baka ibang Katrina ang binanggit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD