CHAPTER 3

1436 Words
ROUGH Malalim ang pag-iisip ng binata. Wala siyang saplot kung ‘di boxer lamang ang suot sa pang-ibaba. Nakatitig siya sa kawalan na nakasandal sa hamba ng pintuan ng teresa habang may hawak na white wine. Napabuntong-hininga siya na nakatitig sa makulimlim na langit. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa kanya ang mga pangyayari. Napatingala siya at napapikit ng may bumabadhang mga luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon, kimkim pa rin niya ang sakit na hindi pa rin nawawala. Even though it has been six years, he is still unable to let go of the past. Palagi pa rin siyang hindi pinapatahimik hanggang sa pagtulog niya ay binabangungot pa rin siya. Kaya nga palagi siyang nagpakalasing para makatulog siya ng mahimbing. Iminulat niya ang kanyang mga mata, at pasimple siyang nagpunas. Naglakad siya palapit sa railings, at tinukod ang kanyang siko sa bakal na railings at tinanaw ang mga ilaw ng mga gusali. Ngayon lang niya napagmasdan iyon. Natigilan siya ng may naalala... "You know what, gusto ko talaga rito namamalagi sa teresa. Alam mo ba kung bakit?" Nakasandal siya sa kanyang inuupuan habang ang dalaga ay nakangiting humarap sa kanya. Nakakahawa talaga ang ngiti nito kaya napangiti rin siya. "Because you want to see the beautiful star? " Napahawak ito sa baba at napaisip. "Hindi. Bakit ko nga ba nagustuhan ang teresa?" Natatawang umiling siya rito. Kahit sa simpleng kilos, salita o mga bagay na ginagawa nito ay napapasaya na siya ni Olivine. "Bakit nga? Ilang minuto ka nang nag-iisip, subalit hindi mo pa rin sinasagot." Napasimangot ito. "Bakit ba ang atat mo? Tsk! Kung hindi lang kita mahal sasakalin kita." "Sasakalin sa sarap? " "Hindi! Ang hayop mo talaga pagdating sa ganiyang bagay. Ang ibig kong sabihin sasakalin kita sa pagmamahal." Kumunot ang noo niya sa sinabi ng nobya. "May ganoon ba? " "Ang gulo mo, Ash. Nawala na tayo sa topic." She always call him Ash. Ang girlfriend lang niya ang pwedeng tumawag sa kanya sa second name niya. Natatawang hinila niya ito paupo sa kandungan niya, at yumapos kaagad ang kanyang mga braso sa beywang ng dalaga. Hinaplos niya ang manipis na tiyan ng dalaga na hindi pa nahahalata ang umbok. "Okay, sorry. Nandoon na tayo sa part na kung bakit gusto mo rito sa teresa." He lowered his head and pressed his face against her neck. He gave her a quick kiss behind her left ear, which made her laugh. Alam niya kung bakit natatawa ito dahil may kiliti ito malapit sa tainga. "Why do I enjoy being on the terrace so much? When I'm feeling lonely and depressed, it helps me to have a peaceful mind. I was just admiring the dark moonlight." She sighed and gazed up at the moon. "May nabasa akong isang poetry tungkol sa buwan na mas lalo kong nagustuhan na tumingin palagi rito." She grinned as she observed the wonderful scene and how the stars and the moon glowed in the surrounding darkness. "Everyone aspires to be the sun in your life. But if I could, I'd rather be the moon so I could light up your darkest hour when your sun isn't there." “Why is the poem appealing to you?" “It's all thanks to you. I want to be by your side through good times and bad. I want to be by your side in both happy, and sad times because I truly love you.” "Baby... " Napabalik siya sa kanyang katinuan nang maramdaman ang mainit na katawan ng nobya niyang si Katrina. Humarap siya rito kaya napabitaw ito sa pagkakayakap sa kanya. Nakita niya ang kabuuan ng dalaga. Wala itong saplot maski isa. "You can sleep again, Katrina." Napasimangot ito sa sinabi niya. “You're here on the patio, so I can't get back to sleep. You didn't sleep next to me, Rough.” Diba sabi ko sa'yo na huwag mo akong iwan sa kama? " Napailing siyang pinatalikod ito at tinulak papasok para patulugin ito. "I observed you didn't cuddle with me after our s****l encounter. I think of myself as your s-xual servility," nanghihimutok nitong sabi sa kanya kaya niyakap niya ito mula sa likuran. "Iyan ka na naman sa yakap mo, palagi ka na lang ganiyan kapag naiinis na ako sa'yo, at ito naman ako, nawawala na ang pagtatampo ko o inis na naramdaman. Pagdating talaga sa'yo tiklop ako." "I apologize for mistreating you, Katrina." Huminga siya ng malalim. “You can go back to sleep, and I have to leave right now since someone is waiting for me.” Sumalubong ang kilay nito. "Who? " "You don't need to know. It's a private matter." Humarap ito sa kanya, at agad na yumapos ang mga braso nito sa kanyang leeg. "Would you mind staying here, and sharing a bed with me?" "You know I can't," he murmured, shaking his head. Tinanggal niya ang pagkakayapos nito sa kanya at umatras. Tumingin siya sa kanyang relong pambisig. Nakita niyang malapit na mag-alas dose ng madaling araw. "I really need to go." She hissed. Sinamaan siya nito ng tingin. Hindi na niya pinansin ang nobya dahil tumutunog ang cellphone niya hudyat na may tumawag sa kanya. Lumapit siya sa gilid ng kama. Kinuha niya ang coat dahil nandoon niya nilagay ang cellphone niya. Nakita niyang telephone number ang nakarehistro doon. Alam na niya kung sino ang palaging gumagamit dahil nawala na naman ang cellphone nito o di kaya na misplaced lang niya. Pagsagot pa lang niya sa kabilang linya ay agad na sumalubong na mura galing sa kabilang linya. [You scum! How long must I spend my time until I get in touch with someone like you? ] Yamot na sinagot niya ang nasa kabilang linya. "At sino naman nagsabi na sayangin mo ang oras mo sa akin? Tanga ka ba? Sa totoo lang, hindi naman kita pinilit na makipag-usap sa akin, Trail. " Napatakip siya sa kanyang tainga ng nagmura na naman ito. [What the heck, dude! Hindi mo natandaan ang nakaraang meeting natin? Gusto mo bang ipaalala sa makitid mong utak na ngayon makukuha ang mga bagong dating na mga baril na galing pa sa ibang bansa? Gusto mo, ibigay ko na lang sa mga taong interesado doon? Alam mo, hindi lang ikaw ang may interest doon. Sinayang mo lang ang oras ko. You moron!] Napangiwi siya ng binagsakan siya nito ng telepono. He shook his head. Trail has a bad temper. He instantly puts on his clothes, and kisses his lover farewell. Pinatunog agad ang sasakyan nang makarating siya sa parking lot. Nang bubuksan na sana niya ang pintuan ng tumunog ang kanyang cellphone. Bagot na sinagot niya ang tumatawag. Walang iba kundi ang ama niya. "Father." [Rough, do you recall what the rules are that you have to follow? Why did you not even take action?] Binuksan niya ang sasakyan. Agad siyang napasandal sa kanyang upuan, at mariin na napapikit dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya titigilan ng kanyang ama. Tumiwalag na siya sa grupo, subalit ginugulo pa rin nito ng buhay niya. “Father, I've had enough of this, so please quit pestering me.” Pagak itong natawa sa kabilang linya na ikinakunot ng noo niya. [Do you really think sa pag-iwas mo sa akin ay makakatulong ba iyan? Alam mo na kapag kumalas sa grupo ay dapat may kapalit, at dapat sinunod ang utos, pero hanggang ngayon ay may dalawa ka pang hindi pa natutupad. Magmadali ka, Rough. Kapag ako napuno sa'yo, may pupugutan na naman ako ng ulo. Pwede iyang mga kaibigan mo o di kaya—” Hearing that caused his jaw to tighten. "Just try me, Father. Hindi ako mangingiming patayin kita kapag isinali mo ang mga kaibigan ko." Napahilamos siya sa kanyang mukha, at napamura. Pinatay niya ang tawag, at tinapon ang cellphone niya sa kung saan. Sumasakit ang ulo niya ngayon. Dumadagdag na naman ang ama niyang hindi siya pinapatahimik. Napasandal siya sa kanyang sasakyan at napabuntong-hininga. Napatingin siya sa kawalan. Napaisip siya sa sinabi sa kanya ni Kiln. Paano kung buhay nga ang dating nobya niya, at ang kanyang anak? Umiiling siya. Imposible. Imposible talagang buhay ang mag-ina niya dahil mismong sa harapan niya nakita ang nangyari at nakita niya, kung paano bumulusok ang sasakyan sa bangin. Dahil sa kanya ay nawala ang kanyang mag-ina. Hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang kanyang sarili sa mga pangyayari. Hindi naman niya hinangad na patayin ang mag-ina niya. Kahit may galit siya o kinimkim na sama ng loob ay hindi niya iyon magagawa, pero nangyari na ang nangyari. Siya ang pumatay. Siya ang nakapatay sa mag-ina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD