CHAPTER 4

3021 Words
ROUGH He commits murder. He admitted his unforgivable sin. Hinahabol pa rin siya ng nakaraan. Kahit anong gawin niyang paglimot ay wala pa ring nangyari. Napariwa na ang buhay niya. Palaging umiinom o di kaya kung anu-ano na ang bisyong ginagawa. Hindi siya makatulog nang maayos dahil sa trauma, pero noon iyon. Nang dumating si Katrina sa buhay niya ay may pagbabago na ang nangyari. He pursued his career and to make himself better. His phone started ringing. Napakunot ang noo niyang sinagot ito. One of his staff. [Hello, sir! Good morning! Sorry to wake you up, but someone needs your help, so please come to the office.] He made a hissing sound. "Please inform that client that I will arrive in a few minutes." He hung up the phone and started his car. Nang nakarating na siya sa kanyang opisina ay agad na sumalubong sa kanya si Alvin, ang assistant niya. "Good Morning, Mr. Drobele." Tumango siya rito. "Alvin, saan ang sinasabi mo kanina?" "This way, sir. " Hinatid siya sa isang itim na pintuan, at pinagbuksan agad siya nito. Nang pumasok na siya sa isang silid na kung saan makakausap ang customer na sinasabi ng assistant. Lumapit siya sa dalawang taong naghihintay sa kanya. "Good Morning, mister? " Inilahad niya ang kanyang kamay sa harapan nito at nagpakilala. "Ako nga pala si Rough. Sino sa inyo ang tumawag sa security team?" Agad naman nitong tinanggap ang kanyang kamay. "My name is Cecelia, and I'm the one that contacted your security staff. Kailangan kasi namin ang team ninyo dahil darating dito sa bansa ang expensive jewelries na galing pa sa Italy dahil para sa exhibit na gaganapin." Tumatango siya sa kaharap. "Kailan ba darating ang jewelries? Anong oras darating para salubungin ang mga mamahaling alahas ng team namin sa NAIA airport?" "On May 10,20**, Wednesday. Alas tres ng hapon darating." "Okay, Miss Cecelia, aasikasuhin kayo ng team namin para pagplanuhan kung ano ang dapat gawin pagdating ng mamahaling alahas." Pinindot niya ang intercom. "Jake, pumunta ka rito sa room 4." Bumaling siya kay Miss Cecelia. " May darating rito ngayon, Miss Cecelia. Isa sa tauhan ko para kausapin kayo para sa plano at may pepermahan ka sa kanila. Before he bid goodbye ay inilahad niya ang kamay bilang sign of agreement. He traveled to the airport at exactly one o'clock in the afternoon on Wednesday morning to meet with a client. Alam niyang naka-stand by na ang mga tauhan niya sa palibot ng airport para bantayan ang pagdating ng mamahaling alahas. Tumingin siya sa palibot, nakita niya ang isang tauhan niya na sumaludo sa kanya kaya tumango siya rito, pero kumunot ang noo niya nang makita ang kahawig na mukha ng dating nobya na may hawak na batang babae. "Olivine?" Imposible. Namamalikmata ba siya? Kaya naglakad siya papalapit dito para makasiguro na hindi siya nagkakamali sa kanyang nakita. Habang papalapit siya rito ay ang lakas ng kabog ng dibdib. "Olivine! " Nilakasan niya ang pagtawag rito, pero hindi ito lumingon sa kanya dahil naglalakad na ito papalayo kaya binilisan niya ang paglalakad patungo sa babae. Imposible talaga na nabuhay ang ex-girlfriend niya dahil nakita niya sa dalawang mga mata niya ang pagbulusok ng kotseng sinasakyan ni Olivine. Pero, may bahagi sa kanyang pagkatao na gustong paniwalaan na si Olivine ang kanyang nakita at hindi siya namalikmata lang. Ang lakas ng kompiyansa niya na iisa lang ang babaeng kilala. Magkahawig ang babae at si Olivine. Pati ang hubog ng katawan nito. "Mr. Drobele, sinong tinatawag mo?" Napatingin siya sa lalaki na nagtatakang nakatitig sa kanya. He is his client. Mr. Suizi, a Chinese-Filipino businessman, is looking for the hacker who stole a million dollars from the company. "Ah, nothing," tugon niya na hindi pa rin mawalay ang tingin sa puwesto ng babae kanina, pero hindi na niya ito nakita. "Olivine,” napailing na tawag niya sa pangalan ng dating nobya niya. It had been a pleasant Sunday morning date with her daughter Olivia. She would like to spend time with her, dahil iyon ang pangako niya sa anak na kada linggo mamasyal sila sa kung saan nito gusto. Nandito sila sa Ocean Park malapit lang sa kanyang tinatrabahuan. Umupo na sila sa katapat ng malaking gusali. It is a wedding and event entertainment company. Hindi naman siya ganoon kalaking kompanya, pero malaki naman ang sahod niya. Nagpapasalamat nga siya sa boss niya dahil tinanggap siya kahit hindi naman siya ganoon kagaling kumanta o kaya magtugtog ng piano o maggitara. Masaya siya dahil tinuruan siya ng mga ito upang matuto siya sa ganitong larangan. She awes them, and she will never abandon them since they never leave her when she is down. Tinulungan pa nga siya ng mga itong makaahon. Ang mga kasamahan lang niya ang tumulong sa kanya noong oras na lugmok siya. May dalawang madre, at isang kaibigan na tumulong sa kanila. Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil kahit na wala na talaga silang panghahawakan ay may binigay naman ang Diyos na dalawang taong pagkakatiwalaan niya, at hindi siya iniwan. "Mama, tingnan mo ang galing ng dolphin!" Napabaling siya sa kanyang anak, at napangiti nang makitang nasisiyahan itong makita ang dolphin na tumalon kasama ang trainer nito. Pumalakpak pa ang kanyang anak habang hindi pa rin nawawalay ang titig nito sa dolphin. Hindi talaga siya nagkakamaling dito niya dinala si Olivia dahil nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng anak kaya nga nilubusan niya ang supresa para rito. Olivia loves dolphins, which is why she brought her here. "Magaling nga anak!" Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa gilid ng noo. "I brought you here to make you happy," she says. Olivia gives her a sly grin kaya kinurot niya ang matambok nitong pisngi. "Ang cute mo talaga anak!" Hindi na siya nito pinansin, at ipinagpatuloy na lang ang panonood nito. Naalala na naman niya ang pagtawag niya sa dating nobyoShe contacted Rough. She checked to see if the number she dialed was still Rough number. Tama nga siya, hindi pa rin ito nagpalit. Sa totoo lang, gusto niyang kausapin ito para marinig niya ang boses ng binata. Nami-miss na niya ang dating sila na walang problemang dinadala. Gusto niyang lapitan ito, pero hindi pwede. Nasa malapitan nga ito. Abot-kamay na niya ang binata, pero alam niyang kapag nalaman ng taong iyon ay alam niyang hindi mangingiming patayin ang anak niya. Kahit kadugo pa nito, hindi nito sasantuhin. Gusto niyang maghiganti, pero paano? Paano niya gagawin iyon? Mayroon ngang isang taong gustong tumulong sa kanya, pero ayaw na niya ng gulo kaya siya na ang umiwas. Napabuntong-hininga na lang siya, at ipinilig na lang ang kanyang ulo. Bakit ba niya iniisip ang nakaraan? Ang mas importante ngayon ay malaya na sila dahil kay Cole Gregory Vilov kung wala lang ito wala na sila rito. Bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone hudyat na may tumatawag sa kanya. She responded right away na hindi na nag-abalang tumingin man lang. "Hello?" [Vine, sorry kung napatawag ako sa’yo. Alam kong day off mo ngayon, pero kailangan na kailangan kasi namin na may ipadala sa cruise ship dahil may gaganapin kasing kasal doon. Wala naman si Gina para pumunta doon dahil nagkasakit iyong nanay niya.] "Kailan ba ‘ko pupunta doon, at ilang araw ba? " walang pagdadalawang-isip na sagot niya. [Bukas na bukas, Vine. Pwede rin ngayon kayo pumunta para makagala kayo ng anak mo. Mga dalawang araw lang.] Napatingin siya sa kanyang anak. May klase kasi ito bukas baka hindi ito papayagan ng guro nito na lumiban man lang kahit ilang araw. Hindi naman pwedeng iiwan niya ito sa iba dahil baka may mangyari dahil nasa malayo siya. "Sige. Kakausapin ko pa ang guro ni Olivia." She hung up the phone, and turned to face her daughter. "Baby, gusto mo bang sumama sa akin sa Cruise Ship? " Nanlalaki ang mga mata nitong lumingon sa kanya. Halata sa mga mata ng anak ang galak. "Mama, gusto ko, pero... " Nawala ang ngiti nito at napalitan ng lungkot, "darating pa po bukas si Teacher Lana." Hinaplos niya ang buhok nito. "Huwag kang mag-alala, anak. Magpapaalam tayo sa guro mo para makasama kita. Hindi ako aalis nang hindi ka kasama." Napangiti ito sa sinabi niya, at siya naman ay sinimulan nang tinipa ang numero ng guro nito. She is a homeschooling student, dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya si Olivia. Na-trauma na siya sa pangyayari noon. Pagkapasok pa lang nila sa Cruise ship ay agad na may sumalubong sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali ay isa ito sa staff ng tinatrabahuan niya. Nakangiting sinalubong siya ng babae. "Good day, I'm Miracris, a new employee of the WE-company. Kanina ka pa namin hinihintay, Miss Vine." Tumingin ang babae sa anak niya, at lumuhod ito sa harapan. Ang anak naman niya ay nakatingin lang sa babae. "Ang gandang bata. Manang-mana sa’yo, Miss Vine. Iyong mata niya… hindi ko akalain na sobrang nakakamangha sa malapitan, at ang buhok niya, " Tumingala ito sa kanya, "natural hair niya ito?" Natawa siya sa reaksyon nito. Sanay na siya sa papuri ng mga kakilala o ‘di kaya mga nakakasalubong niya kapag nakatingin sa anak niya. Namamangha talaga sa mga mata lalong lalo na nababagay rito ang burgundy nitong buhok na katulad ng sa ama nito. "Oo, namana niya sa ama niya." Narinig niyang napa-wow ito kaya mas lalo siyang natawa. "She's really beautiful." Napatingin siya sa anak na humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. "Mama... " "Yes, baby? " "Mama, nakapunta na po tayo dito diba? May nakakilala po kasi akong dalawang tao rito na sabi ng lalaki ay may kamukha daw po ako na, pero hindi lang daw niya matandaan." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Sinong nagsabi sa’yo niyan? " "Si Uncle Craig po. Narinig ko lang na Craig ang pangalan ng lalaki at may kasama po siya na girlfriend niya na Cruisha ang pangalan, Mama. Kilala mo po ba sila? " Natigilan siya nang marinig niya ang pangalan ng kaibigan ni Rough. Posibleng nakilala ng anak ay kaibigan ng ama nito. Pwede rin, hindi dahil marami namang Craig rito sa mundo. There is still a strong possibility na kaibigan nga ni Rough ang tinutukoy ng anak dahil itong cruise ship ay isa sa pagmamay-ari ng kaibigan nito. Bakit ba lumiliit na lang ang mundo nila? Kahit anong gawin niyang pag-iwas o ‘di kaya lumayo ay pilit pa rin silang pinagtagpo ng tadhana. Hudyat na ba ito na malapit na silang magtagpo ni Rough? "Mama?" Napabalik siya sa katinuan nang marinig niya ang boses ng anak. "Ano iyon, Live? " "Mama, sabi ni Miss Miracris, sumunod na po tayo sa kanya." Tumango lang siya rito, at tiningnan ang dinaanan ng babaeng kausap niya kanina. Buti na lang, hindi pa ito nakalayo sa kanila baka mawala pa sila rito. Ang laki pa naman ng cruise ship na ito. Hinila na niya ang anak, at sumunod na sa babae sa kung saan ang direksyon nito. Habang naglalakad sila’y inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng malaking barko. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nasasanay sa kung gaano kaganda ang cruise ship. It's really worth it to come here dahil kahit na expensive ang ticket, at limited ang ticket ay alam niyang hindi sayang ang binabayaran nila. Napaawang ang bibig niya nang makita ang hallway, pati ang mga chandelier ay sobrang ganda na nakakalula. Pati ang mga kagamitan ay nakakatakot hawakan baka mabasag o kung ano lalo na ang mga figurines at mga vintage clay jars o kung ano pa. "Miss... Is this your first visit to this place? " Napatingin siya sa lalaking bigla na lang sumulpot sa tabi niya. Umiiling siya rito. "Hindi, bakit? " “I'd be happy to give you a cruise ship tour if you'd like,” nakangising offer nito sa kanya kaya napataas ang kilay niya rito. “Salamat na lang.” Umismid ito. “Pakipot.” Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng lalaki at napailing. "Dumbhead," she muttered. Ipinagpatuloy na lang niya ang paglalakad patungo sa nilalakaran ng babae kanina. Nakita niyang pumasok ito sa isang pintuan kaya pumasok din agad siya. Pagpasok niya, natigilan siya nang makita niyang sobrang dami na pala ng mga tao na nag-aasikaso para sa kasal bukas. Lumapit sa kanya si Miracris, at may dala na itong isang white & gold paper. "That's the wedding invitation card, Miss Vine. Nandiyan na rin ang lyrics na dalawang kanta na kakantahin mo." Tumango siya rito at tiningnan ang kantang kakantahin. Napangiti siya ng mapait nang mabasa ang isa sa kakantahin niya. "Grow old with you," usal niya Ito iyong unang kinanta sa kanya ni Rough ng unang nanligaw sa kanya ang binata. Napahinga na lang siya ng malalim, at binalingan na lang ang anak na may kumakain na pala kaya kunot-noo niyang tiningnan ito. "Saan galing iyan?" "Binigay po ng babae." "Bakit? " " Miss Vine, bigay po ng catering staff dahil dito na tayo kakain. Busy na kasi kaya dito na lang kumain ang iba," sabi sa kanya ni Miracris. "Salamat.” Ngumiti lang ang babae sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Siya naman ay tinuon na lang sa dalawang kantang kakantahin niya. Habang busy siya sa kanyang ginagawa, hindi niya namamalayan na may tao pala sa harapan niya kaya kunot-noong tiningnan niya ito. Bigla siyang natigilan nang makita ang isa sa kaibigan ni Rough. "Kiln," sambit niya sa kaharap. Nakaramdam siya ng kaba dahil alam niyang posibleng sabihin nito kay Rough na buhay siya. Nakita niyang seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. "Tama nga ang hinala ko na buhay ka nga. I saw you 3 years ago in this ship, pero isang lingat ko lang nawala ka. Hinahanap kita sa kung saan, pero bigla ka na lang nawala. Akala ko nga, namalikmata ako noon, pero ito ka sa harapan ko, buhay na buhay." Wala siyang nababanaag na emosyon sa mukha nito. Sobrang kabog ng dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng anak. Bumaling ang tingin nito sa anak. "Siya na ba si Olivia? " Lumuhod ito sa harapan ni Olivia. "Olivia, my name is Uncle Kiln. What age are you, big girl?" Olivia gave Kiln a friendly smile. "I'm 7 years old po." "You have a striking resemblance to your father. Kailangan malaman ito ni Rough. Alam kong magiging masaya—" Mabilis niyang pinutol ang pagsasalita nito kaya napatigil ang binata. Tumingala ito sa kanya. "Huwag. Please, magmamakaawa ako sa’yo, huwag mong sabihin kay Rough, ang tungkol dito," nagmamakaawang umiiling siya rito "Why? May karapatan siyang malaman na buhay kayo, Olivine." "Please, huwag. Baka mapapahamak ang anak ko. Kaya nga lumayo kami dahil ayokong mapahamak ang anak ko nang dahil sa hayop na kadugo ni Rough." "Sino? Si Tito Israel ba? " Nanlalaki ang mga mata niya. Nakita niya sa di -kalayuan ang matagal ng sumusunod sa kanila noon. Akala niya’y tumigil na ang mga ito sa kasusunod sa kanya, pero akala niya lang pala niya iyon, dahil bumalik na naman sila. Sana pumayag na lang siya na may magbabantay sa kanila 24 hours, pero hindi siya pumayag sa alok ni Cole. "Aalis na kami ,Kiln. Please, huwag mo munang ipagsabi sa iba at mas lalo na kay Rough. Sasabihin ko sa’yo lahat-lahat, pero hindi pa sa ngayon dahil may sumusunod sa amin, Kiln. Isang maling kilos ko lang ay alam kong may nakaatang na baril sa anak ko." Lumingon ito sa likuran na tinitingnan niya. "Sino ba ang tinutukoy mo? Sabihin mo sa akin para matulungan kita." Pero, umiiling lamang siya rito kaya napabuntong-hininga na lang ito. Ayaw niyang may ibang mapahamak at ayaw niyang idamay ang kaibigan ni Rough. "Okay, sige. Kung hindi mo pa kayang sabihin ngayon ay maghihintay ako sa kung kailan mo gusto, pero teka nga, bakit kayo naparito? Kaibigan mo ba ang ikakasal? " "Ako ang kakanta para sa kasal nila." Tumango ito, at saka nakapamulsa. "Dito ba kayo mag-stay ng ilang araw?" "Oo, dalawang araw lang." "Okay, ipaghahanda ko na ang suite para sa inyo ni Olive." Mabilis siyang umiling sa offer nito. "Huwag na, Kiln. May Ibinigay naman sa amin ang kwarto para sa amin ni Olive. Nakakahiya naman sa’yo." He chuckled. "Hindi. Dapat makasigurado akong maayos ang pagtulog ninyong dalawa at mas lalo sa safety ninyo. Alam kong may tinatago ka sa akin, pero ramdam kong may hinala na ako, kung bakit ka lumayo kay Rough. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ngayon." Doon siya nakahinga sa huling sinabi nito. "Thank you." "Don't. Maliit lang na bagay ang tinulong ko sa inyo. May iba pa ba kayong dapat gawin?" Umiiling siya rito "Wala na baka ipapasyal ko muna itong si Olivia" "I can take you on a tour of my ship." "No need to worry, I can handle it." "That's fine if that's what you want. You can ask my staff to get something done for the two of you. If you need anything, I'll send someone who can help you. I have to go on another errand, so I really need to go." Tango lang ang tugon nito bago sila nito tinalikuran ay hiningi muna nito ang numero niya. — — Mabilis ang lumipas ang araw, patungo sila ngayon sa airport para pumunta sa Cebu dahil may event na naman siyang puntahan doon. Kasama na naman niya ang anak kaya sobrang galak na naman nitong makasakay sa eroplano. She absolutely enjoys taking planes. Kaya tuwing sinasabi niya na sasakay sila ng eroplano ay mas una pa itong gumising sa kanya ng maaga para sabihin sa kanya na dapat maaga silang pumunta dahil gusto na raw nitong sumakay agad ng eroplano. Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng airport para mahanap ang kasama niya patungo sa Cebu, pero natigilan siya sa paglalakad nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya. Nilingon niya iyon, pero sandamakmak na tao naman ang nakita niya. "Olivine! " Nilingon niya iyon, pero wala pa rin siyang makita kung sino ang tumawag sa kanya kaya kumibit-balikat na lang siya, at ipinagpatuloy ang paglalakad. Baka kaperahas lang ng pangalan niya. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD