CHAPTER 2

1387 Words
OLIVINE Nasa isang sulok ang babaeng kanina pa pinagmamasdan ang binatang masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan. Mapait siyang napangiti habang tinitigan ito. Malaki na talaga ang pinagbago ng dati niyang nobyo, ang ama ng kanyang anak na si Rough. He's totally a well-known bachelor right now. When she looked at his face, she saw someone who was happy with the woman who planned this charity event, none other than the famous model, Katrina. Wala na siyang panama kay Rough dahil wala na siyang ipagmumukha sa lalaki. Ngayon ay isa na siyang babaeng rakitera dahil lugmok na lugmok sila sa utang ng kanyang ina. Hindi na niya alam kung saan lumalop iyon pumunta at ang ama naman niya ay namatay noong anim na taon nang lumipas. Ang lakas na lang na panghahawakan niya ang anak niyang si Olivia. Nagsusumikap siya araw-araw para may pangtustos siya sa kanilang pangangailangan. She's working as an wedding planner and events singer. Kung saan-saan siyang lupalop ng bansa kumakanta at may tumatawag sa kanya upang kunin siya bilang wedding planner. Kung saan siya ay nandoon din ang anak niyang sobrang kulit at mapagmahal na anak. It’s been six years, hindi na sila nagkikita o nagkakaharap ni Rough. Simula ng araw na iyon... Pinilig niya ang kanyang ulo. Hindi niya dapat iniisip ang nagpapasakit sa kanya, kung bakit nawala sa kanya ang taong gusto niyang makasama. Napakurap-kurap siya ng may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Bakit ba siya narito? Bakit ba kasi tinanggap niya ang offer na ito? Sana hindi na lang niya tinanggap para hindi niya makita kung gaano na kasaya ang dati niyang nobyo. Napabuntong-hininga siya, kung hindi niya tatanggapin ang offer baka wala na silang makakain kinabukasan. Kailangan niya ng pera ngayon. "Miss Vine, tinawag ka ng emcee." Napatingin siya sa kanyang likuran nang marinig ang pagtawag sa kanya. Nakita niya ang isang staff ng event. Napahugot siya ng malalim na hininga at napapikit. Nagdasal siya na sana hindi siya makita ni Rough, kung hindi ang anak niya ang mapapahamak. Napatingin siya sa anak niya na abalang kumakain ng spaghetti. Nang makita siyang nakatingin dito ay ngumiti ito sa kanya at kumaway. How beautiful her baby is. She wave her hand at her and give her a flying kiss. Olivia giggled na nagpatawa sa kanya. "Halika na po." Tumango siya sa babae at sumunod na rito. Naglakad sila patungo sa stage at iyong kabog ng dibdib niya ay sobrang lakas na kulang na lang ay lalabas na ito. Papaakyat pa lang ay gusto na niyang umurong. Hindi na lang ituloy ang pagkanta at pag-piano niya dahil baka isang maling galaw niya baka mawala sa kanya ang mahal niyang anak. Kahit na natatakot ang kanyang kalooban na may masamang mangyayari sa anak niya ay pinatatag niya ang kanyang sarili. Lumilinga siya sa paligid upang masigurado walang kahina-hinalang kilos. Naglakad na siya patungo sa piano at agad na siyang umupo. Buti na lang may nilagay siyang cosmetics sa mukha para mabago ng kaunti ang mukha niya. Huminga siya ng malalim bago siya nagtipa ng ilang keys, pero tumigil siya saglit para i-congratulate ang may busilak na puso na tumutulong sa ibang tao. Sinabi niya ang kabaitan na ipinakita ng isang Katrina. Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi niya kaya nagsimula na rin siyang magtipa sa piano at kumanta. Ang ipagtugtog niya ngayon ay Even When It Hurts by Hillsong United. Pumikit siya para maramdaman ang kanta at pag-piano. Noon, wala siyang kompiyansa sa sarili dahil takot siyang matalo o pagkabigo sa lahat. Sa mga dinadanas niya ay nakaya niya lahat ng pagsubok na iyon dahil alam niyang palagi lang siyang binabantayan ng nasa itaas at ang anak niyang sobrang mahal siya. Kakayanin niya lahat ng problemang dumarating sa kanya at hindi siya susuko dahil alam niyang malalampasan din niya ang mga pagsubok na ito. May pag-asa pa rin siyang sumaya at maging malaya. Kahit sobra na ang sakit ang dinaranas niya ay makakaya pa rin niya dahil alam niyang makakaya niya ang pagsubok na ito. Hindi siya magpapatalo sa kung anong hirap. Napamulat siya nang marinig ang pagpalakpakan ng mga taong nanonood sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin, napangiti siya nang makita ang paghanga sa kanya ng mga tao. Halata sa mukha ng mga ito ang pagkamangha at ramdam na ramdam ang emosyon sa pagkanta niya. Yumuko siya sa mga ito bilang pasasalamat. Pasasalamat dahil sa appreciation na natanggap niya sa mga ito. Umayos siya nang tayo. Inilibot niya muna ang kanyang paningin sa buong event, subalit nang dumapo ang tingin niya sa kanang parte ng hall ay nanlalaki ang mga mata niya. Gulat na napatingin siya na nasa likuran ng anak niya. Bigla siyang nanlamig at nagmamadaling lumapit sa anak niya. Hindi na niya pinansin ang mga taong sumalubong sa kanya dahil abala ang kanyang tingin sa kilos ng lalaking nakangiting demonyo sa kanya. “ Please, huwag naman sana ang anak niya. Ayaw na niyang maulit na naman ang mangyayari,” usal niya. Nang nasa harapan na siya ng kanyang anak ay agad niya itong kinarga at mabilis siyang tumakbo papalabas ng event. Naluluha siya dahil sa kabang naramdaman niya. Ayaw na niyang maulit ang mga pinagdadaanan niya. Ayaw niyang mawala ang anak niya sa kanya. Ayaw niyang mangyari na naman ang lahat katulad ng nangyari sa kanyang anak halos tatlong taon nang lumipas. Muntik nang mawala ang anak niyang si Olivia, muntik ng mawala ang anak niya. Nanginginig ang kamay na pumara siya ng taxi "Mama anong nangyayari? Mama bakit ka umiiyak? " Napatingin siya sa anak niyang naguguluhang nakatitig sa kanya. "B-baby, ayokong umabot sa punto na mawala ka sa akin. Please, huwag mo akong iiwan." Napaiyak siya nang sinapo ng anak niya ang mukha. Parang tubig ang mga luha niyang dumadaloy sa pisngi niya. "Mama, hindi naman po tayo lumapit kay Papa. Alam ko namang hindi magagawa iyon ng mga taong gustong pumatay sa atin dahil maraming mga security doon Mama" Alam ng anak niya kung ano ang mga nangyayari sa kanila dahil simula ng apat na taong gulang pa lang ito, sinabi niya rito ang lahat. Sinabi niya kung bakit may tahi ito sa mismong tiyan ng bata. Anim na taon na ang lumipas, sariwa pa rin sa kanya ang nangyayari. Na-trauma siya at muntik na nga niyang kitilin ang buhay niya noon. Kung wala lang ang nurse na dumating baka wala na siya sa mundong ibabaw. Muntik na siyang mabaliw sa trauma. Nagsumbong na siya sa mga pulis, pero ang gustong tumulong sa kanya ay malalaman na lang niya kinabukasan bangkay na ang mga ito dahil ang taong iyon ay may panghahawakan sa gobyerno. She tried to call someone to ask for help, pero takot ang pinangunahan ng mga ito. Ayaw siyang tulungan dahil baka pati sila ay madamay. Gusto niyang humingi ng tulong, pero paano? Paano niya magagawa iyon kung takot ang mga ito na masangkot sa gulo dahil ang nasa likod ng lahat ng mga nangyayari ay mapanganib na tao. Napabaling ang kanyang atensyon sa driver nang magsalita ito. "Ma'am, nandito na po tayo." Tumingin siya sa labas at agad niyang binigay ang pambayad sa taxi. Lumabas agad silang dalawa ng kanyang anak. Luminga-linga muna siya bago niya binuksan ang pinto. Kailangan niyang masigurado na walang sumusunod sa kanila Pinapasok niya agad ang kanyang anak sa bahay at nagmamadaling i-lock ang lahat ng bintana, pintuan at dino-double check niya para makasigurado. "Mama, gusto kong matulog." Tumango siya rito. "Sige na anak, mauna ka ng matulog dahil may titingnan lang si Mama." Humihikab ito at tumango. Pumasok na ito sa silid. Maliit lang ang bahay na tinitirhan nila. Kahit maliit ay malinis naman ang buong kapaligiran. Napatingin siya sa malaking larawan na nakasabit sa dingding. Ang huling larawan na panghahawakan ng magkasama pa sila ni Rough. Larawan nila iyon nang pinanganak niya si Olivia. Bakas sa mukha ng binata ang sobrang saya nang maisilang niya ang anak niyang babae. In the photo, they both look very happy. They seem to be in a family photo. Iyan lang larawan ang panghahawakan niya sa huli nilang pagsasama ni Rough. "Rough... " mapait niyang sambit sa pangalan ng taong mahal niya. Gusto niyang maging masaya at makasama niya ito, pero ang pagmamahalan na iyon ay delikado. Ang kapalit ng pagmamahalan nila ay may isang mawawala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD