CHAPTER 5

2033 Words
OLIVINE Pagod ang katawan na umuwi sa kanilang maliit na apartment sina Olivine kasama ang anak niya na karga-karga niya. Akalain ba naman niyang gagabihin silang makauwi dahil sa ayaw silang papauwiin ng bagong kasal na sina Mr. & Mrs. Tizon. Gusto kasi ni Mrs. Tizon na doon na muna sila sa hotel matutulog dahil parang pinaglilihian ang anak niya. Nakasimangot na nga ang mukha ni Olive dahil sa ayaw nitong tigilan sa kakakurot ng pisngi nito. Naaawa na nga siya rito, dahil pati ito ay nadamay sa puyat nang dahil sa trabaho niya. Nilapag niya sa katamtamang kama si Olivia. Kasya sa kanilang mag-ina ang kama. Tinanggal niya ang sapatos nito bago kinumutan. Hindi na niya papalitan ang damit nito dahil kakabihis lang nito sa eroplanong sinasakyan. Sobrang himbing na nga ng tulog nito dahil kahit anong gising niya ay ayaw na nitong gumising. Buti na lang, hindi luggage ang dinala niya baka nagkandahirap-hirap siyang magbitbit. Inayos niya muna ang kumot nito bago siya lumabas ng silid para ayusin ang mga kaunting kalat. Hindi pa niya nalinis no’ng nakaraang araw ang kalat dahil sa nagmamadali sila papuntang airport baka mapag-iwanan sila. Napatingin siya sa wall clock nila, mag-aalas singko na pala ng hapon. May oras pa siyang makapagluto. Uunahin na muna niya ang paglilinis. Lumapit siya sa DVD player, at sinalang ang tape na matagal na niyang tinatago. She always listened to it when she wanted to hear his voice. Mga ilang segundo lang ay pumailanlang ang musika na gusto niyang marinig araw-araw. Isang baritonong boses ang narinig niya. Ito lang ang panghahawakan niya sa binata. She secretly recorded it when she was in college, and she did remember how Rough serenaded her with the song Grow old with you. When she heard it, she felt as if she were with him, despite the fact that he was so far away. Boses ng binata ang pinaglilihian niya noon, at iyon ang totoo. Pagkaharap niya'y bigla na lang siyang napatalon, at napahawak sa dibdib niya nang bumulaga sa kanyang harapan. Nakita niya si Cole na napailing sa kanya, at napasimangot. "Hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagsasawa na pakinggan iyan? Ako, napupurga na sa kakarinig sa boses ng lalaking iyan." Umungos ito bago siya nilagpasan. Pinagmasdan niya ito na inilapag ang bitbit na paperbag sa maliit na mesa sa kusina. Kinuha nito ang mga dala, at inilapag ang mga maliit na container. "Ano iyang dala mo?" "May niluto ang asawa ko para sa inyong dalawa kaya huwag ka ng magluto." "Nag-abala ka pa." Iniwan na muna niya ang mga gagawin, at nilapitan ito para matulungan. Sa malayo pa lang ay amoy na amoy niya ang mabangong pagkain na dala nito. "Ang bango," sabi pa niya habang nakapikit. Kumuha siya ng kutsara para matikman ang niluto ng asawa nito. "Grabe, ang sarap talagang magluto ng asawa mo. Ang swerte mong damuho ka." Napailing lang ito, at napangisi. Umupo ito katapat niya na naaliw na pinagmamasdan siya. "Saan si Olivia? Nagluto pa naman ang asawa ko ng paboritong ulam ni Olivia na tinolang manok." Luminga-linga ito para makita ang anak. "Nasa kwarto siya. Natutulog pa siya hanggang ngayon.” Tumango ito. "Okay, initin mo na lang kapag gising na siya. So, kumusta naman kayo? Hindi na ba kayo ginugulo ng tatay ng ex mo?" Bigla na naman siyang nanlamig nang maalala na bumalik na naman ang umaaligid sa kanila. "Noong isang linggo ay may umaaligid na naman sa amin. Natatakot na ako, Cole. Ayokong mapahamak na naman si Live. Akala ko, kapag lumalayo na kami ay titigilan na niya kami, pero hindi. Hindi ko alam kung bakit kahit kadugo niya ay kaya niyang patayin." Napatiimbagang ito sa narinig. "Dahil hayok siya sa kapangyarihan, at kayamanan, Olive. Nalaman ko na kung bakit gusto niyang patayin ang bata ay dahil gusto niyang mapasakanya ang lahat ng pag-ari-arian na binigay sa ama nito. Nakasaad sa last will, and testament na kapag nagkaanak ang panganay nitong lalaki na si Rough ay ibibigay lahat kung saan lahat ng ari-arian ng grandfather ni Rough ay maibibigay sa anak mong si Olivia. Kaya gustong patayin ni Israel ang anak mo. Kung wala lang sanang nangialam sa gobyerno ay matagal ng walang buhay ang hayop na iyon." Nanghihinang napaupo siya, at napaiyak. "Ayoko na. Ayoko ng maulit na naman ang nakaraan na muntik nang mawala sa akin ang anak ko." "Mama…” Nagmamadaling pinunasan ang kanyang pisngi nang marinig niya ang boses ng anak na kakagising lang. Ang kaninang binalot na takot na ekspresyon ay pinalitan niya ng masiglang mukha para hindi makahalata ang anak na may kakaibang kinikilos siya. Simula nang naipanganak niya ito ay hindi na ito naglalaro katulad ng normal na bata. Mature na itong mag-isip na para bang kasing-edad lang niya itong magsalita dahil mulat na ito sa mundong puno ng kapahamakan, at puno ng mapanlinlang na tao. Naaawa siya sa anak, wala ng normal na buhay kundi puno na ng takot. Hinagkan niya ito sa tuktok ng ulo nang umupo ito sa tabi niya bago siya tumayo para kuhanin ito ng pinggan, at kutsara. Napangiti siya ng masaya itong nakikipag-usap sa Tito Cole nito. Kahit paano ay likas na masayahin ang anak niya na para bang walang problema. Kapag tulog ito ay kailangan pa niyang bantayan ito dahil hindi pa rin nawawala ang bangungot ng bata. Kabaliktaran kapag umaga. Nang dahil sa hayop na lolo nito kaya nagkakaganito ang anak niya dahil sa pagbaril nito sa tiyan nito. Pinaghain agad niya ito ng kanin, at paborito nitong tinolang manok. Nang makita nito kung ano ang inilapag niya ay pumalakpak ito sa tuwa. Nilantakan agad nito ang pagkain. Napatawa sila ni Cole sa klaseng pagkain nito na para bang mauubusan. Ginulo niya ang buhok ng bata. " Ang takaw mo talaga!" Napatingin siya sa wall clock. Nakita niyang malapit na pa lang dumating ang teacher nito. "Baby, pagkatapos mong kumain ay magbihis ka dahil darating na ang teacher mo." "Opo, Mama!" Nagtatakang napatingin siya kay Cole nang tumayo na ito. "Aalis ka na? " "Oo, kailangan ko ng umalis dahil may aasikasuhin pa ako." Ginulo nito ang buhok ng anak bago ito tumingin sa kanya na may kahulugan."I will send someone here to ensure your safety, and I will not accept no for an answer." Iyon lang sinabi nito sa kanya bago ito umalis ng bahay. Hindi man lang hinintay na magsalita siya dahil dire-diretso na itong umalis. "Mama... " Tumingin siya rito. Natatawang kumuha siya ng tissue para punasan ang gilid ng labi ng anak. "Hay naku! Ang laki-laki mo na ang kalat mo pa rin kumain, anak. Katulad ka talaga ng Papa mo." Kumislap ang mga mata sa kasiyahan, pero nababahiran pa rin ng lungkot. "Mama, kailan ko po malalapitan si Papa? Kasi po gusto ko po siyang tanungin mama kung bakit niya tayo iniwan? Bakit niya tayo hinahayaan? Alam ba ni Papa na buhay tayo? Alam ba ni Papa na kung sino ang gustong pumatay sa atin? Mama, bakit gusto ni lolo na patayin tayo kapag lumapit tayo kay Papa?" Kumirot ang puso niya sa tanong ng anak. Naaawa siya rito dahil sa totoo lang, hindi rin niya alam kung kailan niya ipapaalam kay Rough na buhay sila. Kung pwede nga lang ay matagal na siyang lumapit sa binata para ipaalam dito na buhay silang mag-ina. Hinilig nito ang ulo nito sa kanyang dibdib at hinaplos ang buhok ng anak. "Alam kong gusto mo siyang makita anak, pero hindi pa sa ngayon dahil mapapahamak ka kapag lumapit ka sa Papa mo." "Mama, alam ko po iyon pero diba may security company po siya? Pwede po tayong humingi ng tulong sa kanya." "Huwag kang mag-alala anak, malapit na kayong magkita ng ama mo. Gagawa ako ng paraan para magkita kayo. Hihingi ako ng tulong sa Tito Cole mo para ilapit ka sa Papa mo." Napahiwalay ito sa kanya, at nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya. "Totoo po ba iyan Mama? " Tumango siya rito, at ngumiti. "Oo, anak. Gagawin ni Mama ang lahat para malaman ni Papa mo na buhay ka." "Pero, dapat kasama ko po kayo." Umiiling siya rito. "Ayoko ng makigulo basta sapat na sa akin na makasama mo ang Papa mo." Nakita niyang nag-aalangan sa anak. "Pero, Mama–" "Anak, hindi lahat ng gusto mo ay masusunod. Ang gusto ko lang ay mapasaya ka. Kaya kahit na natatakot si Mama ay gagawin ko ang lahat para magkita kayo ng ama mo, at maging lig–" Napakunot ang noo niya nang makitang may umiilaw galing sa likuran niya. Nakita niya sa salamin. Wala siyang maalalang may inilagay siya riyan at ngayon lang niya nakita na umiilaw ang pulang tuldok. Huwag mong sabihing may pumasok sa bahay niya? Nagmamadaling dinampot niya ang kanyang cellphone. Akmang titipa na sana sa numero ni Cole ng kumalabog ang pintuan para bang pinipilit na buksan iyon. Mabilis na tumayo siya, at inakay ang anak patungo sa sekretong lagusan kung saan sila makapagtago. Ginawa iyon ni Cole para kung may mangyayaring hindi inaasahan ay agad silang makapagtago. May pinindot siya sa gilid ng wall frame at bumukas ang dingding. Para siyang elevator na katamtamang laki na agad silang pumasok. Nang makarating sila sa ibaba doon na siya nakahinga nang mabuti. Napaluhod siya at napayakap ng mahigpit sa anak sa sobrang kabang naramdaman. Napatingin siya sa dingding kung saan may malaking screen. Nakita niya ang cctv monitor na kinabit pa ni Cole noong pangalawang araw na silang tumuloy dito. Nakita niya ang mga taong naghalughog sa bahay. Kung paano ang isang lalaking nakapula ay may hawak na panulat para isulat sa salamin. "You will perish if you do not stop what you are doing, Olivine. You already know what will happen to your child." Nanginginig ang kamay na tinawagan si Cole, pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Ilang minutong pagtawag dito ay nakahinga siya ng sinagot ang kabilang linya. [Oh Olivine? Napatawag ka? May masama bang nangyayari? May urgent client ako ngayon.] "C-Cole, si Israel D-Drobele may mga tauhan siyang inutusan na takutin na naman ka— ] [Hey! Why did you— Shut up!] Rinig niyang nagkakagulo na sa kabilang linya na pinagtataka niya. Sinong—Nanlalaki ang mga mata niya nang marinig niya ang boses sa kabilang linya. [Did I hear Olivine correctly? Is that you, Olivine Lievas?] " R-Rough? " Napapikit siya at gumaralgal ang boses niya dahil sa kaba. [For 6 f*****g years, buhay ka pa pala. Sana namatay ka na lang para hindi na doble ang sakit. Sana hindi ka na lang nabuhay.] Puno ng puot at galit ang boses nito na hindi naman niya alam kung bakit. Akala niya kapag malaman nitong buhay sila ay magiging masaya ito, pero kabaliktaran pala ang inaasahan niya. Kusang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Takot, at sakit, naghalo-halo na ang pakiramdam niya dahil sa buong akala niya ay matutuwa ang binata. Pero, mas lalo lang nitong pinaramdam sa kanya na wala siyang halaga sa buhay nito. Pinatay na niya ang tawag dahil ano pa ang dapat niyang i-explain kung gusto na siya nitong patayin? Kaya mas lalo siyang pinanghihinaan ng loob na magpakita rito. Napatingin siya sa anak na umiiyak. Kung ito na talaga ang tamang panahon para malaman ni Rough na buhay ang anak nila ay kailangan na niyang ibigay ang anak niya sa binata. Alam niyang ito lang ang makakatulong. Alam niyang deligado, pero kailangan na niyang harapin ang takot dahil kung ganito na lang palagi ay walang matiwasay na araw. Mas malaki ang katumbas na epekto kay Olivia. "Bukas na bukas, makikita mo na ang ama mo, Live.” Napatingin siya sa kanyang cellphone na agad naman niyang sinagot nang makitang si Cole ang tumatawag sa kanya. [Olivine?] Natigilan siya sa klaseng pagtawag nito sa kanya. Para siyang kinabahan at parang iba ang pakiramdam niya ngayon. [I'm sorry to inform you that I was unable to keep our promise. I asked Rough's friend to assist you and informed them that you two were still alive. For the sake—] Hindi na niya narinig ang ibang sinasabi nito dahil nakatatak sa isipan niya ang pagsabi nitong buhay sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD