CHAPTER 6

1381 Words
ROUGH Kakagaling lang ni Rough sa Cemetery para bisitahin ang mag-ina niya. Mga halos kalahating oras siyang nag-stay doon na nakatitig lang sa pangalan ng mga ito. Blangko ang pag-iisip, tulala, at wala man lang kahit ni isang salitang lumabas sa bibig niya. Nakatitig, at nakatayo lang siya na parang estatwa lang ang ginawa niya roon. Sa halos kalahating-oras na nakatayo ay napagdesisyon niyang pumunta sa isang agency na kung saan makukuha niya ang impormasyon. Dahil hindi pa rin siya natatahimik nang makita niya ang dalaga sa airport. Bumagabag pa rin sa kanya hanggang ngayon. Hindi talaga siya nagkakamali kitang-kita niya sa dalawang mga mata na si Olivine ang babaeng nasa airport. Pagkatapak pa lang niya sa gusaling Elite, may nakita siyang isang lalaking nakatalikod sa kinaroroonan niya na abala ito sa pakikipag-usap sa kabilang linya. Lalagpasan na sana niya ito para tumungo sa isang silid, nang marinig niya ang pangalan ni Olivine. Naka-loud speaker kasi iyon kaya rinig niya ang boses. Ang pamilyar na boses, iisa lang ang boses ang doon sa venue sa charity ni Katrina at dito. Hindi talaga siya magkakamali dahil kaboses talaga ni Olivine. Napamura na lang si Rough nang bigla na lang nawala ang nasa kabilang linya kaya nanggagalaiting kiniwelyuhan ang kaharap. "Where is the f*****g w***e? So all this time, tinago mo siya sa akin! Ang akala kong patay… buhay pala. Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo titigil sa kalandian ninyong dala–” Napatigil siya sa pagsasalita, at napahawak sa kaliwang panga niya ng tumama ang kamao nito. Napadura siya, at napangisi. Bumangon siya mula sa pagkakabagsak, at masama niyang tiningnan ang lalaki. Pagak na natawa si Cole Gregory sa kanya. "Bakit mo pa kailangan malaman kung saan siya? Kung ang taong iyon gusto mo ng mamatay? " "Where is she? I'd like to know where she is right now!" "Bakit ko naman sasabihin sa’yo? Para saktan mo siya? Bakit ka ba narito sa opisina ko? " Napakuyom ang kamao niya, at handa na sanang makipagsuntukan sa kaharap nang bigla na lang may humawak sa balikat niya. "Hindi ma-reresolba ang problema kung daanin lang sa makipagsuntukan." Marahas na lumingon siya sa taong kararating lang. Ang kaibigan niyang si Trail ang dumating. "What the f-ck are you doing here? " Hindi siya nito pinansin bagkus ay humarap sa lalaki na ang sarap burahin ang ngisi nito. "I'm Trail Gustavos, and I'm the client who phoned you a week ago." "Mr. Gustavos, can we talk in my office? Ayokong may mga hayop na sumasali sa pag-uusapan natin." Pasimpleng tumingin si Cole sa kanya at umigting pa ang panga nito. Tumango naman ang kaibigan, at tumingin sa kanya na makahalugan. "Simply wait in your car. I have a gift for you." He hissed and walked out the door. Habang naglalakad siya papunta sa kanyang sasakyan ay may gumugulo sa isipan niya. Maraming katanungan na gusto na niyang malaman kung bakit, at paano. Hanggang sa nakarating na siya sa parking lot ay bumabagabag pa rin sa kanya ang kaninang narinig. Boses iyon ni Olivine. Hindi siya makapaniwala na after six f-cking years ay buhay pala ang dalaga. Bakit hindi man lang nagpakita sa kanya? Bakit wala man lang kahit na ho o ni ha man lang? Napatiimbagang siya, at napasuntok sa bubong ng sasakyan niya. What the f-ck is his current situation? Ngayon pa talaga? Ngayon pa na tahimik na ang buhay nya? Napapikit siya at napatingala. Paano nangyari? Kitang-kita niyang nahulog sa bangin ang mag-ina niya o baka imahinasyon lang niya nakita ang pangyayari. Imposibleng mabuhay ang patay na. Natigilan siya. Ang anak niya? Saan? Buhay ba? Napakurap siya ng may bumadhang luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon, ang akala niyang okay na siya, hindi pala. Nagkamali siya. Nandito pa rin ang sakit na kinikimkim niya sa halos pitong taon ng nakalipas. Napasabunot siya sa kanyang buhok. Napasigaw at napasipa sa gulong ng kotse. He should contact his psychiatrist because he needed it. Baka umabot na naman sa puntong para na siyang baliw. "Alam mo na.” Napabaling siya sa likuran nang marinig niya ang boses ng kaibigan na si Trail. "What exactly do you mean?" He looked at his pal, confused. He was bewildered by what he was saying. "About them... Ex, and your daughter Olivia are still alive." He was still in pain when he heard his daughter's name Olivia, unable to move on in the past about his lovely daughter and how awful —wait what? When he heard that alive, his mind went blank. "Here ... " His heart was pounding so loudly that he couldn't breathe easily. Is his friend joking? He is stunned by what he heard alive. He couldn't think of anything to say. He was only staring at his friend, who was holding a black envelope. Trail handed him the envelope. "That's all the proof we have." Nanginginig ang kamay na tinanggap niya iyon. Bawat pahina ay binasa niya, at tiningnan ang mga larawan na ebidensiyang buhay nga ang mag-ina niya. He was fooled for six f-cking years by someone he thought he could trust. He assumed they were all dead because he witnessed it. He witnessed the incident. The person he trusted the most was a two-faced liar. How could she be so cruel to him? For all the years he had lived, nalaman niyang buhay pala ang mag-ina niya na hindi man lang niya alam sa halos pitong taon. Ngayon niya lang alam na ang tanga-tanga niya kung bakit naging ganito ang lahat. Kung bakit humantong sa wala siyang kamuwang-muwang na niloko siya ni Olivine na magpanggap na patay na ito. Kaya ba nagpapanggap na patay na ay dahil para magkasama sila ni Gregory? Napatiimbagang siya sa kanyang naisip. He wants to strangle her. Pati ang anak niya ay sinali pa ng ex-gf niya. Kailangan niyang makagawa siya ng paraan para makuha niya ang kanyang anak, at malaman niya ang totoo. Tumingin siya sa kaibigan. "Bakit mo alam? Iniimbestigahan mo ba sila? Bakit? Kahit anong gawin kong pag-imbestiga, at paghalughog sa buong Pilipinas ay wala akong kahit isang makalap. May humaharang ba?" "May isang taong nasa likod ng lahat ng pagdudurusa mo. Hindi ang babaeng sinasabi mong siya ang pakana ng lahat ng ito. Huwag kang maging bulag sa katotohanan, Rough, dahil baka mawala na talaga sila sa’yo. Alam mo ang kasagutan, pero ayaw mo lang talaga makinig, magmasid, at bantayan ang mga kilos ng nasa paligid mo. Baka hindi mo alam, nasa tabi mo lang pala ang salarin ng lahat ng ito." Tinapik nito ang kanyang balikat at mariin siyang tiningnan. "Isa sa misyon ko ang konektado sa’yo, Rough. Kailangan kong makalap ang lahat ng ebidensiya kaya pumunta ako dito kay Gregory para humingi din ng tulong sa kanya. Nalaman ko kasing iisa lang ang pakay namin. I have to leave right now because someone is waiting for me." Siya na lang mag-isa sa labas ng building ni Cole. Naguguluhan pa rin siya. Ano ba ang dapat niyang malaman? Ano ba ang dapat niyang gawin para malaman kung sino ang puno't-dulo ng paghihirap niya? Konektado sa kanya? Si Israel ba o ang kapatid niya? Wala naman siyang ibang konektado kundi ang ama na kayang gawin ang masasamang bagay para makamit lang minimithi nito. Imposible naman ang kapatid niyang si Travis. Papasakay na sana siya sa kotse nang makita niyang may paparating na sasakyang kulay itim. Nang huminto ito malapit sa kotse niya ay nagsilabasan ang apat na mga lalaki, sunod ang babaeng nagpagimbal sa kanya. "Olivine... " Nakakunot ang noo nitong lumingon sa kanya, pero nang makita siya ay bigla itong namutla. Napatingin siya sa likuran nito. Nakita niya ang batang babaeng kamukhang -kamukha niya. Hindi siya pwedeng magkakamali. Buhay ang anak niya. Parang huminto ang mundo ng nakikitig siya sa mag-ina niyang buhay na buhay. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig na hindi makagalaw sa pwesto niya kundi nakatitig lang siya sa mga ito. "R-Rough.... Y-you a-are h-here." Nang mahimasmasan siya ay lumapit siya patungo sa babae. Walang pagdadalawang -isip na sinakal niya ito sa leeg. Gusto niyang mamatay ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Bumalik sa kanya ang lahat ng alaalang pangloloko at pagtataksil sa kanya. Gusto niyang malagutan ito ng hininga nang mawala na sa landas ang babaeng ito. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD